TREINTA: Celebrando la Fiesta de San Joaquín

121 10 2
                                    

Celebrating the Feast of San Joaquin

Gabriel

Ngayon ang araw ng piyesta ng San Joaquin. Maaga kaming nagising, 5:30 palang ay tapos na kaming mag-almusal at kasalukuyang naghahanda na papuntang hacienda. May handaan kasi sa Hacienda kaya maaga ang mga tao para tumulong sa pagluluto at paghahanda. Malaki ang araw na ito para sa amin at para sa taong bayan, ang araw na ito ay ang kinahihintay ng lahat. Ramdam ko ang sigla ng bawat isa at makikitang ganadong ganado ang lahat ngayon.

Kasalukuyan akong nasa aking kwarto at nakaharap sa salamin, tinititigan ang aking mukha at pinapasigla ang aking sarili. Naging routine ko na rin kasi ito, ang i-motivate ang aking sarili para maganda ang takbo ng aking araw. Dapat positive lang. Balot na balot ang aking katawan ngayon, nakasuot kasi ako ng maluwang na pants tsaka long sleeve, malamig pa kasi ngayon tapos mamaya ay iinit. Lumabas na ako agad nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni tatay Ador.

"Sir Nathan?" Bumungad sa akin ang maaliwalas at gwapong mukha ni Sir Nathan paglabas ko ng aming bahay. Kasalukuyan siyang nagkakape kasama ang aking tatay. "Magandang umaga Gabriel" nakangiting bati niya sa akin. Napakatamis ng kaniyang mga ngiti at umaabot ito sa kaniyang nagniningning na mga mata kaya naman ay napangiti rin ako.

"Magandang umaga po Sir Nathan. Naparito po kayo?" "Gusto sana kitang sunduin, papuntang hacienda, tsaka dala ko si Malik at Magnus" Napatingin naman ako sa labas ng aming tarangkahan at nakita ko nga rito ang kulay puti at kulay kapeng kabayo. Napangiti ako sa kaniya saka naman siya tumayo. "Tayo na?" tanong niya, "sige po" ang tanging nasagot ko saka ako lumabas matapos makapag-paalam sa aking mga magulang.

"Malik, Magnus" bati ko sa dalawang kabayo saka hinaplos ang kanilang mga ulo. Agad na akong sumakay kay Malik at gayun din si Sir Nathan sa kaniyang kabayo saka namin ito pinatakbo. Malamig na hangin ang dumadampo sa aking mukha. Hindi pa ganoon kaliwanag pero nang dahil sa papalabas na araw ay lumiliwanag ang daan.

Napakagandang pag masdan ang kulay kahel na kalangitan, nakakasilaw, nakakabuhay. Nang mapadaan kami sa tubuhan ay huminto kami saglit para lang pagmasdan ang bukang liwayway. Para itong nagtatago sa mga ulap at sa mga tubo mula sa aming kinatatayuan. Napaka-romantic lang ng ambiance. Nakakagaan ng loob at nakakawala ng mga problema.

"Kilala mo ba kung sino si San Joaquin?" rinig kong tanong ni Sir Nathan sa aking tabi. "Po?" "Si San Joaquin ay ang pinaniniwalaang kauna-unahang nakatira dito sa bayan. May katandaan na siya, siya ay mabait, matulungin, at puno ng pananampalataya. Agrikultura ang pangunahin niyang pangkabuhayan. Nanatili siyang ganoon hanggang sa dumami ang tao at naging isang maliit na bayan ito na noon ay walang pangalan. Masaya ang mga tao at payapa ang kanilang pamumuhay, hanggang sa isang delubyo ang dumating" pagkukuwento ni Sir Nathan. Tahimik lang ako at nakikinig habang nakatingin sa kaniyang gwapong mukha.

"Sunod sunod ang kalamidad sa bayan, malakas na lindol at bagyo. Lahat ng bahay at barong-barong ay nawasak at nilipad ng hangin. Lahat ng mga pananim ay nawasak at hindi na namunga pa. Matibay ang kubo ni Joaquin at malaki ito kaya dito niya pinatuloy ang mga taong bayan, binigyan niya rin ito ng mga pagkain dahil may natitira pa itong imbak ng ani. Napaka-matulungin nito sa kaniyang kapwa. Tumagal ng isang linggo ang bagyo at sa huling gabi nito ay nakita nilang lumabas ng bahay ang matandang si Joaquin, sa harap ng taniman niya ay lumuhod ito habang malakas at walang tingil na umuulan at kumikidlat, ang sabi ay nagdasal daw ito para sa kaligtasan ng mga tao. Dumating ang bukas ng maaliwalas na ang kalangitan, parang walang bakas ng delubyo. Pero sa pagkawala ng delubyo ay pagkawala rin ni Joaquin, hindi na nila nakita ang matanda, maraming haka-haka at walang solidong katapusan ang kaniyang istorya kung saan na nga ba siya nagpunta. Kaya ang bayang ito ay tinawag na San Joaquin, pinangalan mula sa taong napakabait at matulungin."

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon