Forty Six

179 11 0
                                    

"GANITO ang design na gusto ko." Ipinakita ni Dennise kay Bea ang gusto niyang isuot para sa engagement party nila ni Alyssa. Halos isang buwan na lang iyon pero wala pa rin siyang napipiling gown.

"Huwag na kayong mag-engagement party. Magpakasal na agad kayo."

"Sa palagay mo, okay lang?" Mas nakikita kasi niya ang sarili na nakasuot ng wedding gown kaysa kaysa jabang sinusuotan siya ni Alyssa ng diamond ring sa daliri. Parang formality lang kasi iyon. Ang lolo lang nila ang may gusto ng engagement party.

"Kung ako iyon, honeymoon na agad para heaven." Niyakap ni Bea ang sarili at pumikit. "Oh, Hottie Alyssa! Iyan. Gusto ko iyan. Go for the gold."

Tinapik niya ng malakas ang noo nito. "Oy! Girlfriend ko yata iyang inaambisyon mo."

"Ito naman, sobrang damot." Ngumisi ito. "Share your blessings."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Umayos ka kung ayaw mong ipa-rape kita sa sampung baliw sa istorya ko."

"Ay! Bad yan!" sabi nito, saka humanap sa mga sketches nito ng gown na puwede niyang magustuhan para sa party.

Lumapit sa kanila si Aling Sonya. "Señorita, may delivery po para sa inyo."

Isang bungkos ng mga bulaklak ang dumating na may kalakip na envelope. Inagaw ni Bea sa kanya ang mga bulaklak at inamuy-amoy. "Aaah! Mahal talaga ako ni Hottie Aly."

Natawa na lang siya sa illusyon nito. Binuksan niya ang envelope. Basta si Alyssa, maraming sorpresa para sa kanya. Hindi na ito nasiyahan na tumawag kada oras kapag nasa Maynila ito. Kung ano-ano ang ibinibilin kina Mang Lito na bilhin para sa kanya. Hindi na nga niya kailangan pang humiling dito. Ito na ang kusang nagbibigay.

Mga larawan niya ang laman ng envelope. Kuha niya iyon nang nakaraang araw nang kasama niya si Alyssa habang namamasyal sa mall. Halos sa kanya ang focus ng mga larawan. Kahit kasama niya si Alyssa ay blurred iyon.

Bakit marami siyang kuha? Sino ang nagpadala niyon?

Isang note ang natagpuan niya na nakasingit sa mga larawang iyon.

Do not fret, my love. I will come to you soon. Wait for me.

"Aling Sonya, may pinirmahan po ba kayo nang dalhin ito?" Tanong niya.

"Ay, wala po! Si Señorita Aly, kung sinu-sino na lang ang sumusulpot para padalhan kayo ng regalo."

Bumilis ang tibok ng puso niya. Malakas ang hinala niya na hindi kay Alyssa nanggaling iyon. Dahil kung dito nanggaling iyon, tatawag ito para magtanong pa ito ng iba niyang gusto.

Lumipas ang ilang sandali, pero wala siyang natanggap na tawag mula kay Alyssa.

Napatitig siya sa Malaysian mums na inaamoy pa rin ni Bea. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga bulaklak at sa envelope na may lamang pictures niya.

She became nostalgic. Isang tao lang ang nagpapadala sa kanya ng Malaysian mums at magtitiyagang kumuha ng larawan niya— si Walter Cinco.

Gumapang ang kilabot sa katawan niya. Animo ay nagbalik ang mga bangungot sa harap niya mismo. Ang akala niya ay matagal na niyang naibaon ang mga iyon pero muli na namang bumangon.

Inagaw niya ang mga bulaklak mula kay Bea. "Akin na iyan!"

"Ay! Bakit naman may ganoong factor?" Anitong natutop ang bibig. "Hindi ko naman sisinghutin iyang mga bulaklak mo."

Iniligpit niya ang mga clear booj ng sketches nito pati ang sketch pad. "Umuwi ka muna Bea."

"Bakit? Nagseselos ka ba na aagwin ko si Hottie Aly sa iyo? Pinagnanasaan ko siya pero hindi ko siya aagawin."

"Umalis ka na!" Mangiyak-ngiyak na savi niya, saka pumunta sa dirty kitchen. Nilagpasan niya si Mari na naghahanda ng pananghalian. Kinuha niya ang gaas at porporo, saka tumuloy sa likod-bahay.

Inihagis niya sa hukay ng basura ang mga bulaklak at envelope, saka sinigaan— si Walter. Nakalaya si Walter. Walang ibang puwedeng gumawa niyon kundi ito lang. Pero paano nangyari iyon? Nakakulong ito sa mental institution. Kung lalaya man ito, sa kulungan ang bagsak nito.

Pero sino? Dalawang beses nang nangyari na may nagpadala ng pictures at Malaysian Mums sa kanya. Someone was bothering her, following her every move.

Nang pumasok siya sa bahay ay tinawagan niya ang Kuya Deive niya na nasa Bangkok. "Kuya, can you check on Walter?" Humigpit ang pagkakahawak niya sa Cellphone. Nanginginig ang mga labi niya habang nilalabanan ang takot na nararamdaman niya.

"Basta i-check mo, Kuya. Kung kinakailangan pumunta ka sa Phnom Pehn para tiyaking nakakulong siya—"

"Dennise, tell me what's wrong."

Huminga siya nang malalim. "Basta tawagan mo ako sa update, Kuya. Bye."

Ayaw niyang ma-paranoid pero kakaibang kilabot ang nararamdaman niya. Hangga't hindi sinasabi ng Kuya Deive niya na nasa mental institution pa nga si Walter, hindi matatahimik ang kalooban niya.

-------

🐱🐱🐱

I'm baaaaack 🧡🖤

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon