Nanghihina na si Dennise sa gutom. Ayaw niyang lumabas ng kuwarto. Natatakot siyang makita o makasalubong si Alyssa. Naiinis siya. Kahit nang hapunan ay hindi niya ito sinabayan. Sa kuwarto lang siya kumain. Para sa brunch ay gusto sana niyang bumaba para mag agahan. Ang kaso ay narinig pa rin niya ang boses ni Alyssa.
Nang may kumatok sa pinto niya ay nakaamoy agad siya ng pagkain. Tiyak na si Mari iyon at dadalhan siya ng pagkain. Siguro ay naiintindihan nito ang kalagayan niya na ayaw niyang makita si Alyssa.
Nawala ang ngiti niya ng pagbuksan niya ay si Alyssa. "Hi! Ipinagdala kita ng breakfast. Naisip ko na baka gusto mo ng breakfast in bed."
"Gusto kumain kung saan wala ka," sabi niya saka inabot dito ang tray ng pagkain.
Itinaas nito ang tray para hindi niya maabot. "Unfortunately kailangan mong tiisin ang kagwapuhan ko. Gusto kong bantayan ka habang kumakain."
"Hindi na kailangan." Subalit hindi pa rin ito umaalis at nakabantay sa bawat subo niya. Lumihis tuloy siya nang bahagya at halos magka-stiff neck siya wag lang itong lingunin. Nakakailang kasi ang mga tingin nito. "Baka may iba ka pang gagawin. Baka may daga o ahas dito sa bahay. Hindi kami close ng mga yon."
"Tiniyak ni Mang Lito na walang ahas at daga rito. Sa bukid lang mayroon."
"Sa bukid ka na lang maglinis kung ganun."
"Nagtatampo ka pa rin sa akin hanggang ngayon?"
Inirapan niya ito saka sumubo." Sino bang matutuwa sa ginawa mo?"
"Sorry na nga eh." Sabi nito habang pinagbabalat siya ng Orange. "Matitiis ba naman kita? Hindi ko na bubulabugin ang mga paniki mo."
"Talaga?" Tanong niya. Nabawasan ang inis niya rito.
Tumango ito at sinubuan siya ng slice ng orange. "Oo, kita mo naman, babawi ako sa iyo. At nag-sorry ako sa mga paniki mo."
Akala niya ay sa kanya lang ito nakipagbati. Pati pala sa mga paniki ay humngi rin ito ng tawad sumubo siya ng orange pero hindi pa rin ito basta basta makakabawi sa kanya. "May isa ka pang kasalanan sa akin. Iyong mga damit ko."
"Oo. Papalitan ko ang mga iyon." Tumayo ito at hinalungkat sa closet ang mga damit niya. "Nasaan ang mga bigay ko sa iyong mga damit?"
Inginuso niya sa baul. "Andoon. Di ko naman magagamit ang mga iyan. Ido-donate mo ba iyan sa mga nangangailangan?"
"No!" Binuksan nito ang baul at may inilabas na floral dress. "Here. Isuot mo. May pupuntahan tayo. "
Humalukipkip siya. "Hindi ko isusuot iyan at hindi ako aalis dito sa mansiyon."
"Sige na sumama ka na sa akin. Please?" Sabi nitong pinagsaklop ang kamay.
"Kung gusto mong sumama ako sa iyo., isasama mo akong ganito," sabi niyang lalo pang ginulo ang mga buhok niya. Tignan lang niya kung mailabas siya nito ng bahay na ganito ang kanyang hitsura. May smudge pa ang eyeliner at marcara ang mga mata niya. Namumutla siya at nakasuot siya ng duguang white dress.
"Fine! Bibitbitin kitang ganyan!"
Napahiyaw siya nang bitbitin siya nito na parang sako ng bigas. Nagwala siya at hinampas ang likod ni Alyssa. Pero hindi natinag man lang. The beast! Talagang hindi ito nahihiyang ilabas siya ng bahay.
"Magwala ka pa at gugulong tayong dalawa pababa ng hagdan," banta nito.
Natigilan siya sa pagwawala. Ayaw naman niyang parehong mabali ang mga buto nila. Pero nang makababa sila ay nagpumiglas ulit siya. "Ibaba mo na ako!"
"Hindi kita pakakawalan hangga't wala tayo sa kotse."
Nadaanan niya sina Mang Lito, Aling Sonya at si Mari na nakahilera sa tabi ng pinto. "Tulungan ninyo ako!"
"Mag-ingat po kayo sa pagbiyahe, Señorita," wika ni Mang Lito.
Sina Aling Sonya at Mari naman ay kumakaway lang. "Mag-ingat po kayo."
Kahit si Luna ay tahimik lang habang nakahiga sa paanan ni Mari. Ni hindi iyon nagtangkang sugurin si Alyssa. Wala na ba siyang kakampi?
"Taksil! Mga taksil kayo!"
Nang ipasok siya ni Alyssa sa frontseat ng sasakyan ay tinangka niyang lumabas, pero nahawakan agad nito ang balikat niya at isinandal siya at nilagyan ng seat belt. "Stay put!"
"Saan mo ba ako dadalhin?"
"Sa mall. Kailangan mo ng total makeover."
"No way! Subukan mo lang lagot ka sakin!" She tightly close her fist. Bakit ba naisip miyang magkakasundo silang dalawa? That she was really apologetic a while ago and she really wanted to respect her individuality? She was wrong. "You are a monster! Katulad ka rin ng ibang tao na tinitignan ang panlabas na kagandahan ng isang tao. Iyan lang ang alam ninyo!"
Umikot ito at umupo sa driver's seat. Pabalagbag na isinara nito ang pinto ng sasakyan at ginamit ang power lock. "I'm trying to make things work here. Marriage is not as simple as you think. Di dahil marriage of convenience ito, puwede na nating gawin ang lahat ng gusto natin para makuha ang goal natin."
"Akala ko, tanggap mo kung sino ako?"
"For example we'll do things your way. Haharap ka sa lolo ko na ganyan kahit ang mga lunatic ay katatakutan ka. Tiyak na iuurong niya ang kasal. Mawawala sayo ang Villa Celestine."
"There must be some other way."
"There is no other way, Dennise. So we will do it my way."
-----
OLA!
This is a triple update. Wait for next.
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...