Five

3.3K 140 4
                                    

Mabilis ang hagod ni Dennise sa papel. Nakasubsob siya sa drawing table at isang maliit na lampara lang ang ilaw. The rest of the room was pitch dark. Tahimik ang paligid dahil maghahating gabi na. Tanging huni ng mga kuliglig at panggabing hayop ang naririnig.

Walang magiisip na kuwarto iyon ng isang magandang dalaga. Nakadikit sa dingding ng kwarto niya ang iba't ibang paiting at sketches ng mga nakakatakot na nilalang. Parang buhay ang mga kalansay na nakatayo sa magkabilang gilid ng mesa niya. Ang lalaki ay nakasuot ng pampiratang costume at may espada pa sa tagiliran. Habang ang babae naman ay nakasuot ng damit-pangkasal.

At siya naman ay nakasuot ng mahabang puting nightdress. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok at bumabagsak ang ilang hibla niyon sa noo niya. Nanunuot sa ilong niya ang amoy ng dugong nakamantsa sa damit niya. Hindi siya si Dennise nang mga oras na iyon. She was April, an avenging white lady.

Unti-unting nabuo ang imahe ng isang guwapong nilalalang na nakatingala. Those piercing eyes were so powerful, as if they were touching her soul. Ito dapat ang kasintahan ni April na nagpilit ditong magpa-abort. Nabuo niya ang imahe ni Alyssa Valdez

Nahigit niya ang hininga. "No!" Walang pag-aatubiling nilukot niya ang papel at inihagis sa nag-aabang na  si Luna na kanina pa pinaglalaruan ang mga naunang papel na nilamukos niya. Pwang may drawing ng mukha ni Alyssa Valdez ang mga iyon.

Sa sobrang frustrations ay binitawan niya ang lapis at inilibot ang tingin sa buong kuwarto. Nasabunutan niya ang sarili. "Bakit siya ang laging lumalabas sa drawing ko? Ayoko sa kanya! Ayoko!"

Isa siyang grapic novelist ng mga horror stories. Kadalasan ay sa gabi niya nakukuha ang mood niya. Nakikiisa sa kanya ang kadiliman at malayang dumadaloy ang mga ideya sa isip niya. Pero sa gabing iyon ay parang wala siya sa sarili.

Kanina pa siya nagsimulang gumuhit para sa bagong istoryang naisip niya. At para makuha ang mood niya, nag-bibihis siyang katulad ng characters na ginagawa niya. Kaya pinuno niya ng iba't ibang costumes sa mga horror movies para gumana ang isip niya. Feel na feel niya ang costume niya bilang isang white lady na namatay matapos piliting ipa-abort ng kasintahan ang dinadala. Kaya nga kompleto iyon sa blood effects na ikinalat niya sa damit at balat niya.

She was partcularly bothered tonight. Pagkatapos niyang makita ay kakisigan ni Alyssa, nagkagulo-gulo ang storya niya. Hindi na siya makapag-isip nang mabuti. Hindi na umeepekto sa kanya kung bilog man ang buwan at kompleto ang costume niya.

"Ano bang kulang?" Tanong niya sa magnobyong kalansay na nasa magkabilang gilid ng mesa niya. Walang sagot mula sa mga ito. Nilapitan niya si Luna na nagpapagulong-gulong sa mga nilamukos na papel. "Luna, bakit naiisip ko pa rin siya?" Sinapo niya ang dibdib na mabilis parin ang pintig nang sumagi sa isip nya ang magandang mukha ni Alyssa. "Bakit malakas ang tibok ng puso ko?"

Hindi pa siya na-excite ng ganoon sa loob ng mahabang panahon. Mas interesado siya sa mga gross, nakakatakot at nakakapandiring bagay na maaring mabuo para sa mga istorya niya. Alyssa was neither. She was more of a Night in shining Armor on a fairy tale. She hated fairy tales with a lovely princess and handsome Prince. Iyon ang tinatakasan niya. At hindi siya mahuhulog sa patibong ng fairy tales.

Mas ligtas siya sa mundo ng kadiliman.

Isang ideya ang kumislap sa isip niya. "Alam ko na! Mag-piano tayo."

Nagpapalag si Luna nang bitbitin niya ito palabas ng kwarto. Nangako siya kay Mari na hindi siya lalabas ng kuwarto sa gabing iyon na suot ang isa sa mga costumes niya. Hindi siya tutugtog ng piano at manggagambala sa gabi. Pero hindi siya matatahimik hangga't hindi niya natitipa ang piyesa sa piano. Iyon lang ang pag-asa niya para mabura sa isip niya si Alyssa at bumalik siya sa huwisyo.

"Huwag kang maingay, Luna. Hayaan mo akong tumugtog. Isang piyesa lang."

At sa tulong ng liwanag ng buwan ay maingat siyang bumaba sa sala. Pag-upo niya sa harap ng piano ay dumagundong ang lumang grandfather's clock na nasa tabi ng hagdan. Alas-dose na ng hatinggabi.

"Perfect!"

Hi guys 🐱🐱

Dahil sa nasermonan ako ng kapitbahay sa pagtugtog ko ng keyboard kagabi. Nagupdate nalang ako. Haha. Maingay daw!

Anyways,

Naalala ko yung sinabi ni Ly sa Interview sa kanya tas sinabi niya na weirdest friend niya si Den. Haha yun talaga yung naaalala ko nung tinatype ko tong part na to. Hahaha.

-share #^_^  keep reading guys!
Thank you!

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon