Biglang binitawan ni Dennise si Alyssana parang napaso at dali-daling bumaba ng kama upang makalayo dito. Nag-iinit ang mga pisngi niya. Hindi siya makapaniwala na magagawa niyang maging agresibo dahil lang gusto niya itong gamutin agad.
Yumuko siya. Hindi niya magawang salubugin ito ng direkta. "I'm sorry."
Nang sulyapan niya ito ay nananatili pa rin ang pilyang ngiti sa mga labi nito. Na parang ine-enjoy nito ang "pangha-harass" niya rito.
Nakakahiya. Ano na lang ang iniisip nito sa kanya? That she is excited to get laid? Baka magsibangon ang mga ninuno niya at sabunutan siya. Saan na ba napunta ang isip niya? May mukha pa ba siyang ihaharap dito?
Napasinghap siya nang ibuka nito ang harap ng bathrobe na parang si superman. Nakabilad na sa mata niya ang bakat na bakat na abs nito. "Go ahead! Gamutin mo na ako."
Gamitin? Napangaga siya. "Ha?"
Gamitin, kung pagbabasehan ang mga napapanood niya sa TV, ang ibig sabihin ay pumapayag itong gawin niya ang kahit na ano sa katawan nito. Pwede niya itong pagsamantalahan. Sinasabi rin iyon ng mga harlot, at mga gigolo sa customer nito.
Sa pagkakataong iyon, bihasa si Alyssa sa kalakaran ng mundo. Sanay na itong pinagnanasaan ng mga kababaihan.
Dios mio! Virgin pa ako!
Seryoso ba ito? Iniaalay na nito ang katawan nito sa kanya?
Naestatwa siya habang nakatitig sa katawan nito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nanginginig na rin ang kamay niyang may hawak na bulak at betadine. Nanlalambot siya. Inosente pa siya. Ano ang una niyang gagawin? Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
Ano bang klaseng tao ang ibinigay sa kanya ng lolo niya para pakasalan siya? Wala pa silang isang oras na magkasama ay bumabaligtad na ang mundo niya.
"Dennise," tawag nito sa kanya.
"Yes?" Sisimulan na ba niya? Saan? Paano? Someone help her.
Lalo nitong ibinuka ang bathrobe. "Ano pang hinihintay mo? Gamutin mo na ako."
Muntik na niyang maingud-ngod ang sarili niya. GAMUTIN. Hindi GAMITIN. Kailan pa siya naging bingi? Malinaw naman ang pandinig niya— kasinlinaw ng pandinig ng mga paniki at ang radar ng mga ito. Dapat na yata siyang magpatingin sa doktor.
Atubili siyang umupo. Dahan-dahan siyang kumuha ng cotton balls at pinatakan ng povidone iodine. Nanginginig ang kamay niya. Humihinga siya nang malalim para kontrolin ang sarili.
Parang slow-motion habang inilalapit niya ang bulak sa malalim na kalmot ni Luna sa dibdib nito. Sa palagay niya ay doon kumapit si Luna nang tumalon ito sa kay Alyssa.
"Ahhh!" Sigaw nito at nakalukot ang mukha.
Nataranta siya. "Masakit ba? Sorry! Sorry!"
"Hahahaha!" Abot-tenga ang ngisi nito. "Practice lang."
Nagpakawala siya ng malalim na hininga at marahan na idinampi ang bulak sa balat nito. Drat this woman! Tama bang pag-tripan siya? Nakokonsensya na nga siya sa kamalasang nangyari dito. Gusto pa ba nitong sagarin ang konsensiya niya? Na hindi siya pwedeng magalit dahil kasalanan niya kung bakit ito nakalmot ng pusa niyang Man-hater. Literal na man hater dahil galit ito sa mga lalaki at asal lalaki.
Ngayon ay nakikita na niya ito ng malapitan. Alyssa didn't have an ounce of flab. Morena ang balat dahil din siguro sa outdoor sports. Her pale white skin was in contrast with Alyssa's dark one. And she kinda liked it. Paano kaya kapag hinaplos niya ang abs nito?
Ipinilig niya ang kanyang-ulo. Paano ba siya makakapag-concentrate sa panggagamot dito kung naghuhumiyaw ang katawan niyang maging normal na babae? Ayoko! Isang malaking kahangalan na pagnasaan ito. Ayaw niyang maging normal na babae.
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...