Nakikiramdam si Dennise habang nagluluto. Nasa sala si Alyssa at ang mga bisita nito. Hindi man kumikibo ang iba pero halatang ayaw ng mga ito sa kanya. Kahit nang magpalit siya ng makulay na damit na binili ni Alyssa para sa kanya ay hindi pa rin komportable ang mga ito sa kanya. Mukhang hindi siya ang Dennise na inaasahan ng mga ito.—ang normal na babaeng inalalako ng Lolo Miguelito niya.
"Luto na ata iyang sauce, Señorita," untag ni Mari. Hindi niya napansin na nakabalik na ito sa kusina mula sa pag-aayos ng Mesa.
"Anong sabi nila sa iyo?" Tanong niya. Ayaw sana niyang palabasin si Mari pero gusto ni Alyssa na ipakilala ito sa mga bisita.
"Mababait at Magagandang Guwapo pa." Abot-tainga ang ngiti ni Mari. "Tinanong pa nga ako ni Vic kung ako iyong kuba sa storyang ginagawa mo. Iyong pinagbintangang salot pero sa huli, nagung bayani pa."
"Alam nila ang tungkol doon?" Nagbabasa sila ng mga gawa ko?
Sikat ang mga gawa niya pero maliban sa publisher, editor at ang designer niya ay walang ibang nakakaalam ng identity niya. Hindi siya umaattend sa mga book signing.
"Oo idol na idol ka nga raw nila, pati si A, iyong masungit. Proud na proud nga sayo si Señorita Alyssa. 'Di ka lang daw basta magaling na artist. Magaling ka rin daw sa History. Kaya interesado silang makita ang underground cemetery. Gusto kong magpasalamat sa inyo, Señorita."
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Dahil sa inyo, nag-iba ang tingin sa akin ng mga tao. Ngayon lang ako tinrato na parang bayani dahil nabasa nila ang storya ninyo."
Hinawakan niya ang palad nito. "Mari, mabuti kang tao. Sa mata ng Diyos, pantay-pantay naman tayo. Mga tao lang naman ang nag-lalagay bg standard. Kahit ang magaganda, 'di rin nakakatakas sa kalupitan ng mga tao."
Nalungkot siya ng maalala kung sino ang nagbayad dahil sa kagandahan niya.
"Puntahan mo na sila. Ako na ang bahala rito."
Ngumiti siya bilang sagot. Nagtungo siya sa sala. Naaubutan niyang tumutugtog ng piano si Marge habang walang tigil sa kuwentuhan ang mga kasama nito tungkol sa graphic novels niya na nabasa ng mga ito. Nagulat pa siya nang lumapit sa kanya si Gretchen at inabot ang pentel pen sa kanya.
"Magpapa-authograph sana ako sa iyo."
Napaatras siya at umiling. "Hindi ako nagsa-sign ng authograph." Ni ayaw nga niyang makiharap sa kahit sinong fans niya.
Humalukipkip si A. "Bilang future wife ni Alyssa, hindi mo kami puwedeng tanggihan. Bilang kapalit, babantayan namin siya kapag nambabae siya."
"Walang ganyanan, dude," angal ni Alyssa. "Behave na ako."
Kinuha niya ang pentel pen at pumirmasa bagong publish na libro niya at nakalabas na sa market na pag-aari ni Vic, Gretch at A. Masarap din palang pumirma ng autograph. "Sana lang, manatili akong anonymous sa iba. Pinagbigyan ko lang kayo para isumbong ninyo sa akin kapag tumingin sa ibang babae si Alyssa."
Napakamot sa ulo si Alyssa. "Good girl na nga eh," anito.
"Puwede mag-request?" Tanong sa kanya ni Kim. "Sabi ni Aly, sinusuot mo ang mga costume ng mga characters mo sa novel mo. Puwede bang isuot mo ang costume ng red vampire na si Mavis? Crush ko kasi siya."
"Ano?" Angil ni Alyssa at inipit ng braso ang leeg ni Kim.
Umugong ang malakas na tawanan sa buong kabahayan at kasama roon ang tawa ni Dennise. Noon lang uli niya nagawang tumawa sa loob ng mahabang panahon. Si Alyssa lang ang nakapagpatawa sa kanya.
With that laugh, Alyssa also opened tha door to her heart. And she would let her in even if she won't ask.
---
🐱🐱🐱
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...