Magkasalubong ang kilay ni Dennise ng bumaba siya sa sala. Napilitan siyang lumabas sa lungga niya dahil ayon kay Mari, may bisita daw siya. Nasa gitna ng sala at nakaupo sa sofa ang publisher niyang si Marco. May nakabalot ding regalo sa tabi nito.
Sinalubong agad siya nito nang bumaba siya mula sa hagdan. "Finally! Akala ko, wala ka nang balak babain ako. How's my best-selling writer?" Tanong nito, sabay halik sa likod ng palad niya.
"So, what brought you here, Boss?"
Kapapasa lang niya ng pinakahuli niyang project. Wala na siyang utang dito. Matagal pa naman ang renewal ng contract niya. Maliban kung plano nitong taasan ang suweldo niya.
"Dinadalaw ka. Nagdala ako ng pagkain at regalo dahil maganda ang sales ng novel mo."
"You don't really have to bother. Masaya na akong nai-publish ang mga libro ko at bumebenta." Umupo siya sa sofa. "But thanks anyway."
Kumislap ang mga mata niya nang i-serve ni Mari ang rocky road cake. Nawala tuloy ang indifference niya. Parang batang sinunod-sunod niya ang subo sa cake.
"I have a favor to ask, Dennise."
"What is it, Boss?"
Pagdating sa cake, open siya sa kahit anong bagay. Nakalimutan niya na isang lobo ang boss niya. Hindi ito pupunta roon nang walang ibang pakay. Inilabas na nito ang ultimate weapon nito kaya pakiramdam nito ay hindi siya makakatanggi.
"Um-attend ka ng book signing natin."
Lumikha ng tunog ang pagbagsak niyang tinidor sa platito. Nang maubos niya ang cake at uminom ng juice ay nakitaan niya ng pag-asam sa mga mata nito.
"I'm afraid it's a'no,' Boss.""Pero maraming fans ang naghahanap sa iyo. Tataas pa ang sales ng libro mo kapag nakilala ka nila."
"I want to remain incognito. I'm sorry, Boss."
Yumuko siya. Naramdaman niya ang panginginig ng kamay niya nang ihawak niya iyon sa tuhod niya. Ayaw niyang humarap sa maraming tao. At sa mga book signing kailangan niyang humarap sa mga readers na mukhang professional. It means showing her face to the public. Tama na. Ayaw na niya.
"You can't blame a man for trying. Pero pag isipan mo rin Dennise."
Nanatiling nakatungo si Dennise kahit nang makaalis si Marco. Nakarinig siya ng yabag ng mga paa na tumigil sa harap niya. "Sino iyon? Manliligaw mo?"
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang nakatayo sa harap niya si Alyssa. Galing daw ito sa farm ng Kuya Deive niya. Kailangan daw kasi nitong magpasikat. At ang alam niya ay kakausapin pa nito ang Kuya Lee niya para humingi ng advice sa negosyo dahil isang financial analyst ang pinsan niyang iyon.
"Ha?" Tanong niya dahil hindi agad niya nakuha ang tanong nito.
Dumilim ang mukha nito. "Iyong lalaking iyon. Manliligaw mo ba 'yon? Ang porma ah! Siya ba ang nagdala ng cake?" Masama ang tingin nito sa cake na inihain kay Marco kanina na hindi nito nagalaw.
"Publisher ko iyon. He wants me to attend the book signing."
Tila noon lang ito kumalma. Umupo ito sa tabi niya. "Ah. I see. Kailan daw?"
Nagkibit-balikay siya. "Not interested. Hindi naman ako sasama."
"Sayang ipinakita sakin ni Gretch ang forum ng mga stories mo. Ilang book signing na pala ang 'di mo pinupuntahan. Kahit nga raw solong book signing mo, pupunta pa rin sila. Can't you do it for your fans?"
"Alyssa, hindi ako sanay humarap sa maraming tao, lalo na't di ko kilala."
"Bakit di mo subukan?"
"No! Ayoko sa maraming tao at nakikita nila ang mukha ko." Umiling siya. "Basta hindi ako pupunta! Masiyahan na silang makita ang mga gawa ko. Iyon lang ang puwede kong i-share sa kanila."
Nagsukatan sila ng tingin. Huminga ito nang malalim. "Okay. I won't force you if you don't want to," sumusukong sabi nito. Kinitalan siya nito ng halik sa noo. "May iba pa bang dalang pagkain ang publisher mo?"
Ngumiti siya at tinawag si Mari subalit nalungkot siya nang hindi umabot sa mata ni Alyssa ang ngiti nito. Napu-frustrate na rin siguro ito sa kanya pero sana pagtiisan pa siya nito. Huwag sana siya nitong bibitawan.
----
🐱🐱🐱
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...