Twenty One

2K 83 2
                                    

Kanina pa nakatingin si Dennise sa wall clock sa kwarto niya. Ala-una ng hapon ang usapan nila ng designer niyang si Bea Tan. Ito ang gumagawa ng mga damit na isinusuot niya tuwing nagsusulat siya. Maari niyang sabihin na ito ang tumutulong sa kanya na bumuo ng mga istorya. Ang mga damit kasi nito ay bahagi ng istorya niya. At dahil sikat ang mga graphic novels na ginagawa niya, napagkakatuwaan ng mga fans niya na isuot ang mga iyon sa mga costume plays. Dinarayo din si Bea dahil sa recognition din ng mga fans sa kaniya.

"Alas-tres na, wala pa rin siya." Dinampot niya ang telepono na nasa tabi niya at tinawagan si Bea sa cellphone nito. "Bea, nasaan ka na? Gusto ko na makita ang mga bagong creations mo." Gusto niya ng bagong concept sa bagong story niya dahil kakatapos lang ng huling story niya.

"Ha? Pabalik na ko ng Manila."

"San ka galing?"

"Diyan sa inyo"

"Paano nangyari iyon?" Hindi naman siya tinawag ni Mari na dumating na pala ito. "Nagkaproblema ba kaya pabalik ka na?"

"Hindi ba sinabi ng jowa mo na gusto mo naman ng mga bagong designs?"

"Ha? Jowa ko?"

"Oo. Si Hotty Aly! Ang guwapo talaga ng Jowa mo at Hot pa. Sabi niya yong mas makulay at hindi masyadong dark."

"Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na magpalit ng genre. At bakit sasabihin ni Alyssa iyon? Tapos naniwala ka naman?"

"Naisip ko din na baka nabago na ang genre mo dahil sa Love. You know. Dahil inspired ka sa Jowa mo."

Kumulo ang dugo niya. Ano bang pakialam ni Alyssa sa gusto niyang isuot? Malinaw rito kung anong klase ang trabaho niya at ang inspirasyon ay nakukuha niya sa mga costumes niya.

At higit sa lahat ay hindi siya inlove sa impaktong iyon.
"Wala siyang pakialam sa mga costumes ko o sa trabaho ko. Ibalik mo ang mga iyan."

"Naku! Baka magtampo sa akin si Hotty. Nangako ako sa kanya na pagbalik ko, gagawan kita ng bonggang damit. Next time na lang."

Great!  Ang akala niya ay mga kasambahay lang niya sa mansiyon ang nakuha ni Alyssa. Pati si Bea ay nagustuhan na rin si Alyssa. Kunsabagay, pagdating  sa pagkakaibigan nila ni Bea at kahit sinong gwapo sa mundo, mas pipiliin nito ang kaguwapuhan ng mga lalaki o kahit mga napapakalalaki. Sa susunod niyang storya, malamang ay may ipapa-rape siyang malandi sa isang dosenang nymphomaniac.

"Eh kung, bonggahin ko kaya kayong dalawa ni Alyssa? Ako ang kaibigan mo. We are partners. Trabaho natin to. Bakit hinayaan mong pangunahan tayo ng isang iyon? This is just between you and me, Bea!"

"Ang guwapo kasi niya. Nawala na ako sa sarili ko."

She let out a curse. Talagang nawala sa sarili ang kaibigan niya. Nawawala rin naman siya sa sarili minsan dahil kay Alyssa pero hindi kasing hibang ni Bea.

"Mag-hintay ka lang jan ha, babalikan kita."  At binaba na nito ang tawag. Inayos niya ang damit niya. Alam niyang nasa attic si Alyssa at naglilinis. Kaya pinutahan niya ito. Hindi maganda ang kutob niya sa mga ginagawa nito roon.

"Señorita Aly, huwag po!" Pakiusap ni Mari. "Magagalit si Señorita Dennise."

"Hindi! Hindi ko na matatagalan ito."

Lumakas ang tibok ng puso niya ano ang ginawa nila sa attic? Parang nabasa na niya ang mga ganito sa ibang nobela. Isang hindi inaasahan at pangit na pangyayari ang nagaganap sa likod ng pinto. Anong nangyayari?

Nang itulak niya nang ubod ng lakas ang pinto ay bumulaga sa kanya sina Alyssa at Mari na nag-aagawan sa pang-agiw.

"Señorita, gusto po niyang palayasin ang mga paniki," sumbong ni Mari sa kanya.

"Dapat lang naman. Maliban kay Batman at Dracula, may iba ka pa bang kilala na nagpapatira ng paniki sa bahay nila? No wonder mukhang hunted house itong bahay mo. Nagbi-breed ka ng mga paniki." Inumang nito ang pang-agiw sa kung saan namumugad ang mga paniki. "Dapat sa kanila, mawala na rito."

Pinigilan niya ang braso Ni Alyssa. "Those bats are my friends!"

Tinutulungan siya ng mga paniking iyon sa mga sinusulat niya. Kapag binulabog niya ang mga iyon, saan na sila titira? Hindi niya pwedeng palayasin ang mga iyon.

Natigilan ito. "Pangarap mo bang maging si Batgirl? Gagawin mong Bat cave itong mansiyon mo? Paano kung magkasakit ka dahil sa kanila? O kaya, sipsipin na lang nila ang dugo mo habang natutulog ka?"

"Now look who has a wild imagination." Pinitik niya ang noo nito. "Nauna pa silang dumating sayo rito. Anong karapatan mong galawin sila?"

"Kung dito ako titira sa Villa Celestine, may karapatan ako sa dapat mangyari sa bahay na ito. Kahit ako, matatakot na tumira dito."

"May pakialam ka sa akin tulad ng pinakialaman mo pati ang damit na isusuot ko?" Naningkit ang mga matang tanong niya.

"Oh, that!" Tumawa ito nang mahina. Her face twitched with guilt. "Wala namang bago sa mga damit na dadalhin niya sayo. Nakita ko na rin iyon. They are all dark ang gloomy. So boring. "

"Hindi naman ikaw ang magsusuot kundi ako. Ang mga paniki na iyan, ang nakakatakot na haunted house na ito at pati na rin ang boring na damit na isinusuot ko ang dahilan kung bakit ako kumikita ng pera. Hindi pa tayo kasal pinangungunahan mo na ang buhay ko."

"I'm just helping you out. Kailangan bang puro madidilim na damit ang isuot mo sa bawat minuto ng buhay mo? May oras para sa trabaho at sa mga eccentricities mo. Kapag nagpakasal tayo, ganyan ka rin haharap sa mga kaibigan ko? Ni hindi nga alam ng lolo ko na katulad mo ang babaeng pakakasalan ko."

Taas noong tinitigan niya ito. "Ikaw ang may idea na magpakasal tayo. I'm thankful for that. Pero di kasama sa utang na loob ko sa iyo na baguhin mo ako. After all, hindi naman kita pakikialaman sa buhay mo."

"Gusto mong maging ganyan na lang habang-buhay?

Tumango siya. "Yes."

"Mas pipiliin mo ang mga pangit na paniki na iyan, kaysa sa akin?"

Matamang tinitigan niya ito sa mata. "I think you can coexist. Don't get in my way, Alyssa. Wag mo pakikialaman ang mga kaibigan ko. Wag mong babaguhin ang buhay ko."

"Ang if I insist?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "Magkakasubukan tayong dalawa."

Taas noong lumabas siya ng attic.  Kung akala ni  Alyssa ay katulad siya ng ibang tao na madali nitong naakit at napapasunod, ibahin siya nito. Siya ang reyna ng Villa Celestine. Teritoryo niya iyon kaya siya ang masusunod. Dapat na ilagay ni Alyssa ang sarili nito sa tamang lugar.

Ang akala niya ay solve na ang problema niya sa oras na magkasundo sila ni Alyssa. Hindi pa pala. Parang isang malaking bato pa pala ang ipinukpok niya sa kanyang ulo.

-----

Hi guys! I am sorry for a very slow update.  Tinapos ko pa kasi yung isang story. But here I am. For an update 😉

Love. Love 🐱🐱

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon