Isinaklob ni Dennise ang puting lace na belo sa ulo niya. Natabingan niyon ang magandang mukha niya. Nakasuot siya ng puting Maria Clara-cut na saya na hanggang sakong ang haba. Mukha paring bago ang damit dahil iniingatan niya iyon. Hindi iyon babagay sa modernong damit ng ibang nagsisimba. Weird siya kung titignan, pero iyon ang gusto niya. Katatakutan na naman siya. And Alyssa would be horrified if she saw her.
Ngayon na lang uli siya lalabas ng kuwarto para magsimba. She had been sulking for days. Trying to heal the wound that opened. Magsisimba lang siya. Gusto pa rin niyang magmukmok pagbalik niya.
It was Alyssa's fault. She was taking over the house. She was taking over her life. Wala siyang balak na makaharap ito sa loob ng ilang araw na darating.
Wala itong alam sa mga pinagdaanan niya. Gusto niyang kimkimin na lang iyon. Hindi lang niya alam kung paano pa siya mamumuhay nang normal. May kasunduan pa sila. Isa sa mga araw na ito ay kailangan nilang magharap. At kung itutuloy pa rin nila ang kasunduan nila, kailangan malinaw na ang patakaran nila. But never would she give her individuality.
Narinig niyang kumatok si Mari. "Senorita, baka mahuli na kayo sa misa." Anito sa labas ng pituan.
Sumilip lang mula siya para tignan kung may kasama ito. "Sina Mang Lito?" Ang pamilya nila Mang Lito ang kasa-kasam niyang magsimba.
"Darating na siguro sila. Hintayin mo na lang sa gate."
Lumabas siya ng kuwarto nang matiyak na walang ibang tao sa labas. "Hindi k aba sasama sa akin na magsimba?"
"Dito na lang ako magdadasal sa bahay. Ayaw kong Makita ako ng taong bayan."
Naranasan na ni Mari na ipagtabuyan palabas ng simbahan at sabihanng malas at kampon ng kadiliman. Nakakatawa kung paanong ang mga taong sumasamba sa Diyos na dapat ay umaktong sibilisado ay napakadaling manghusga sa mga taong iba ang hitsura. Hindi lang siya maitaboy ng mga iyon dahil Malaki angdonasyon ng pamilya niya sa simbahan. Pero hindi na niya mayayaya pa si Mari na magsimba.
Nadaanan niyang sarado pa ang kuwarto ni Alyssa. Siguro ay tulog pa rin ito. Ayon kay Mari, nagpakapuyat ito sa movie marathon sa entertainment room. Kaya marahan lang ang lakad niya para hindi ito magising.
"Hindi mo ba yayayain magsimba si Senorita Alyssa?" tanong nito.
"Kung magsisimba siya sana, di siya nag-momovie marathon. Aalis na ako."
Mas makakapagsimba siya nang matiwasay kapag wala si Alyssa sa paligid. Mabuti pang matulog na lang ito. Natatakot pa rin siya. Paano kung pilitin na naman siya nitong magpaganda at iparada sa harap ng maraming mga tao?
Nakarating siya sa gate ng Villa Celestine nang hindi pa rin namamataan ang owner nila Mang Lito. Gusto niyang makarating siya nang maaga sa simbahan para makapili ng lugar habang kaunti pa lang ang tao.
Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Gusto na talaga niyang makarating sa simbahan. Hindi na siya tatagal sa sobrang ginaw.
Nagulat siya ng biglang may magpatong ng jacket sa mga balikat niya. "Malamig ngayon. Di ka dapat lumalabas ng walang balabal."
"Alyssa! Anong ginagawa mo rito? Tulog ka pa, di ba?"
Inunat nito ang dalawang kamay pataas. "Hindi na ako makatulog. Excited na akong magsimba. Halika na."
She was tricked. Kasabwat pa nito si Mari. Hindi niya iyon inaasahan. At lalong hindi niya napaghandaan ang Makita ang kagwapuhan nito.
Tinanggal niya ang jacket sa mga balikat niya at ibinalik dito. "Salamat na lang. Sina Mang Lito na ang kasabay kong magsisimba. Mauna ka na kung gusto mo."
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...