"Kamusta ang naman ang napili ko para mapangasawa mo apo? Nagkakamabutihan na ba kayong dalawa ni Alyssa?"
Napangiti na lang si Dennise sa tanong ng Lolo Miguel niya. Nasa kuwarto siya nang mga sandaling iyon at nag-i-sketch dahil tinatamad pa siyang ituloy ang susunod na eksena sa storya niya. Nagkataon namang tumawag ang Lolo niya. Alam kasi nito na gising pa siya nang hatinggabi.
"Nagkasundo po kaming dalawa ni Alyssa. She is so nice. Napakamaalalahanin at maalaga."
"Nabanggit din sa akin ng Lolo niya na nagkakamabutihan na kayong dalawa ni Alyssa. Puring-puri ka niya, hija. Magaling ka raw magluto at magaling ka ring tumugtog ng piano. Ginamot mo pa ang sugat niya nang masaktan siya."
"Talaga po? Sinabi niya iyon?" Sinabi niya sabay hawak sa pisngi.
Nag-init ang mukha niya kahit hindi niya alam kung taos sa puso ni Alyssa ang mga papuri nito sa kanya. Alyssa groomed the garden and the pool area. Pasilip-silip siya rito habang nasa attic. May mga pagkakataon pa nga na tinitingala nito ang sinisilipan niyang bintana na parang nararamdaman nito ang mga mata niya. Nang mag-dinner naman sila ay wala itong sinabi.
"Oo, akala nga namin, mahihirapan kayo ni Alyssana magkasundo. Gandang-ganda nga raw siya sa iyo. Mukha ka raw diwata. Mabuti naman at hindi mo ako ipinahiya, hija. Akala ko, matatakot na sa iyo si Alyssa sa unang gabi pa lang niya riyan. Na baka naka-aswang costume ka pa...."
"Sinunod ko po kayo Lolo. 'di po ako humarap kay Alyssa na gamit ang mga costumes ko. Pero na-appreciate naman pi niya ang talent ko."
"Apo, siguro nagtatampo ka sa akin. Ipapakasal kita taong hindi mo pa lubusang kilala. Pero ito lang ang paraan ko para maging normal ang buhay mo. Gusto kong bumalik ka sa pagiging Dennise na tulad ng dati— masayahin, magiliw sa mga tao at hindi nagtatago sa dilim..."
"Thank you po, Lolo!" Magpapakasal siya subalit hanggang doon na lang ang magbabago sa pagkatao niya.
"Magkita tayo kapag bumalik ako sa Pilipinas, Hija." Putol nito sa kabilang linya.
Ilinagpatuloy niya ang pag-sketch. Nasiyahan siya nang sa wakas ay matapos ang ini-sketch niyang imahe ni Alyssa. She was wearing cotton pants and was not wearing upper garmet except her sports bra. Iyon ang imahe ni Alyssa nang unang gabi silang magkita sa hardin. That image of Aly always made Dennise want her to smile. Aly was so adorable.
Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang i-sketch ito. She stopped sketching faces of the people she knew a long time ago. Mas gusto na lang niyang lumikha ng mga imahe mula sa isip niya. Pero may kung anong nag-utos sa mga kamay niya na -i sketch si Alyssa and she loved it.
Napalingin siya sa pinto ng may kumatok. "Dennise, this is Aly. Buksan mo ang pinto ipinagdala kita ng gatas."
Dali-daling binuksan niya ang pinto. "Nagabala ka pa. Salamat."
"Maganda raw kasi ang gatas sa nagpupuyat. Saka 'Di rin naman ako makatulog. Okay lang bang magkwentuhan tayo?"Kwento lang? Pwede naman na mas higit pa doon. Marunong akong humalik.
Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Come in..." Nag-aalangang nilingon niya ang loob ng kanyang kwarto. "Kung okay lang sa iyo na pumasok sa haunted room ko."
Tumawa naman ito nang mahina at saka umakmang papasok na sa loob. "Your man-hater cat?"
"Kay Mari muna natulog si Luna." Nakanguting kumpirma niya.
"Good," sabi nito at saka lang pumasok nang tuluyan. "Di ka ba busy?"
"Kakatapos lang namin mag-usap ni Lolo. Nabanggit ko sa kanya na magkasundo tayo. He is happy about it."
"Pareho sila ni Lolo. Muntik pa yatang mag somersault si Lolo dahil nasabi kong maganda ka."
"Kung alam lang niya." Naiiling na sabi niya.
Tinignan siya nito nang malagkit. "Bakit? Maganda ka naman talaga, ah."
Nailang si Dennise sa titig ni Alyssa. Tuwing sinasabi nitong maganda siya, parang gusto na rin siya nitong tunawin. Kahit yata ilagay niya sa konstitusiyon ng pilipinas na bawal siyang sabihan na maganda ay hindi pa rin ito mapipigil sa pagsasabing maganda siya.
Tinungga niya ang gatas at naubos agad iyon. "Hindi ka pa ba inaantok? Maghapon ka nang naglilinis nitong mansiyon."
"Hindi pa ako tapos. Marami pang parte nitong mansiyon ang di pa nalilinis." Nilingon siya nito. "Sana okay lang sayo na maglinis ako. Dito ka nakatira. At kapag mag-asawa na tayo, dito rin ako titira. Dapat lang siguro na pagmalasakitan ko itong Villa Celestine. Baka multuhin pa ako ng Lola mo."
Natawa na lang siya. "Matutuwa pa nga siya sa iyo."
Pinagmasdan nito ang mga sketches at drawing niya na nakasabit sa dingding. Pinlatsa ng palad nito ang ilan. "I'm sorry. Nalukot yata ang mga sketches mo dahil sa akin." Napakamot ito sa ulo. "OA kasi ako."
"It's okay. In a way, kasalanan ko rin naman. Saka hindi naman iyan ang mga sketches na ipapasa ko sa boss ko. So walang problema roon."
"Ano nga pala ang bagong ginagawa mong istorya?" Nakita nito ang sketch niya sa ibabaw ng drawing table. "Iyan ba?"
Nanlaki ang mata niya nang maalalang iyon ang sketch niya ni Alyssa. At hindi mukhang pang-horror ang sketch niya rito. It was very sensual one.
Akmang dadamputin na nito ang sketch niya nang agapan niya ito. Tinakbo niya ang drawing table at kinuha ang sketch. "Hindi! hindi ito!"
"Ano ba'ng problema? Titignan ko lang naman. Hindi naman ako magiging spoiler sa mga fans mo. Gusto ko lang makita."
Umiling siya at itinago sa likuran ang sketch. "No!"
Ano na lang ang iisipin ni Alyssa oras na makita nito ang sketch niya? Baka isipin nito na pinagnanasaan niya ito. Nakakahiya. Wala siyang mukhang ihaharap dito.
"Ang damot mo naman. Titingnan ko lang." Pilit na inaagaw nito ang papel sa kanya. "Ano ba ang itinatago mo riyan na 'di ko rin mababasa kapag na-publish na? Sige na. Parang hindi naman tayo magsasama habang buhay."
Umiwas pa rin siya rito. "Hintayin mo na lang kasing lumabas sa bookstore. Hindi ko talaga ito ipapakita sa iyo!"
Nahigit niya ang hininga nang mapaupo siya sa upuan sa kakaiwas niya rito. Ngumisi ito at idiniin ang kamay sa magkabilang arm ng wooden chair. "Ano ba ang kailangan kong gawin para ipakita mo sa akin yan?" Tila nanunuksong tanong nito, saka unti-unting inilapit ang mukha nito sa mukha niya.
She could feel her warm and minty breath fanning her face. Napapikit siya. Her proximity was starting to make her nervous. Paano pa kaya kapag mas inilapit pa nito nang husto ang mukha nito sa mukha niya at naglapat ang mga labi nila? Not the chaste kiss she gave her. What if it was a hot, steamy kiss?
Nakahinga siya ng maluwag nang maramdamanng wala na ito sa harap niya. Nabg dumilat siya ay nakita niyang nakatayo na ito nang tuwid at malayo na sa kanya.
"Magpapahinga na ako, ayoko nang abalahin ka pa sa trabaho mo"
"Okay," mahinang usal niya tsaka nakayukong inihatid ito sa pinto.
"Goodnight." Nang kabigin nito ang batok niya at hagkan siya sa kanyang mga labi, napahawak siya nang mariin sa balikat nito. It was heaven. Parang umangat ang mga paa niya mula sa lupa. So this was what the real kiss was like.
Before she knew it, she pulled bavk right away. Pagkatapos ay saka nakangiting lumabas ito ng kuwarto. Ilang segundong nakatulala siya at mapaupo sa kama.
Kumalma ka lang Dennise, kalma. Natural na ang halik na iyon kay Alyssa. Dapat na siyang masanay. Dapat na rin ba siyang masanay na manginig qng bawat himaymay ng laman at mawala sa sarili tuwing hinahalikan nito?
That would be dangerous for her health. She couldn't risk it.
-----
Love Love 🐱🐱
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...