PAKANTA-KANTA si Dennise habang binabalot ang regalo para sa inaanak ni Alyssa. Sa wakas daw ay hindi na ito makakantiyawan ng mga kaibigan nito na forever na binata. Maipapakilala na raw kasi siya nito sa lahat. Ito na ang kaiingitan.
Natahimik naman ang isip niya nang ibalita mg Kuya Deive niya na naka-admit pa rin sa mental institution si Walter. Hindi ito puwedeng palabasin dahil malala ang diperensiya nito sa pag-iisip. He was a psychotic. Pero para daw sa ikapapanatag ng loob niya ay pumunta ito sa Cambodia.
Kahit paano ay nabawasan ang alalahanin niya. She wss staritng to live a normal life. Ine-enjoy pa rin niya ang pagsusuot ng mga costumes niya pero kapag nasa kuwarto na lang siya. Nakakalabas na rin siya ng bahay nang hindi itinatago ang mukha niya. Hindi na siya pinangingilagan ng mga tao. Nasanay na lang ang mga ito na makita siya suot ang baro at saya ng lola niya kapag nagsisimba.
Nang mag-ring ang telepono ay patakbong sinagot niya iyon. "Hello?"
Kanina pa siya naghihintay ng tawag ni Alyssa. Kinabukasan pa siya nito susunduin sa Laguna para sa birthday party kaya missed na missed na niya ito.
Dalawang linggo pa bago ang engagement party nila. Kahit paano ay bibigyan na sila ng breather ng Kuya Deive niya. Mababawasan na ang mga mahihigpit na rules. Napatunayan naman ng pinsan niya na karapat-dapat si Alyssa sa kanya.
"Miss me, honey?"
Nawala ang ngiti niya nang hindi boses ni Alyssa ang marinig niya. "Who is this?"
"You know who this is, Dennise."
Nagmistulang yelo ang dugo niya nang mabosesan ang nasa kabilang linya. "Walter?" Horrible memories came flooding back to her. Kung paano siya tingnan nito na parang hinuhubaran siya. Naalala niya kung paano nito pinatay si Luna. Then all those pictures of her on his pad....
"Yes," he said in a hoarse voice. "Mabuti at naalala mo pa ako."
"Ikaw nga ang nagpadala ng mga bulaklak at ng pictures!"
"I am always around. Hindi ka basta-basta mawawala sa paningin ko."
"Hindi ba, nakakulong ka sa mental?"
Humalakhak ito. "I have my ways. Walang makakapigil sa akin para makuha ka. I've suffered long enough in that mental asylum."
"Dapat nga, namatay ka na lang," mariing sabi niya. "Pinatay mo ang kaibigan ko kaya magbayad ka."
"Kanino ka magsusumbong? Sa mga pulis? Saan mo ako hahanapin. Dennise? Hindi mo malalaman kung nasaan ako," anito sa pahina nang pahinang boses.
"Leave me alone! Tahimik na ang buhay ko..."
Pumalatak ito. "Alyssa Valdez. Alam ko rin ang bawat galaw niya. Subukan mong sabihin ang patungkol sa akin, and that dyke will die. Hindi ako papayag na isang Tomboy lang ang makakakuha sa iyo."
"No!" Minsan na siyang nawalan ng mahal sa buhay sa pagtatanggol sa kanya. Ayaw na niyang maulit iyon. "Bakit hindi mo ako patahimikin?"
"I want your beauty, Dennise. I can't get your face out of my head. You will be mine. I won't stop until you are mine."
Narinig niya ang malademonyong tawa nito bago niya ibagsak ang telepono. Muntik na niyang basagin ang salamin nang makita niya ang kagandahan niya. Bumalik si Walter dahil sa mukhang iyon. Guguluhin uli nito ang buhay niya at ngayon ay pinagbabantaan pa nito si Alyssa.
Hindi niya alam kung paanong ipapahuli si Walter. Ang kailangan niya ngayon ay protektahan si Alyssa... sa kahit paanong paraan.
------
I miss this! Sobrang rusty but anyways, may nagbabasa pa ba neto? I lost an inspiration buhat nung kinasal si Den-den. But hey! Never shall we sink. Yeah?
Love, love 🐱🐱🐱
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...