Alyssa was ready for battle. Malapit nang mag alas-dose ng gabi. Naroon na ang antique na krus mula sa maliit na museum ng pamilya nila, ang Dead Sea Salt, at ikinuwintas din niya ang bawang. Nagsuot din siya ng pula para hindi siya lapitan ng mga kaluluwa. Lahat ng natatandaan niyang pamahiin ng lola niya ay ginawa niya. Bahala na kung nakakahilo ang amoy ng bawang. Ang importante maproteksiyonan niya si Dennise.
Alas-diyes pa lang ng gabi ay tinapos na niya ang pakikipagkwentuhan kay Dennise. Gusto niyang tiyakin na mahimbing na ito kapag nakipaglaban siya sa masasamang-loob. Oras na matalo niya ang masasamang espiritu, mamahalin siya nito. Hindi na rin ito magdadalawang-isip na pakasalan siya.
"It's time," usal niya nang makitang limang minuto na lang bago mag alas-dose ng hatinggabi. Lumabas siya ng kwarto. Nakaamba ng krus sa bawat paghakbang niya. Tahimik pa rin ang gabi. Ilang hakbang mula sa kwarto ni Dennise ay may narinig siyang boses ng isang babaeng kumakanta.
"Giliw, bakit mo ako nilisan? Paano na ang puso kong sa iyo ay umaasam..."
Isa iyong lumang awitin. Sa palagay niya ay isa iyong kundiman. Maganda ang boses nito, nakakaakit at nararamdaman niya ang lungkot sa bawat titik. Pero wala siyang oras para makisimpatya rito. Natitiyak niya na ang babaeng kumakanta ay siya ring babaeng nagpakita sa kanya noong isang gabi. Ito rin ang babaeng umiiyak.
Tinakbo niya ang kwarto ni Dennise. Sa kwarto nito nagngagaling ang kanta. Baka sinaktan na ito ng multo ngayon. Kailangan niyang protektahan ito.
Isinara niya ang mga kamay at binayo ang pinto. "Dennise! Dennise!"
Mas lumakas ang kaba niya sa dibdib nang wala siyang marinig na sagot mula rito. Hindi siya nagdalawang isip. Sinipa na niya ang pinto. Hawak niya ang krus at flashlight nang pumasok siya. Patuloy ang pagkanta ng babae subalit wala siyang nakitang ibang tao. Tanging si Dennise lang ang nasa gitna ng kama. May kandila sa tabi nito.
Tuwid na tuwid ito sa pagkakahiga at nakakrus ang mga kamay. Hindi niya alam kung humihinga pa ito. "Dennise!" Nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat upang gisingin. Subalit nahindik siya nang mapagmasdan ito ng mabuti. Nakatakip ang buhok nito sa mukha at may dugo sa bahagi ng pisngi nito at braso.
"D-Denni..se.."
Nabitawan niya ito nang may isang itim na nilalang na kumalmot sa braso niya. Berde ang nanlilisik nitong mata. Napaatras siya nang makita ang itim na pusa. Mabilis na tumalon iyon palayo subalit naghanda na naman sa panibagong atake.
Umatras siya at sinubukan iyong sabuyan ng asin subalit mabilis iyon dahil binti naman niya ang inatake niyon. Sa kabila ng suot niyang pantalon ay bumaon pa rin ang mga kuko nito. Hinawi niya ang pusa. "Let go!"
Napapikit siya nang muli nitong kalmutin ang braso niya. Paano na si Dennise? Paano pa niya ito ililigtas kung pusa pa lang ay talo na siya?
Sa paglalaban nila ng pusa ay napaatras siya. The next thing she knew, the stuff behind her toppled over her. Pinang sangkalan niya ang mga braso upang kahit papano ay maprotektahan niya ang sarili sa mga nagbabagsakang gamit. Nang idilat niya ang mga mata ay pawang iba't ibang libro at sari-saring damit ang nakapaligid sa kanya.
Naramdaman niyang may kamay na nakahawak sa leeg niya at sa dahan-dahan na paglingon. Nanlamig siya nang makitang buto lang ang kamay na kahawak sa balikat niya. Nang sundan niya ang may-ari niyon ay isang bungo ang nakatunghay sa kanya.
Isang kalansay na nakasuot ng damit-pangkasal ang halos nakayakap sa kanya.
-------
Mahimbing ang tulog ni Dennise. Maganda ang nangyari nang araw na iyon. Bukod sa nag-enjoy siya sa pakikipagkwentuhan kay Alyssa, maganda rin ang development ng ginagawa niyang istorya. Nag-flashback siya sa magagandang parte ng relasyon ni April at ng boyfriend nito. Dati, ayaw niyang i-tackle ang love story. Inaabot siya nang siyam-siyam bago siya makagawa ng isang eksena. Pero naging madali iyon dahil kay Alyssa. Kaya sa halip na nakakatakot na background song at sound effects ang lullaby niya ay pinili niya ang padalang Mp3 record ng pinsan niya na kumakanta ng kundiman at nakatulog agad.
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...