Twenty Four

1.9K 93 1
                                    

Nakatikwas ang daliri ng baklang si Alfred habang sinusuklay nito ang buhok ni Dennise. Na-shampoo na siya at inihanda na lang para sa treatment. Parang natatakot kasi ito na mangangagat siya kapag iniba nito ang style ng buhok niya.

"Alaga pa namang ang buhok niya, di na ito kailangan pang i-rebond. Pwede na ang hot oil o hair spa sa kanya." Sabi ni Alfred.

Tumango-tango si Alyssa. "Ah. Akala ko, may iba nang namumugad diyan."

Ang akala siguro ni Alyssa ay kinukuto na siya. Malinis siya sa katawan. At asset niya ang kanyang magandang buhok.

"Bilang kampon ng kadiliman, asset ko ang buhok ko. Malay mo, balang araw, lunin akong model ng shampoo and conditioner. 'Di ba? At least may lamang na ako kay sadako. 'di siya pwedeng model ng shampoo."

"Ano bang gusto ninyong hairstyle, Ma'am?" Nilingon niya si Alfred. "Mas nakakatakot, mas maganda. Iyong buhok ko pa lang, tatayo na ang balahibo nila," sabi niya rito.

Ngumisi ito. "He-he! Mahirap po yata ang iniisip ninyo. Hindi iyan ang forte ko." Pumalakpak ito at muling sumigla nang suklayan ang buhok niya. "Gusto mo, lagyan natin ng bangs? Side bangs kaya tapos i-blunt cut natin. Uso iyon para makita pa rin ang kagandahan mo, Ma'am."

Sinuklay nito ang buhok niya sa harapan at inipit ng daliri kung hanggang saan ang puputulin. "Gusto ko natatakpan ang mukha ko."

Itinapat nito ang mukha sa mukha niya. "Masyado naman atang mahaba iyon."

"Hindi. Gusto ko talaga ng ganon."

Hinawi niya ang buhok niya. Pagkatapos ay bigla niyang tinirik ang mata niya at humalakhak. Nagtititili si Alfred at nagtatatakbo papunta sa likuran ni Alyssa. Parang aatakihin na ito sa puso. Nginisihan naman niya si Alyssa na pinalalakihan siya ng mata.

"Ano'ng ginawa mo?" Tanong nito.

"Ipinakita ko lang sa kanya ang gusto kong style. Magawa nga sa bagong novel ko. Maganda ang buhok ng babae. Akala ng maniac na lasing maganda rin. Iyon pala multo. O kaya lagyan ko rin ng dugo-dugo para mas masaya," bulong niya habang iniisip ang mga gagawin niyang eksena. Mukhang masaya iyon.

Mula sa salamin ay nakita niyang kinalabit ni Alfred si Alyssa. "Ma'am, pang-Shake rattle and roll ata itong girlfriend mo. 'Di kaya laklakin niya ang dugo ko? Isa akong alagad ng kagandahan. Di ako nagpapapangit ng tao. Saang haunted house ba ninyo iyan napulot?" Mukhang nangingilabot na ito sa kanya.

"Sa Nagcarlan. Ipagtanong mo lang doon sa mga tao, tiyak na ituturo ka sa amin. Sikat ako roon."

Nagapapadyak si Alfred. "Ayoko na, Ma'am. Nakakatakot na talaga."

"Bibigyan kita ng malaking tip kapag napaganda mo siya."

"Kahit pa ibigay mo ang katawan mo sa akin, 'di ko aayusan ang girlfriend mo, Ma'am naku!" Humalukipkip ito. "Mahal ko pa ang buhay ko. Marami akong pinapagatas."

"Umalis na lang tayo Alyssa. Di naman pala customer is always right dito."

Akmang tatayo siya nang iharang nito ang kamay sa magkabilang arm ng swivel chair at inilapit ang mukha sa kanya, tila naghahamon. "Diyan ka lang! Di tayo lalabas dito na ganyan pa rin ang histsura mo."

"At kung magpilit ako?"

"Hahalikan kita rito sa harap ng maraming tao."

Namutla siya nang makita kung gaano kaseryoso ang mukha ni Alyssa. Tototohanin ba nitong halikan siya? "Subukan mo lang...."

"Ano?" Nanunuksong ngumiti ito at dahan dahang inilapit ang mukha sa mukha niya. "Kukulamin mo ako? Gagayumahin? Di ako natatakot sayo."

Siya naman ang natakot dito. Baka mabaliw siya nang tuluyan. Mas mahihirapan itong ibalik siya sa normal na hitsura niya. Malamang ay bangungutin din siya. Syempre, hindi niya sasabihin dito na naaapektohan nito ang sistema niya. Baka mas alam nito kung paano paglalaruan ang emosyon niya. Siya ang talo.

Hindi siya pwedeng halikan nito o i-intimadate sa kahit anong paraan. Hindi siya papayag na tuluyanng maging maganda. May paraan pang iba.

Iniharang niya ang kamay sa mukha nito nang ilang pulgada na lang ang layo sa kanya. "Sandali! Daanin natin to sa magandang usapan. Hindi mo kailangang gumastos para pagandahin ako. Pwede akong maging maganda sa harap ng mga lolo natin."

"You mean, pretend like you did before?"

Dahan-dahan sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. "Yes! Hindi mo nahalata noong unang beses tayong nagkita di ba?"

Tumango-tango ito. "Oo nga noh."

"Mas tipid pa. Di mo kailangan i-make over pa ako. Matitiis ko na ilang araw na maging normal. I won't do weird stuffs. Ilang araw akong hindi magsusulat para lang tiyakin na wala akong weird na gagawin."

"At pagkatapos, babalik ka na sa normal? Magkukulong ka uli sa kwarto mo?"

"Oo, basta huwag mo lang akong habambuhay na pagdusahin." Pinagsiklop niya ang kanyang mga kamay. "Maganda naman ang idea ko diba?"

Ngumiti ito ng matamis. "Yes. It's brilliant idea."

"Pumapayag ka na?"

Nawala ang ngiti nito sa mga labi nito. "No! I won't risk it. Horror writer ka lang, Dennise. Hindi mo kailangang maging walking horror book. Kung gusto mong mag costume play kapag nagsusulat ka, doon lang sa kuwarto mo. Kapag nagtatrabaho ka lang. Di kailangang buong buhay mo ganyan ka."

Umiling siya. "Ayoko! Gusto kong maging ganito."

"Then you will lose Villa Celestine. My grandfather is a good judge of character. Malalaman niya na may kakaiba sayo. I don't want to risk it. Pwede niya akong ihanap ng ibang pakakasalan. But how about you? Do you think your grandfather would be easy on you once? You can't live in the shadow forever."

Malupit ang mundo. Gusto lang niya ng katahimikan sa buhay. Iyong hindi siya guguluhin ng kahit sino. At ligtas siya sa aninong kinakanlungan niya. Ngayon ay kailangan niyang lumabas sa dilim na tinataguan niya.

Humawak siya nang mahigpit sa arm ng swivel chair. Ano ba ang handa niyang isugal para makuha ang Villa Celestine? Natatakot siya na lumabas sa anino niya. She felt exposed. Naked. Vulnerable.

Pero tama si Alyssa. Kapag sumugal siya kasama ito, tiyak na mapupunta sa kanya ang Villa Celestine. Tinutulungan lang siya nito.

"Magpapatrim ako ng buhok. Pwede rin akong magpa-bangs pero pwede bang tabingan ang mga mata ko? Hahawiin ko na lang kapag kailangan."

"Sure." Tinawag na niyo si Alfred. "She's ready."

Napirmi siya nang nilalagyan na siya ni Alfred ng hair treatment. Ang totoo ay natatakot pa rin siyang baguhin ang sarili niya. Ayaw niyang maging maganda.

Hinawakan ni Alyssa ang kamay niya. "Don't worry. You will be fine after this. Isipin mo na lang na nagrerelax ka after ng mahabang trabaho."

Hindi niya alam kung makakapag-relax siya habang hawak nito ang kamay niya
But it made the whole ordeal bearable at least.

What was not bearable was the unsteady beat of her heart. Dahan-dahan siyang nagpakawala ng hangin mula sa baga niya. Kailangan na niyang masanay sa paghawak nito ng kamay niya at sa pagtitig nito.

Pumikit siya nang mariin. Kaya kong tiisin. Kaya ko!

Hi guys! Thank you for reading. Nababasa ko lahat po ng comments niyo and thankyou sa magagandang feedbacks. I'm sorry kung hindi ko kayo narereplyan lahat. But I really appreciate you guys. Thank you!

Double update 😘

Love Love 🐱

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon