"Kuya Deive, okay ba ang hitsura ko?" Tanong ni Dennise sa pinsan niyang nagmamaneho. Papunta sila sa boutique hotel kung saan ginaganap ang anniversary ng Valdez Coco Company.
"Uhm!" Paungol na sabi nito at saka tumango.
Kinalabit niya ito. "Kuya, sagutin mo naman ako nang maayos."
"Ano pa ba'ng gusto mong isagot ko? Para kang parrot. Kanina ko pa sinasagot iyang tanong mo. Hindi pa ba sapat na apat na oras ka sa kuwarto mo sa kapapalit ng damit at kakaayos ng mukha? Nandito na tayo sa Manila. Iyan na ang hitsura mo. Okay na iyan."
Ipinatong niya ang kamay niya sa kanyang dibdib. Kinakabahan pa rin siya. Hindi siya sigurado kung magugustuhan ni Alyssa ang bagong ayos niya. Light lang ang makeup na inilagay niya at Bright yellow evening cocktail dress na binili ni Alyssa para sa kanya noon. Hinawi rin niya palayo sa mukha ang kulot niyang buhok. Noon lang niya muli ipapakita ang mukha niya ng kusa sa publiko.
Natuon agad ang ang mga mata ng mga taong naroon sa kanya pagpasok pa lang niya sa ballroom. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga humahangang tingin ng mga ito. Naiilang siya. Sa huli ay di siya nakatiis at iniyuko na lang ang ulo.
Narinig pa niyang binati ni Don Anton ang kanyang pinsan. "Deive! Akal ko di na kayo darating kanina pa hinihintay ni Alyssa si Dennise."
"She's here."
Dahan-dahan inangat niya ang ulo at pilit na ngumiti.
"Good Evening po."
Animo ngumiti ang mga mata ni Don Anton nang makita siya. "Dennise! You look different. Come!"
Hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa isang grupo kung saan naroon ang Lolo Miguelito niya. "Miguelito, look who is here."
"Dennise!" Parang aatakihin sa puso ang Lolo niya nang makita siya.
"Your granddaughter is beautiful. Baka puwede iyan sa apo ko?" Anang isa sa mga kaumpok sa mesa. Maging ang iba ay inaalok din ang mga apo at anak nito para maging boyfriend niya.
"She is already Alyssa's girlfriend. I'm sorry gentlemen," wika ni Don Anton.
"Nasaan po si Alyssa?"
"Nasa verandah. Nainip kakahintay sa iyo. Puntahan mo na."
Malalaki ang mga hakbang niya papunta sa verandah kahit hindi siya sanay sa high-heeled shoes. Perfect! Makakasagap siya ng sariwang hangin at makakasama niya si Alyssa. Kaya lang naman siya nagpunta roon at nagpaganda ay para kay Alyssa.
"Sino ba'ng ipinagmamalaki mo, Alyssa? Your lunatic girlfriend?"
Natigilan si Dennise sa paglapit nang makitang hindi nag-iisa si Alyssa sa verandah. May kasama itong babae na bahagyang malaki ang tiyan. Mukhang nagdadalang tao ito. Narinig niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Guard your tongue, Amanda. Dennise is not a lunatic!" Depensa ni Alyssa. "At malapit na kaming ikasal. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa akin.'
"Mas pipiliin mo pa ang isanh babaeng nakatira sa haunted house kaysa sa akin?" Naglakad lakad si Amanda paikot kay Alyssa. "Come to think of it, kung pakakasalan mo siya, tiyak na lalayuan ka rin ng mga tao. It will affect your family's business even if you are not a part of it anymore. Malalahian kayo ng mga baliw kaya maglalayuan ang kliyente." Nilaro nito ang kwelyo ni Alyssa. "But if you will marry me, you can clean your name. I will make you happy."
Hinawakan ni Alyssa ang balikat nito at saka inilayo. "Asikasuhin mo na lang ang magiging anak mo kaysa habulin mo pa ako. Wala nang maniniwala sa paninira mo."
"Alyssa, you are mine!" Kinabig ni Amanada ang ulo ni Alyssa at hinalikan.
Naalarma siya. Kung intensiyon ni Amanda na sirain si Alyssa, hindi niya dapat hayaan ang mga mangyayari. Baka isang patibong lang ang lahat. Kailangan niyang iligtas si Alyssa mula sa bruhang Amanda na iyon.
"Excuse me!" Pag putol niya, saka humakbang palapit.
"What! Can't you see that we are busy here?" Amanda shrieked. Habang si Alyssa ay nakatigtig langbat hindi magawang kumurap. It was as if she was an apparition.
"Well, Alyssa is..."
"What gusto mo rin si Alyssa?" Namaywang si Amanda. "Kung ako nga, ayaw niyang patulan, ikaw pa kaya? She wants that lunatic girlfriend of hers. Kung gusto mong pansinin ka niya, dapat, magmukha ka ring aswang."
"Dennise!" Wika ni Alyssa. Lumapit ito sa kanya. "Bakit ngayon ka lang? I'm so worried."
"I'm fine. Who is she?"
"Amanda Villanueva," pakilala ni Alyssa sa babae. "His father used to be a major client in our company. Naikwento ko na sa iyo ang tungkol kay Amanda,'di ba?"
"Yeah!" Inilahad niya ang kamay. "Hi! I'm Dennise Michelle Lazaro."
"My future wife," dugtong ni Alyssa.
Namutla si Amanda. "N-no. You are supposed to be a...."
"Lunatic?" Dugtong niya. "Day off ng pagiging lunatic ko ngayon. How's your baby? Ilang buwan na?"
Napahawak ito sa tiyan nito. "Don't ask about my baby. Kapag may nangyaring masama sa anak ko. Kasalanan mo! Aswang ka!" Patakbong bumalik ito sa party. Bakas ang takot sa mukha nito.
"Mukha ba akong aswang?" Tanong niya kay Alyssa.
"No. You look like a nymph." Hinaplos niya nito ang pisngi niya. "Ginulat mo ako. Hindi kita nakilala kanina."
"Ibig sabihin, kung pumunta ako rito nang mukhang aswang at may babaeng kasingganda ko, ipagpapalit mo na ako?"
"Magagawa ko ba iyon?" Kinabig siya nito sa baywang. "Kung gusto mo, magtanan na tayo ngayon."
"Hindi naman ako nagseselos." Natutuwa lang siya dahil nagandahan ito sa transformation niya. "Mabuti na lang pala't nag-ayos ako ngayon. Kunv hindi, baka nga isipin ng business associates ninyo na nasisiraan ka na ng bait."
"Syempre, susuntukin ko ang magsabi ng di maganda tungkol saiyo. But you are staggering. Akala ko, ayaw mong ipakita ang mukha mo sa iba?"
"Sa palagay ko, wala na akong dapat ikatakot sa pagiging maganda. You are here to protect me . I trust you with my life now, Alyssa. Hindi madali para sa akin na magbago. But i will try to be like any normal girl. Sawa na akong magtago sa dilim. At kapaf ikinasal na tayo, gusto ko, ito ang mukhang makikita mo kapag itinaas mo ang veil."
"I love that Dennise." She took Dennise in her arms and swiftly claimed her lips. Nang umihip ang hangin ay isinalag nito ang katawan sa lamig. "Let's set the engagement party."
-------
Hola!
It's good to be back! Kinakalawang pero I'll try my best to get back with this.
Love, lots 🐱🐱
Ps, sorry for typo's and errors, and please do see photo on media. Thanks 😉
Pps, I'll publish tomorrow the next chapter
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...