Twenty three

2.4K 98 10
                                    

Nakalabas na ng Nagcarlan sina Alyssa at Dennise. Naninibago si Dennise. She never had so much sunshine for a long time. Nasanay na ang mata niya sa dilim. Sanay siyang nakakulong lang sa Villa Celestine. Kahit sa umaga ay mukha pa ring madilim ang loob ng mansiyon. Nakakalabas lang siya roon kapag hapon o kapag madaling-araw at papasikat pa lang ang araw.

Naninibago siya. Masyadong maliwanag. Nakakapaso ang init. Ibinaba niya ang sleeve ng damit niya at hinawi ang bangs para hindi siya tamaan ng liwanag.

"Wag mo ngang itakip ang buhok mo sa mukha mo!" Sabi ni Alyssa sa kanya.

Inirapan niya ito. "Nasisilaw ako eh! Sabi mo, okay lang sayo na isama ako na ganito ang ayos ko. Di naman bagay sa costume ko ang shades diba?"

"Everytime I look at you, naiisip kong may kasama akong white lady. Dapat talaga, pinilit kitang magbihis kanina," mahinang sabi nito.

"Napilit mo na nga akong sumama sa iyo diba?" Malayo na tayo sa Villa. Magagawa mo na kahit anong gusto mo. Isn't that enough?"

Hindi na ito nasiyahan na ilabas siya ng bahay nang labag sa kalooban niya at i-murder ang personality niya. Masaya siyang magmukhang nakakatakot para layuan siya ng mga tao. Ngayon ay kailangan niyang maging maganda para i-please ang ibang tao. It was not easy for her. Sanay siyang nilalayuan at kinatatakutan. Bakit kailangan pa niyang maging maganda?

Pumikit siya at nagkunwaring natutulog. Ayaw na niyang aksayahin pa ang oras na kausapin ito. Naramdaman niya hinawi nito ang buhok niya at hinaplos ang pisngi niya. Pinigilan niya ang sarili na dumilat at tignan ang mukha nito. She would just expect gentleness in Alyssa's eyes.

There was nothing gentle about Alyssa. Isa itong berdugo. Ang akala niya ay kakampi niya ito pero isa pala itong kalaban.

Napilitan siyang dumilat nang magsunod-sunod ang busina ng mga sasakyan. Umayos siya ng upo nang makitang papunta sila sa South Expressway.

"Sa Santa Rosa lang tayo pupunta," sabi nito.

Bahala ito kung saan siya nito dadalhin. Wala naman siyang magagawa. Itinabing uli niya ang buhok niya sa kanyang mukha.

Napalingon siya nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya sa labas ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata ng mga kalalakihan nakasakay sa kotseng halos kasabay nila sa daan nang makita siya. Sa sobrang takot ay binilisan ng driver ang pagpapatakbo.

"Sinabi na kasing ayusin mo ang mukha mo." Sabi ni Alyssa na nakita rin ang pangyayari. "Kinatatakutan ka tuloy ng mga tao."

"Problema nila iyon kung naduduwag sila."

"You scared them. Paano kung madisgrasiya sila? Di ka nag-iisip."

"Sila ang di nag-iisip. Ang hirap sa mga tao, kinatatakutan nila ang mga bagay na hindi naman nila alam."

Bumuntong hininga ito at hindi na kumibo. She won that round. Pero sa palagay niya ay mahaba pa ang labanang iyon.

Ilang minuto pa ay ipinasok na ni Alyssa sa parking lot ng SM Sta.Rosa ang kotse nito. Even the personnel at the parking-ticketing booth were aghast when they saw Dennise. Hindi na lang niya pinansin ang takot ng mga ito at ang pagsimangot ni Alyssa. Nahintakutan maging ang mga guard.

"Miss, hindi po ba delikado si Ma'am? Baka manakit ng customers..."

Tumawa si Alyssa. "May costume party ngayon sa itaas? Kasali roon ang girlfriend ko."

"Costume party?" Nagkatinginan ang dalawang guard.

Hinatak siya ni Alyssa papasok sa mall bago pa sila patuloy makuwestyon. "Whew! Akala yata nila, baliw ka. Mamaya, di na dapat ganyan ang hitsura mo. Di ako pwedeng magpaliwanag sa lahat ng tao."

"Kung ayaw mong magkaproblema sa akin, di mo na dapat ako nilabas."

"Here we go again," usal nito at saka hinawakan ang braso niya.

Nanlamig siya. Bukod sa malamig ang aircon, sa kanya pa nakatutok ang paningin ng mga mamimili. Naiilang siya sa tingin ng mga ito. Pilit na sinisino ng mga ito ang mukha niya. Yumuko siya at lalong itinabing ang buhok sa mukha. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. She felt good because of the collective terror she saw in their eyes.

"Ay may baliw yatang naligaw dito," sabi ng isang teenager.

"May shooting siguro sila," sabi pa ng isang babaeng kasama nito. "Horror siguro."

"Ay Sis, sight mo itis. Yung merlatchi sadako ang peg. Inferness sa kasama lakas ng dating!" Sabi naman ng isang bading sa mga kasama nitong grupo."

"Mommy, ghosst!" Iyak naman ng isang batang babae na sa tingin niya ay apat na taong gulang pa lang. Nagsusumiksik pa ito sa palda ng nanay nito.

"It's just a costume baby. Don't be scared." Pero alanganin na rin ang ngiti ng nanay lalo na ng tumingin siya dito. "Malapit na kasi ang Halloween."

"February pa lang, Halloween na?" Tanong ng Tatay ng bata.

"Eh di mahal na araw," katwiran ng Nanay.

"You are enjoying this right?" Alyssa asked in between gritted teeth. "Habang natatakot ang mga tao. Tuwang-tuwa ka."

"Natural. Doon ako kumikita. This is a rewarding experience. Pwede na rin siguro ako mag-artista sa horror." Tuwang tuwa siyang naiinis si Alyssa sa kanya.

"You wish hindi mangyayari yon." Sabi nito saka hinila siya papasok ng salon.

"Good afternoon!" Nakangiting bati ng receptionist kay Alyssa. Nawala ang ngiti ng babae nang makita siya. "M-ma'am?"

"Bring me your best stylist. I want a complete makeover for her," utos ni Alyssa, saka siya itinuro.

"O-okay po!" Sabi ng receptionist, pagkatapos ay tinawag agad ang isang baklang stylist.

"Hi, good afternoon, Im Alfred but you can call me Freeda, ang diyosa. What can I do for you? Ikaw ba ang ime-makeover ko?" Hinaplos ng bakla ang dulo ng buhok ni Alyssa.

"No, hindi ako ang girlfriend ko."

"Girfriend niyo? Siya?" Na-distort ang mukha ni Alfred nang lapitan siya. "H-hindi po ba siya nangangagat? "

"Wala pang naimbentong anti-rabies para sa akin," sabi naman niya.

Hinawi naman ni Alyssa ang buhok niya. "Don't worry, tao siya. Just do  something about her hair. Do whatever it takes to make her more beautiful. Okay?"

----

ano kayang kalalabasan ng make-over.

Pasensiya na sa mga lugar hah. Hindi ako masyadong pamilyar sa Laguna. I just been there twice I guess? kaya wala akong masyadong alam. Haha. Ciao!

Love. Love 🐱🐱

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon