"We will miss you, dude. Hindi talaga kami makapaniwala na ikakasal ka na."
Muntik nang batukan ni Alyssa ang kaibigan na si Vic nang magsimula itong magdrama. Emosyonal ito kapag nakainom ng alak kahit gapatak lang.
It was in contrast with the party they threw for her. Puno ng naggagandahang babae ang condo ng kaibigan niyang si Gretchen. That was heaven for seven verile young women. pito silang matatalik na magkaibigan. Mga bata pa lang ay magkakasama na sila sa saya at maging sa kalokohan.
"Dinala ba niyo ako para iyakan lang?" tanong niya.
"This is your stag party, dude, " ani Marge saka tinapik ang balikat niya.
Napailing na lang siya at uminom ng strawberry cocktail. Hindi siya pwedeng uminom dahil malayo pa ang ida-drive niya mamaya. Lalong hindi pwedeng makipag-flirt siya sa mga naggagandahang babaeng nandoon. Gusto lang niyang pagbigyan ang mga kaibigan niya.
"Hindi ko pa naman kasal. Bakit stag party agad?"
"Magkikita na kayo ng babaeng pinili ng lolo mo para sa iyo, di ba?" Nagsalin si Amy ng brandy sa baso nito. "And you will stay with her for a couple of months or so. I'm sure hindi ka makakawala sa babaeng iyon."
"Rock and roll, pare! Kung ganyan din kaganda ang babae, hindi ko na rin pakakawalan. Lalo ka na kailan ka ba naging gentlewoman? Kantiyaw ni Kim.
Tuluyan na niya itong nabatukan. "Ungas ka pala! Parang maniac naman ang dating ko non."
"You are not a maniac. You are just a lady-killer." Lalo lang tuloy siyang naibaon ng buhay dahil sa sinabi ni A.
She was constantly on the dating scene. Wala siyang naging permanenteng girlfriend at hindi pa sumagi sa isip niya ang mag-settle down at magpakasal. She just wanted to live her life to the fullest. Trabaho at pamilya lang ang sineseryoso niya. Kaya malaking hamon ang ibinigay ng matalik nitong kaibigan kung gusto niyang maitayo ang negosyong pinapangarap niya at makabawi sa mga kapalpakan niya noong nakaraan.
"Kaya nga nagulat kami nang sabihin mong magpapakasal ka na." Wika ni Gretchen. "Seryoso ka ba riyan?"
"I have to. Gusto kong makawala na kay Lolo at maitayo ang floating hotel and restaurant na gusto natin."
Matagal na nilang pangarap ang magtayo ng floating hotel and restaurant. Pare-pareho silang nakatali sa mga family business nila. Siya nga ay nai-train na para mamahala sa Valdez Coco Industries, isang kompanya na nag e-export ng mga coconut products sa pilipinas at abroad. Hindi iyon ang pangarap niya. Iyon lang ang gusto ng Lolo niya. At iyon ang tsansa niya para makuha ang gusto niya. Handa na ang kanyang nakababatang kapatid na si Kian. Ayaw lang siyang pakawalan ng lolo niya. Hindi siya makakakuha ng magandang recommendation para makapag-loan sa mga bangko at maitayo ang negosyong gusto niya kung hindi siya papayag sa mga kondisyon nito.
"Do you think it is right? This is the new millennium!" Angal ni Vic. "Hindi na uso ang arrange marriage."
"I think it is fitting," wika ni gretchen. Then she glanced at her menacingly. "Your womanizing reputation nailed you down."
She whispered an oath. Isa sa mga anak ng malaking kliyente nilang nakabase sa France ang naghahabol sa kanya. She turned the woman down. Hindi nito matanggap kaya ipinakalat nitong engaged na sila. Muntik na siyang mapikot. Gusto ng kliyente niyang ikasal sila dahil kumalat ang balita. Mapapahiya daw sila. She refused. She didn't even like that lunatic. Paano siyang magpo-propose? Dahil doon ay nawalan sila ng malaking kliyente.
Hindi niya kasalanan kung habulin siya ng babae. She was guilty about enjoying women's company. Pero sa puntong iyon ay inosente siya.
"Tumakbo ka sa kasal, tapos magpapakasal ka rin pala," iiling-iling na sabi ni kim. "Hindi ko yata makuha iyon."
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...