"Good morning Luna! Good Morning Jhonard Napoleon, Good Morning Cindy Antonette!" Bati ni Dennise pagmulat niya ng mata. Pumikit ulit suya at dumapa. Mahimbing ang tulog niya kahit pa puyat siya dahil inayos niya ang kanyang magulong kwarto. Kaya alas-diyes na siya ng umaga nagising.
Sa wakas ay alam na ni Alyssa ang tunay niyang pagkatao, pati ang dahilan ng pagpapakasal niya dito. Ngayon ay magtutulungan pa sila para makamit ang mga goal nila sa buhay. Hindi niya kailangan pigilan ang sarili na magpiano sa gabi, o mag-aalala sa damit na dapat niya isuot at sa hitsura niya sa pagharap dito. Maiintindihan na nito ngayon kung magmukha man siyang kaluluwang ligaw na hindi nagsusuklay. She could be perfect. She was free.
Pwede na niyang ipahinga ang kanyang isip. Hindi na mawawala pa sa kanya ang Villa Celestine. Hindi na rin siya kailangan intindihin ng Lolo niya.
Pagkatapos maghilamos at bahagyang magsuklay ay lumabas siya ng kwarto. Suot niya ang lumang saya ng Lolo niya hanggang sakong ang haba at kimonong blusa. Nagkagulatan pa sila ni Alyssa nang magkita sila sa hagdan.
"Huh!" Muntik na itong mawalan ng balanse. Napakapit ito sa barandilya. "Akala ko, nabuhay ang Lolo Celestine mo sa suot mo."
"Masanay ka na. May araw na ito ang gusto kong isuot. Ito ang paboritong baro ni Lola." Napansin niyang nakabihis ito. "May lakad ka ba? San ka pupunta?"
"Kadarating ko lang. May binili lang ako sandali. Magbibihis na nga sana ako. Gigisingun na nga sana kita para makapag-agahan ka na."
"Sasabay ka ba sa akin?" Tanong niya.
"Hindi na muna. Nauna na kaming nag-agahan nina Mang Lito kanina. Ipinainit ko na ang breakfast mo. May gagawin pa ko. Sige."
Nagtatakang bumaba siya ng hagdan. Parang masyado itong busy. Baka may kailangan asikasuhin sa negosyo nito sa Maynila.
Nang papunta siya sa kusina ay nadaanan niya sina? Mang Lito at ang anak nito na binatilyo na magkatulong sa pagkuskos ng tiles ng swimming pool.
Lumabas siya sa pool area. "Mang Lito, bakit po naglilinis kayo ng pool?"
"Good Morning po, Señorita. Iniutos po ni Señorita Alyssa. Baka raw po pinamamahayan na nang lamok itong pool. Baka raw po ma-dengue kayo."
"May chlorine naman yan, Mang Lito."
"Baka po gagamitin ito ni Señorita Alyssa. Siya pa mismo ang bumili ng gamit."
Naalala niya nang maglublob ito sa pool nang unang gabi nito sa mansiyon. Baka gusto nitong ulitin iyon. Baka natatakot ito na magka-allergy o may makuhang sakit sa pool. Madalang gamitin ang pool. Bahala si Alyssa sa gusto nitong gawin doon. Ito naman ang nagprisinta.
Nag-aagahan na siya nang may ilapag na mga bote ng gamot si Mari sa harap niya. "Vitamins at mga food supplements na binili ni Aly. Inumin mo pagkatapos mong kumain."
"Aly? Tsaka para saan iyan?" Tanong niya.
"Iyon ang gusto niyang itawag namin sa kanya. Nagpupuyat ka raw lagi. Baka bumagsak ang resistensiya mo. Napaka maalalahanin ng fiancé mo, Señorita. Gwapo pa! Kahit kami nina Mang Lito, binigyan niya ng vitamins para daw mas maalagaan ka naming mabuti."
Nakangiting itinuloy niya ang pagkain. Hindi niya naisip masyado ang pagpapalakas sa katawan niya lalo na at iba ang oras ng tulog niya. "Mukhang may yaya ako. Tapos pinapalinis niya pa ang pool."
"Mukhang maraming magbabago dito sa bahay dahil sa kanya." Kung ano mang pagbabago na iyon sana ay sa ikabubuti ng lahat.
Paglatapos kumain ay sumilip siya sa pool area. Muntik nang malaglag ang puso niya dahil nakita niyang naka-shorts lang si Alyssa at naka-sports bra habang tinutulungang mag-eskoba ng tiles ng pool sina Mang Lito.
Nagtago siya sa isang haligi habang pasimpleng sinisilip ito. The sun was touching Alyssa's body which was drenched with sweat. Naggagalawan din ang mga biceps nito kapag kumikilos ito. At ang abs nito na lumulutang sa pawis. Bagay na bagay iyon sa morenang kutis nito. Kaiinom pa lang niya ng malamig na juice pero parang nauuhaw na naman siya. Kung isa siyang bampira, baka gugustuhin na rin niyang tumungga ng dugo..... dugo ni Alyssa.
"Sinong tinitignan mo jan?" Untag ni Mari sa kanya.
"bakit ka nanggugulat?"
"Masyado ka kasing busy sa kakatitig. Si Señorita Aly ba ang tinitignan mo?"
Pasimple sumilip uli siya. "Akala ko ba Aly nalang?" Tanong niya dito. "Tinitignan ko lang kung tama ba ang pag-eskoba niya. Baka mamaya, palpak. Siyempre anak-mayaman yan. Baka nga hindi pa iyan nakakahawak ng eskoba sa buong buhay niya."
"Hindi ako sanay."sagot naman nito. "Iyon nga rin ang sinabi namin sa kanya. Pero sabi niya, wala naman daw trabahong hindi natututuhan. Mukhang gagawin niya ang lahat para sa iyo."
Tinaasan niya ito ng kilay nang mahimigan niya ito ng panunukso. Noon lang nila napag-usapan ang tungkol sa pakikipagrelasyon. It was a taboo subject. Pero ngayon, mukhang komportable na ito na pag-usapan ang mga iyon dahil kay Alyssa.
"Sa attic na muna ako at magbabasa-basa. Kailangan ko ng bagong idea para sa istorya ko." Tinalikuran na niya ito. Nakakuyom ang kamay niya habang pinipigilan ang sarili na lingunin si Alyssa at ang makisig niyong katawan.
Marriage of convenience. Pakakasalan niya ito para sa Villa Celestine wala siyang karapatabg pagnasaan ito.
-------------
Phew!
Ang sexy ni Alyssa. kumakaway ang biceps at abs.
Haha. Sorry walang kwenta yung update ko. Bawi ako next chapter.
Love love, 🐱🐱
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...