Twenty Eight

1.9K 96 9
                                    

Ipinagtirik ng kandila at inalayan ng kandila ni Dennise ang puntod ng Lolo Leon at Lola Celestine niya sa underground cementery na ginawa para sa mayayamang pamilya ng Nagcarlan.

Umalis agad siya pagkatapos ng misa. Nakagawian na niyang dalawin ang mga yumaong ninuno niya, lalo na ang Lola Celestine niya. Bukod sa mansiyon ay sa gaanoong uri ng lugar lamang siya nakakatagpo ng katahimikan.

Nakarinig siya ng kaluskos. Parang may taong nakatayo sa tabi niya. Nang dumilat siya ay nakita niyang katabi niya si Alyssa at nagdarasal din. Hindi niya maialis ang kanyang tingin sa guwapong mukha nito habang nakapikit at nagdarasal. Alyssa looked so peaceful. Panatag ang loob niya kahit mabilis ang pintig ng puso niya. Umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi nito pero bigla itong dumilat at tumingin sa kanya. Pinagsaklop agad niya ang kanyang mga kamay pumikit at nagkunwaring nagdarasal.

Pagkatapos ay ito naman ang tumitig sa kanya. Her heart was beating painfully. Lumipas ang ilang segundo nang pinipigilan niya ang kaniyang paghinga. Why didn't she leave her in peace? Bumilang siya nang hanggang sampu at saka nagpakawala ng hininga. Nang dumilat siya ay nakangiti ito sa kanya.  Fudge that smile.

"Kanina pa kita hinahanap. Ang bilis mong nawala pagkatapos ng misa. Akala ko, umuwi ka na," wika nito saka hinawakan ang belo niya.

Napaatras siya dahil ang akala niya ay aalisin nito ang belo. Inayos pala nito. "Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong niya rito.

"Sinabi ng sakristan na dito ka tumutuloy pagkasimba."

"Mas gusto ko rito dahil tahimik. Dito, nakakausap ko ang mga mahahalagang tao na wala na sa akin. Ang mga lolo at lola ko na wala na, ang mga magulang ko, pati ang kaibigan ko," mahinang usal niya. "Puntahan mo na ang Pauleen mo."

"Paano naman ang Dennise ko?"

Tinignan niya ito nang matalim. "I'm not yours."

Naiinis siya dahil pumapalakpak ang puso niya. Hindi siya magpapadala sa simpleng salita lang. Nakita niya na mas gusto nitong makasama si Pauleen.

Hindi ito natinag at inalalayan siyang umupo sa bench na naroon. "Bagay sa iyo ang pansimba mo. Mas magandang tingnan dahil luma itong simbahan. Dapat siguro, sa susunod, magbarong- tagalog din ako para partner tayo.

"Baka layuan ka rin ng mga tao at isiping nasisiraan ka ng bait."

"Hindi masamang buhayin ang pagiging makabayan, di ba?" hinawakan nito ang kamay niya. "After all you will be my bride."

"Hindi mo ako pwedeng hulmahin ayon sa babaeng gusto mo. This is me. Kung di mo ako kayang tanggapin, ngayon pa lang, kausapin mo na ang lolo mo. Sabhin mo na ibang babae na lang ang piliin niya para sa iyo. I guess He will like Pauleen."

"Aaminin ko na na-shock ako nang malaman kong weird ang preference mo. Hindi ako sanay mag-handle ng ganoong klaseng babae. Mas gusto kong iyong babaeng kaiingitan ako ng mga kaibigan ko dahil maganda at sexy. Iyong di ko kailangang magpaliwanag sa mga tao kung bakit kakaiba siya and I tried to transform you into that woman because I thought it would be best for you. For us. But I was wrong. Dapat, nirerespeto ko ang katauhan mo."

"Hindi naman kita masisisi kung aayawan mo ako. It is a human nature. We like what's pleasing to our eye. Kinatatakutan natin ang mga bagay na madilim. Maiintindihan ko kung pipili ka ng ibang pakakasalan."

Umiling ito. "No! I still want to marry you."

"You don't really have to. Kami na ni Lolo ang maghaharap tungkol sa Villa Celestine. Hindi ako karapat-dapat pakasalan mo o ng kahit sinong lalaki."

"No! We are in this together. Okay lang sa akin kahit maglakad-lakad ka sa bahay ng duguan at mukhang zombie. Hindi ako mahihiya na makasama ka. Kung gusto mo mag-costume din ako para hindi ka mailang."

"Baka pati ikaw itakwil ng lolo mo." But she appreciated the fact that Aly was trying to compromise with her. Ginagawa nito ang lahat para sa kanya kahit hindi iyon ang nakasanayan nito. "Alyssa, kung darating ang lolo mo, pwede akong humarap sa kanya nang nakaayos. Ayoko lang na magmukhang maganda sa harap ng maraming tao. Natatakot ako."

"Hindi kita pipiliting maging maganda kung ayaw mo. You can do whatever pleases you. 'di ka pwedeng magkunwari habam-buhay. Mas mapapasama pa tayo kapag nalaman ni Lolo na nagkukunwari ka lang, di'ba?"

"Pero hindi ba masyado iyong malaking pabor para sa akin?" Marami itong isasakripisyo para sa kanya. "Ano'ng kapalit nito?"

Iniangat nito ang belo niya at tinignan ang mga mata niya. "I want you to smile for me. Kahit mukha kang bampira o white lady, ngumiti ka lang."

"Ngiti lang?"

Tumango ito. "Yes." She tipped her chin with her finger. "Mula ngayon, dapat ay palagi kang ngingiti."

Unti-unting umangat ang gilid bg bibig niya pero parang nanigas na ang muscles sa mukha dahil sa lapit ng mukha ni Alyssa sa mukha niya. Pakiramdam tuloy niya ay ikakasal siya at iniangat nito ang belo niya para halikan siya. Napalunok siya ng tumitig ito sa labi niya.

Para namang nabasa nito ang iniisip niya, inangkin nito ang labi niya. A fierce hunger awakened inside her, as if kissing Alyssa was something she had been waiting all her life. Nawala na ang pagkailang sa pagitan nila. It was just the two of them melting together as one.

Bigla silang naghiwalay ni Alyssa ng may marinig silang tumikhim. Nang lumingon sila ay paring nakadestino roon ang nakita niyang nakatayo sa entrada ng underground cemetery.

"May bisita tayong dumating, mga bata." Sabi nito.

Saka nila narinig ang mga turistang pababa ng hagdan. Hindi siya makatingin nang deretso kay Alyssa.

Maingat na itinakip nito ang belo sa mukha niya. But she caught a glimpse of Aly's mischievous smile.

"Pasensiya na po," sabay nilang sabi ni Alyssa.

Nakasalubong nila ang mga turista. "Wow! Ang ganda naman ng suot niya," sabi ng matatandang pinaka head ng turista. "Siya ba ang tourist guide?"

Sinenyasan siya ng pari. Kailangan niyang bumawi rito dahil nahuli sila ni Alyssa. Pinisil ni Alyssa ang kamay niya. "Hihintayin kita rito."

----

Ola!

I am sorry for taking my updates sooooo long. Marami lang inaasikaso. I'm taking up Baking and Food and beverage course so yeah. Busy ang lola niyo. Napasin ko din na bumaba ang votes ng story. Im sorry talaga. I'm giving my best to give a good shot here in my story.

So, I'm giving you a Five updates.

Happy reading guys!



My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon