Nagising si Alyssa sa dagundong ng grandfather's clock. Nakakabingi ang tunog niyon sa katahimikan ng gabi. Sa mga horror films, hudyat na iyon ng mga kababalaghan, ng paglalabasan ng mga white lady, mga pugot na ulo, putol na kamay at iba pa.
Tinanggal niya ang pajama top niya at dumapa sa kama. Wala siyang pakialam kung maglalabasan man ang mga iyon. Gusto niyang bumalik sa pananaginip.
Nakakatulog na siya ng makarig siya ng tunog ng piano. Pinalagpas niya ang ilang unang notang kumakalat sa ere. Baka naman imahinasyon lang niya iyon. Sino ang magpi-piano nang dis-oras ng gabi?
Hundi nag-laon, ang iilang nota ay nabuong malungkot pero nakakapangilabot na musika. Tuluyan nang nawala ang antok niya. That sounds kept playing inside her head.
"I'll be damned," usal niya nang manuot na sa balat niya ang kilabot. Naalala niya ang mga horror films kung saan mga putol na kamay ang nagpi-piano.
Pumasok bigla sa isip niya ang kuwetu-kwentuhan sa tinadahan. Villa Celestine was haunted. Walang sinumang matapang na tatagal sa bahay na iyon.
Bumalikwas siya ng bangon at kinuha ang flashlight. Patutunayan niyang walang multo. Na likha lang iyon ng malilikot ang isip. Kung ang pagkaganda-gandang si dennise at ang kasama nitong si Mari nga ay nagtatagal sa bahay na iyon nang hindi natatakot, siya pa kaya? Gwapo kaya to. Hindi siya dapat matakot. Kaya niyang harapin ang lahat. Hindi siya magpapatalo.
Naglakad siya nang marahan sa pasilyo ng masiyon Malamig sa mga paa niya ang kahoy dahil nakayapak lang siya. Maaring may nagpapatugtog lang mula sa entertainment room. Ang sabi ni Mari ay naroon ang TV at modernong sound system. Animo ay nasa isang piano concert siya. Tama. Baka pampatulog iyon ni Dennise.
Bilhan kaya niya ito ng ipod para hindi siya nagugulat kapag may tumutugtog sa hatinggabi. Muntik nang maging horror ang gabi niya dal doon.
Tama. Sound system lang iyon.
Malapit na siya sa hagdan nang tumigil ang tugtog. Napakapit siya sa pinto nang makita ang isang babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng puting nightdress na palabas ng mansiyon.
Dali-daling bumaba siya sa hagdan. Totoo ba ang nakita niya o imahinasyon lang niya? Bukas ang lid ng piano. Nagalaw rin ang piano bench. Parang may umupo roon kani-kanina lang at gumamit ng piano.
"Luna! Luna!" Anang malamyos na tinig ng isang babae.
Napalingon siya sa nakabukas na pinto. Tila nanggagaling ang boses sa garden. Humakbang siya patungo sa nakabukas na pinto.
Ayon kay Mari, kahit anong marinig niya ay hindi na niya dapat pang pansinin. Ang ibig sabihin ay alam nito ang misteryong iyon. Naroon na siya. Bakit pa siya uurong?
Bumungad sa kanya ang malaking puno ng Mangga. Napaatras siya. Parang mangangain kasi iyon ng tao. "Puno lang naman pala." Anong magagawa sa kanya ng isang puno? hindi naman siya nito masasaktan.
"Luna nasaan ka na? Lumabas ka na! Huwag ka nang magtago." Parang iiyak na ang boses ng babae sa pagkakataong iyon.
Isang anyo ng babae ang naaninag niya. Nakatayo ito sa likod ng puno. Humakbang siya palapit dito. Her head was telling her to turn tail and go back to the safety of her room. Ngunit nakakaakit ang boses nito. Hinihila siya palapit dito.
Inilipad ng hangin ang mahaba at tuwid na buhok nito. Humahakab din sa katawan nito ang manipis na nightdress. Parang hindi nito iniinda ang lamig ng gabi. Hinahaplos ng liwanag ang magandang katawan nito. How she envied the moon.
It was like a fairy tale. She had never met someone like her before who aroused her curiousity right away. O dahil hanggang ngayon ay ramdam niya ang lungkot at pag-aalala sa boses nito? Ayaw niyang nalulungkot o umiiyak ang mga babae.
"Miss, are you okay?"
Dali-dali nagtago ito sa likod ng puno. Natakot pa yata ito sa kanya. Saka niya naalalang wala siyang suot na pang-itaas. Napakamot siya sa ulo. Noon lang may babaeng natakot sa kanya. Mas nasanay siya na mga babae pa ang nag-uunahang lumapit sa kanya. And they couldn't get their hands off her.
"Miss, sandali! Hindi naman ako..."
She heard a purring sound. "Luna!" Anito sa masayang boses. Mukhang natagpuan na nito ang hinahanap nito. Pusa ba ang Luna na itinutukoy nito? "Hindi ka dapat lumalayo sa akin. Baka may ibang makakuha sayo."
She hated cats but she wanted see the smile on her face. Kumabila siya sa puno. Tila narinig nito ang mga yabag niya kaya dali-daling tumayo ito at nagtago sa kabilang puno. "Miss! Sandali! Hindi ako masamang tao. Huwag kang matakot!"
"Anong gingawa mo dito?"
Marahan siyang lumapit sa kinaroroonan nitong puno. "Narinig ko kasi na may tumutugtog ng piano. Tinignan ko. Ikaw ba ang tumutugtog?" Wala itong isinasagot. Nanatili lang itong nakayuko. Natatabingan ng mahabang buhok nito ang mukha nito habang yakap ang pusa nito. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito dahil natatabingan ng ulap ang bilog na buwan. "I am Alyssa. Bisita ako rito. How about you? Ano'ng pangalan mo?"
Alam niya sina Mari at Dennise lang ang nasa mansiyon. O may nakalimutan si Mari na banggitin sa kanya na may iba pang tao roon?
"Hindi ka dapat pumunta rito."
Umuhip ang nakakapangilabot at malamig na hangin. Nahawi ang ulap na nakatakip sa buwan at tumambad sa kanya ang anyo nito. Tumakip ang mahabang buhok nito sa mukha nito. Nararamdaman niya ang nanunuot na titug nito.
She was totally horrified when she saw the blood stains in front of her white nightdress. Dugo! May dugo rin sa manggas nito at sa laylayan ng damit nito sa paa pero mas maraming dugo sa parteng sikmura nito. Animo ay biktima ng isang malagim na krimen.
Naestatwa siya sa sobrang pagkabigla. Humihiyaw ang isip niya subalit walang lumalabas na boses mula sa bibig niya. Ni hindi niya maigalaw ang katawan sa labis na pagkasindak.
Parang nasa isang masamang panaginip saya pero hindi niya alam kung paanong gigising. Nawala na ang magandang babae na animo ay isang magandang panaginip kanina. Napalitan na iyon ng isang bangungot. Isang gising na bangungot.
Kung sasakmalin siya marahil ng babaeng multo hindi siya makakagalaw. At wala siyang magagawa para labanan ito.
Narinig niya ang pangsinghal ng itim na pusang hawak nito. Nanlilisik ang mga mata niyon. Nagulat na lang siya nang talunib siya nito. Naramdaman niya ang mga sakit ng pagkakayod ng mga kuko niyon sa balat niya.
"Ahhh!" Pasigaw na sabi niya, saka hinuli agad ang pusa. She really hated cats but now she hated them tenfolds, especially this hellcat. Kahit ano ang gawin niyang pag-iwas ay kinakalmot pa rin siya nito. Natatalo siya ng isang pusa.
"Luna, tama na!" Saway ng babae.
Kumawala ang pusa. Dali-daling binitawan niya iyon at nagkumahog na bumalik sa amo niyon. Nag-tatagis ang mga ngipin niya. Nanggigigil siya sa pusang iyon. Oras na mahuli uli niya iyon, sasakalin talaga niya iyon. Humihingal sa galit na ikinuyom niya ang kanyang kamay.
"Nasaktan ka yata ni Luna," anang babae sa malamyos na tinig. "Gusto mo bang gamutin kita?"
Natigilan siya nang makitang palapit sa kanya ang babae. "H-hindi! Huwag Lumayo ka sa akin. Huwag kang lalapit. Bumalik ka na kung saan ka nararapat. Manahimil ka na—kayo ng pusa mo!"
Naalala niya ang mga kwentong karamihan sa mga kaluluwang ligaw, lalo na ang biktima ng krimen ay hindi matanggap na patay na ang mga ito. Kadalasan ay nagsasama ang mga ito ng kaluluwa ng iba pang tao sa kabilang buhay para may makasama sa pagdadalamhati.
Drat! Gusto pa niyang humaba ang buhay niya. Marami pa siyang pangarap. Kung parurusahan man siya ng langit dahil masyado siya kung maka-appreciate ng magagandang babae, hindi dapat sa ganoong paraan. A bloody white lady with a hellcat was definitely the last on her list.
Itinaas nito ang kamay at akmang pipigilan siya. "Huwag! Sa likuran mo..."
Naramdaman na lang niya na wala na siyang lupang tatapakan. Nagtalsikan ang malamig na tubig ng swimming pool nang malaglag siya roon.
—
Mag-uupdate pa ako ulit mamaya! Haha. Ginaganahan lang!
Keep reading shippers! BOC vs. BLP later.
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...