Eight

2.9K 134 1
                                    

Pakanta-kanta pa si Dennise habang nagluluto sa kusina. Nilalagyan niya ng cheese ang ham and chicken omelet. Sinulyapan niya ang sariwang prutas sa mesa.

Ano kaya ang gusto ni Alyssa? Orange juice o mango smoothie?

Nagulat pa si Mari na pupungas-pungas pa na papasok sa kusina. "O, bakit ikaw ang magluluto? Di ba sabi ko ako ang magluluto para sa iyo?"

Ngumiti lang siya ng matipid, saka itinupi ng spatula ang omelet. "Napagod ka sa pagtulong sa akin kahapon. Kaya okay lang kung babalik ka muna sa higaan mo. Ako na ang bahala dito."

"Ako na ang bahala riyan. Ipagluluto ko pa iyong bisita mong magandang-pogi." Ngumuso ito paitaas para tukuyin si Alyssa na natutulog pa sa kwarto. "Artistahin ang mapapangasawa mo! Na-traffic daw siya kaya'di nakarating agad."

Tumaas ang kilay niya. "Talaga? Traffic lang?"

Subalit hindi niya maiwasang mangiti. Halatang kinikilig si Mari. Ang akala niya ay hindi na ito nakaka-appreciate ng gwapo. Nasaktan ito noon, pinandidirihan ng mga tao, iniiwasan at tinatawag na "salot." Kung ganoon ay naging maganda ang pagtrato ni Alyssa dito. At mukhang masakit sa loob nito kung hindi maipagluluto si Alyssa. Isang gabi lang ay bumaligtad na ang tapat niyang alagad.

"Señorita Dennise, huwag kayo magagalit sa akin. Alam ko, galit kayo sa kanya dahil pakiramdam ninyo, binalewala kayo. Na ayaw niya kayong makita. Pero nararamdaman ko na mabuti siyang tao," depensa nito kay Alyssa. "Kaya kung ayaw niyo siyang ipagluto, ako nalang kawawa naman."

Lihim siyang ngumiti, saka iniahon ang omelet sa pan. "Wag kang mag-alala. Ipinagluto ko si Alyssa."

Nakanganga ito at tila hindi makapaniwala habang nakatingin sa kanya. "Bakit?"

"At bakit naman hindi?" Tanong niya, saka inilapag sa mesa ang nailuto nang omelet kasama ng iba pang nauna niyang niluto. "Bisita siya rito kaya natural lang na ipaghanda ko rin siya ng pagkain."

"Ibig sabihin, di ka galit sa kanya kahit halos isumpa mo siya at muntik nang gamitin ang voodoo doll sa collection mo dahil nasayang ang lahat ng pagkaing inihanda mo para sa kanya? Na nasayang lang ang lahat nang pinaghirapan mong ihanda buong maghapon?"

Nairita siya kay Alyssa nang nakaraang gabi. Nagmukha siyang tanga. Ang sabi ng Lolo Miguelito niya ay on time daw ito kung dumating. Masyadong itong maaga para sa kinabukasan. Ang 8 O' clock na usapan nila ay inabot nang alas-onse ng gabi. Alas diyes pa lang ay pinaligpit na niya ang mesa.

Tiyak na magagalit ang Lolo Miguelito  niya oras na malaman kung paanong hindi ito nagpakita sa dinner. Ayaw niyang magkaroon ng lamat ang relasyon ng lolo niya at lolo ni Alyssa dahil sa kapalpakan nito, kaya hindi siya nagsumbong pa.

"Dumating naman siya di ba?"

Siya pa ang babawi rito. Hindi niya inaasahang magigising si Alyssa sa tunog ng grandfather's clock at sa pagtugtog niya ng piano. Hinahanap niya si Luna sa garden ng bigla nalang itong sumulpot. Kung gaano siya nagulat nang makita ito sa malapitan. Mukhang na-shock ito ng makita siya na suot ang white lady costume niya.

Ang malala pa ay sinugod ito ni Luna na galit sa mga taong nuon lang niya nakita. Naging biktima tuloy nito si Alyssa. Sa kakaatras nito ay nalalag ito sa pool.

Sinamantala niya ito para bumalik sa bahay. Nagi-guilty dahil hindi niya ito natulungan. Hindi rin niya pwedeng aminin na siya si Dennise. Tiyak na magmamadali itong umuwi ng manila kahit pa alas dose pasado ng gabi. Who would take a bride like her? Oras na umurong ito sa kasal, mawawalan siya ng pagkakataon sa Villa Celestine. Kaya bilang peace offering ay pinagluto niya ito ng breakfast.

"Saan mo nakuha ang damit mo?" Sabi nitong tinutukoy ang peach dress na suot niya. (Imagine yung suot ni den nung graduation niya.) "Nakakasilaw, masyadong makulay."

"Sa baul." Regalo iyon ng pinsan niyang si Fille nang nakaraang birthday niya. Gusto ng mga kamag-anak niya na magsuot siya ng mga pastel colors na damit para lumutang ang ganda niya. Instead, she preferred to wear dark-colored clothes that gave her gloomy image.

Well, she loved the gloomy atmosphere. Doon siya nabubuhay.

Pero para kay Alyssa, isinasantabi muna niya ang imaheng iyon kahit ilang araw lang. Ito naman ang susi para mapasakmay niya ang mansiyon.

"Hindi ka nangangati?" Tanong nito.

"Nato-tolerate ko pa." Malulusaw kasi siya kapag lumagpas nang dalawang oras ang pagsuot niya ng damit na may masasayang kulay.

"Tiyak na magagandahan sa iyo si Alyssa kapag nakita ka. Hindi kasi natatabingan ng buhok ang mukha mo. Bagay na bagay kayong dalawa."

Pasimpleng hinawi niya ang bangs para matakpan ang isang parte ng mukha niya. "Huwag mong sasabihin na maganda ako! Ayoko!"

Namutla si Mari. Nagulat ito dahil madalang siya magtaas ng boses.
"P-pasensiya na. Titignan ko kung gising na si Señorita Alyssa."

Mariing nagdikit ang labi niya nang iwan siyang magisa ni Mari. Inayos na lang niya ang mesa para sa agahan na pagsasaluhan nila ni Alyssa.

Ayaw niyang maging maganda. Ayaw niyang matawag na maganda.

Dapat niyang kalmahin ang sarili niya. Hindi dapat siya magpaapekto. Kung haharap siya kay Alyssa kailangan niyang maging tulad nang isang normal na babae.

Pagkalipas nang ilang minuto ay bumaba na si Mari. "Susunod na daw siya. Pero sa palagay ko ay masama ang pakiramdam niya. Nang pagbuksan niya ako ay bahing siya ng bahing. Namumula pa ang mga mata niya at ilong. Hindi maayos ang tulog niya. Dadalhan ko nalang siya nang pagkain." Sabi nito at kinuha ang tray para lagyan ng pagkain ni Alyssa.

"May sakit siya?" Mahinang sabi niya.

Nalaglag sa pool si Alyssa nang nakaraang gabi. Nabasa ito ng malamig na tubig. Nahanginan at parang basang sisiw na naglakad sa garden pabalik sa bahay na suot lang ay sports bra at pajama . Kasalanan niya iyon at ni Luna. Kailangan niyang akuin ang resposibilidad.

Kumuha siya nang gamot  sa medicine cabinet at inilagay sa tray ang pagkain, saka niya binitbit.  "Ako na ang magdadala sa kanya."

Napanganga si Mari habang sinusundan siya nang tingin. "Akala ko ba, ayaw mo siyang makita?"

"It is about time para magkita na kami."

Eto muna sa ngayon. Mag U-update ulit ako mamaya.

Happy reading 🐱🐱

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon