"You won't look at me without saying a prayer if I look like a witch or ghost right?" Ayoko rin mapahiya si Lolo kapag nakita mo ang totoong ako."
"Pero ngayong alam ko na, sa palagay mo ba, pakakasalan pa kita?"
Pinagsiklop ni Dennise ang kanyang mga kamay at napayuko siya. The disgust in Alyssa's voice already inflicted enough pain.
Dati-rati ay wala siyang pakialam kung ano ang opinyon ng mga tao sa Hitsura niya. Kung katatakutan man siya o iwasan ng mga ito. Pero nalungkot siya na hindi siya matanggap ni Alyssa. Pinakitaan siya nito ng kabutihan dahil akala nito ay maganda siya. Higit sa lahat ay gusto siya nitong protektahan nang inakala nitong nasa panganib siya. She failed Aly.
"Hindi ko naman ipinipilit ang sarili ko na pakasalan mo. Malaya ka namang makakaalis ng bahay na ito at 'di kita pipigilan. Pero may isa lang sana akong ipapakiusap sayo. Pwede bang wag mong sabihin kay Lolo ang mga natuklasan mo sa akin? Sabihin mo na ayaw mo akong pakasalan dahil in love ka sa ibang babae."
Humalukipkip ito. "And why would I lie? Kung sanay ka sa pagsisinungaling at pagpapanggap, huwag mo akong iparis sayo."
Napayuko siya. Lalo lang atang nasira ang character niya sa harap nito. "I'm sorry, naisip ko lang naman kasi na kapag nalaman ni Lolo ang totoo, paaalisin niya ako dito sa Villa Celestine."
Hindi niya kayang mamuhay na kagaya ng mga normal na tao na siyang gustong mangyari ng Lolo niya. Ikamamatay niya na mabuhay sa mundong gusto nito. Ang pananatili sa anino ng Villa Celestine ang paraan para protektahan niya ang sarili niya.
"Kahit gusto kitang tulungan sa problema mo dito sa mansiyon, 'di ako magsisinungaling sa lolo ko. Ako naman ang malilintikan." Matabang na sabi nito.
"Bakit naman? Ang sabi ni Lolo, maraming magagandang babaeng nagkakandarapa sayo kahit saan ka pumunta. Siguro naman ay hindi mahirap sayo na maghanap ng magiging girlfriend pagbalik na pagbalik mo."
Tumayo ito at hinipan ang sariling mukha. "I'm afraid we are on the same boat, Dennise. Before I came here, I got into trouble. Nag-back out ang major client namin dahil pinalabas ng anak niya na enggage sa kami at may nangyari na samin."
Nanlaki ang mga bilog na mata ni Dennise. "Nakabuntis ka?!"
"No! Ni hindi ko hinalikan ang babaeng yon!"
"Karamihan talaga sa mga babero, pa-fall, papaibigin ka tapos kapag nakuha na ang lahat sayo iiwan ka na, ang masakit ipapasa pa sayo lahat ng kasalanan. Ikaw pa ang masama sa huli, Ano kaya ang dapat gawin sa mga manloloko? Gumawa kaya ako ng White lady na nagpuputol ng mga dila o kaya naman daliri?"
Hinampas nito ang coffee table. "Hey! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Saka bakit may putulan ng daliri at dila?"
"Dapat lang naman iyon sa mga manloloko diba? Yung mga magnanakaw nga pinupugutan ng ulo diba?"
"If you know what you are missing, you won't say that." Inangat nito ang mga kamay at ginalaw ang mga daliri. Then there was a mischievous glint in her eyes.
Bigla tuloy niyang iniwas ang tingin dito dahil nag-iinit ang pisngi niya. Nakuha niya ang ibig nitong sabihin. As a virgin, she had no pleasure a sex could actually give to a women like her. Mahahabang daliri, ilang babae na kaya ang napasigaw niya?
"Nag-quit ka sa company niyo dahil sa gulong iyon?" Pag-iiba niya sa usapan.
"I was fired! Kahit wala akong kasalanan, inalis pa rin ako ni Lolo sa kompanya." Nagkibit-balikat ito. "Hinarang niya kahit ang chance ko na mag bagong-buhay. Hindi ako makakautang sa bangko at hindi rin uusad ang negosyo naming magkakaibigan kung hindi ko raw inayos ang buhay ko."
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...