One

8.5K 183 5
                                    

Maririnig sa kalawakan ng mansion ang music ni Rachmanioff mula sa ponograpo. Pagkakain ng hapunan hobby na ni dennise na makinig sa classic musics habang nagbabasa. Umingit naman ang pusa niyang si Luna na masaya nang natutulog sa kandungan niya.

Parang inaawitan ng musika ang madilim na gabi at ang bilog na buwan maging ang mga elementong gumagala at nabubuhay lang tuwing gabi.

"Senyorita, ang gatas niyo po," sabi ni Mari, ang kubang katuwang niya sa mansiyon at nag-iisang taong kasama niya bukod kay Luna na para sa kanya ay pinaka magandang pusa sa buong mundo.

"Salamat, Mari." Ngumiyaw si Luna na tila nagpapasalamat din, pagkatapos ay saka muli nitong inihilig ang ulo sa kanyang kandungan.

Perpekto na ang gabing iyon sa kanya na pinaganda pa ng kabilugan ng buwan. Mamaya ay yayayain niya sa Mari na panoorin ang buwan. Ang kabilugan niyon ang pinakamagandang para sa kanila.

Naputol ang katahimikan nang tumunog ang lumang telepono. Iniangat niya ang ito at sinagot ang tawag.

"Dennise!" sabi agad sa kanya ng lolo niyang si Don Miguelito Lazaro Sr. "May maganda akong balita. Sa wakas ay makukuha mo na ang gusto mo."

Kumislap ang asul niyang mata . "Talaga po, Lolo? Ibibigay na niyo sa akin ang Villa Celestine?"

Matagal na niyang pangarap na makuha. Doon siya ipinanganak. Marami siyang magagandang alaala doon kasama ang mga magulang at kapatid niya. Iyon lang ang pinanghahawakan niya ng kaligayahan.

Subalit ang gusto ng lolo niya ay mapunta lamang ang villa celestine sa panganay nitong apo na lalaki at hindi sa isang babaeng katulad niya. Kaya isang magandang balita malamang ay papaboran siya ng kanyang lolo.

"Sa isang kondisyon."

Natigil ang pagsasaya niya. Kahit ang puso niya ay parang nabitin sa hangin nang marinig niya ang pagbabanta sa boses nito.  "Ano po?"

"Kailangan mong pakasalan ang apo ng pinaka matalik kong kaibigan."

Para siyang nauupos na kandila na sumandal sa malaki at lumang queen's chair. Kasal. Iyon ang isang bagay na pinakaiiwasan niya.

"S-sino pong anak ng kaibigan nyo?" Tanong niya. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa utak niya. Umugong ang tainga niya.

"Si Alyssa. Mabait ang batang iyon. Nakapag-aral sa ibang bansa, at magaling sa negosyo. Tiyak na malaki ang maitutulong niya sa negosyo ng ating pamilya."

"Opo, Lolo," matamlay na sagot niya.

Kilala niya si Alyssa Valdez. Matangkad, Magandang gwapo, pusong lalaki ngunit nasa katawang babae. Mahilig ito sa magaganda at seksing babae. Sa bawat pagbiyahe nito sa iba't ibang bansa, hindi maaring wala itong naakit na babae o lalaki. Ito ang uri ng tao na panlabas na anyo lang ng isang tao ang tinitignan.

Tila naramdaman ni Luna ang pagkabalisa niya. Ikiniskis niyon ang leeg sa braso niya. Subalit hindi pa rin siya makagalaw habang nakikinig. Kaya ba niyang pakasalan ang isang uri ng tao na hindi katanggap-tanggap sa mundo niya?

"Gusto kong tanggapin mo siya nang maayos. Tiyakin mo na magugustuhan ka niya. Paparating na siya riyan bukas ng gabi."

Bukas ng  gabi? Napakabilis naman. Subalit isang "Opo, Lolo" lamang ang naisagot niya. Hindi iyon ang oras para tumutol.

"Paano po kung di niya ako magustuhan, Lolo?" tanong niya.

"Napaka ganda mo, hija. Tiyak na mamahalin ka agad ni Alyssa."

Hindi nagsisinungaling ang lolo niya. Kamukha niya ang ninuno niyang su Celestine Lazaro sa charcoal painting niya na nasa sala. Isang kagandahan na ayaw na niyang taglayin pa.

"Hindi po tayo sigurado diyan, Lolo."

"Tinututulan mo ba ang kasalan ninyo?" Mataas na tonong tanong nito. "Ngayon pa lang ay sabihin mo na, para di mapahiya ang pamilya natin."

"H-hindi po, Lolo."
"Kung hindi mo gustong pakasalan si Alyssa, mabuti pang umalis ka na riyan sa bahay ngayon. Lumipat ka na dito sa Manila."

"Huwag po, Lolo. Ayoko po. Maawa na po kayo."

Ikamamatay niya kapag nawala siya sa Villa Celestine. Iyon kasi ang nagsisilbing kanlungan niya. Iyon na ang kanyang mundo. Kung lalabas siya sa mundong iyon, wala nang halaga ang buhay na iyon, wala nang halaga ang buhay sa kanya.

Sa labas ng mundo, isang patay ang tingin sa kanya ng lahat. Isang multo. Mas gusto niyang manatili siyang isang multo sa lahat. Masaya na siyang mabuhay sa anino ng madilim na bahay na iyon. Siya at ang Villa Celestine ay iisa.

"Kung ganoon ay paghandaan mo na ang pagdating ng babaeng pakakasalan mo. Mas makakabuti kung makasal kayo sa lalong madaling panahon."

"Gusto ko pa po sanang humingi ng mas mahabang panahon, Lolo," pakiusap niya. Hindi pa siya handang magpakasal. Hindi pa siya handa na may pumasok na estranghero sa buhay niya at babaligtarin ang kanyang mundo.

"Matanda na ako, Dennise Michelle. Di kita habambuhay na mababantayan at maalagaan," sabi ng lolo niya sa pagod na boses. "Gusto kong bago ako mawala sa mundo ay may isang taong magmamahal at mag-aalaga sa iyo. Natitiyak kong si Alyssa ang taong iyon. Hindi ka niya pababayaan."

Isang taong mag-aalaga sa kanya? Ang lolo lang niya ang maaring mag-alaga sa kanya. Kontento na siya sa buhay niya kasama sina Luna at Mari.

Base sa pagkakaalala niya, parang isang modelo ang tindig ni Alyssa at para itong anghel. Kung akala ng lolo niya ay isang anghel ito na poprotekta at mag-aalaga sa kanya ay nagkakamali ito. Pare-pareho lang ang mga tao sa labas— nasisilaw sa panlabas na kagandahan. Hindi matatanggap ng babaeng iyon ang ang tunay na katauhan niya.

"Mapupunta lang sa iyo ang bahay kung kasal na kayo ni Alyssa. Kung di mo iyon magagawa, ipapadala kita sa kuya Lee mo sa abroad,"

"Hindi po, lolo. Susundin ko po ang lahat ng iniuutos ninyo," aniya sa nanginginig na boses.

Nanlalambot na ibinaba niya ang telepono at naglakad siya patungo sa malaking verandah ng bahay. Tiningala niya ang bilog na buwan. Sumampa sa bisig niya si Luna at pilit na kiniskis ang ulo sa mukha niya. Parang nakikisimpatya iyon sa hindi magandang pangyayari sa buhay niya.
"Anong magagawa ko? Kung hindi ko susundin si Lolo, tiyak na mawawala sa atin ang bahay na ito. Ikamamatay ko iyon."

Niyakap niya si Luna habang tahimik na umiiyak. Saksi ang buwan sa pagdadalamhati niya. Nang umihip ang malamig na hangin ay gumalaw ang mahabang gown niya at ang kanyang mahabang buhok.

Mula sa mga taong nagdaraan ay nakarinig siya ng malakas na sigaw. "Multo! Multo! May multo!" Sigaw ng tatlong kalalakihan na sa palagay niya ay mga lasing na napadaan lang galing ng inuman.

Pinahid niya ang kanyang luha at saka humagikgik. Kaya nga gusto niya sa lugar na iyon ay dahil hindi siya nagagambala ng sinuman. Ang kalawakan ay santuaryo niya at nais niyang manatiling kanlungan sa loob ng mahabang panahon.

Isa lamang siyang buhay na multo sa paningin ng marami. Tama. Gusto na lang niyang manatiling isang multo habang-buhay.

Another story guys.

I hope magustuhan niyo ito.

Love Love 😁

🐱🐱🐱

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon