Walang expression ang mukha ni Dennise habang pababa ng hagdan. Mag aalas-syete na ng gabi siya bumaba ng sabihin ni Mari na nakahanda na ang hapunan. Nakanganga ito nang lagpasan niya ito at pumunta sa dining hall para tignan kung nakaayos na ang lahat.
"Ayos ka lang, Señorita?" Tanong ni Mari habang iniinspeksyon niya ang kubyertos at pagkaing nakahain.
"Oo naman. I've never felt better."
"Ano ba'ng nangyayari sayo? Maghapon kang nagkulong sa kwarto mo, 'tapos bababa ka nang ganyan na lang ang hitsura mo."
She was wearing a bloody red medieval gown. She laid her long hair down. Pero kinulot niya ang dulo ng buhok niya. May black choker siya sa leeg na may ruby flower accent. Makapal din ang itim na marcara at eyeliner sa mga mata niya. Yet her lovely face held no emotion at all. Ayaw niyang makaramdam. Kulang na nga lang ay pangil para magmukha siyang bampira.
She loved it. Pakiramdam niya ay nagyeyelo ang puso niya. Buong haponh inaral niya kung paanong haharapin si Alyssa. She was shaken to the core the whole day. Ayos lang na maging cordial ito sa kanya o kahit nga sungitan pa siya nito. She could handle all those. Huwag lang siya nitong aakitin.
Nagtatayuan ang balahibo niya. Kinikilabutan siya.
"Magaling na ba siya?" Tanong niyang tinutukoy ay si Alyssa.
Hindi siya nagtangkang lapitan man lang ang pinto kanina. Nilunod niya ang sarili sa mga sketches niya at mga bagong idea. Bloody and gross ideas. Iyon lang ang paraan niya para kalmahin ang sarili at bumalik sa kanormalan.
Nang sa palagay niya ay kaya na niyang kontrolin ang emosyon ay saka siya nag-ayos upang maghanda sa hapunan. But she won't be the sunny nice girl she portrayed a while ago. She wanted Alyssa to get a glimpse of the real her.
"Pababa na siya. Mas maayos na siya kaysa kanina."
Pinagpag niya ang kamay. "Everything is ready. All I have to do is set the mood for the evening. Magpipiano muna ako."
She was not her elements despite her gothic look. Kulang pa. Hindi pa siya sigurado kung kaya niyang pakiharapan si Alyssa nang hindi nanginginig ang katawan niya o nanlalambot. Playing the piano could help her relax a bit.
Kusang tumipa ang mga daliri niya sa key ng piano. It was her favorite classical piece. "Beethoven's pathetique." The notes took her over. Parang nilulukuban siya ng mga notes at tuluyan nang naglaho sa hangin ang pangamba niya.
Ah! That feels good!
Nang matapos siyang tumugtog ay napansin niyang may mga pares ng mata ang nakatutok sa kanya. Nang tumingin siya sa grand staircase ay nakita niyang nakatayo roon si Alyssa habang nakatitig sa kanya. Parang naestatwa na ito roon. Ni hindi man lang kumukurap kahit nang lapitan niya ito.
"Hi! Kanina ka pa ba jan?" Tanong niya.
Napalunok ito at tumango. Terror was writen all over her face. It was as if that lovely song was teribble ghost. Ni hindi ito makapag salita.
"Magaling ka na ba?" Tanong pa muli niya.
"Y-yes. Thank you for taking care of me. Nagpi-piano ka pala."
"Yes. It helps me relax when I have lots of things in mind. Do you play?"
Marahang umiling ito. "I'm afraid not. Hindi rin ako fan ng classical music. It gives me the creeps."
"Too bad. I love classical music, especially the piece I played a while ago."
"Pathetique," mahinang sabi nito. "Tha song is too gloomy."
"Gusto mo bang tumugtog pa ako ng iba?" Marami pa siyang gloomy na classical songs na nakahanda. Iyon ang kantang babagay sa personalidad niya.
Hinagip nito ang kamay niya. "Hindi na."
"Ayaw mo akong marinig na tumugtog?" Tanong niya. Paano ba niya matatagalang kasama ang isang tao na hindi ma-appreciate ang musika?
"Hindi sa ayoko." Hinaplos nito ang likod ng palad niya. "Ayoko nang mapagod ka pa dahil sa akin kahapon, napagod ka sa kakaluto. Kaninang umaga , inalagaan mo ako. Now you played the piano for me."
"I should keep you entertained. Bisita kita."
Pinisil nito ang baba niya. "Bisita lang ba talaga ako rito? I thought I was the one you are about to marry."
Kung bilang bisita nga ay hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan, paano pa kaya bilang taong pakakasalanan niya?
Then the image of Alyssa's bare gorgeous body flashed inside her mind again. Ipinilig niya ang kanyang ulo. She didn't even want to go there.
"Dinner is ready. Kumain na tayo bago lumamig ang pagkain." Pagiiba niya.
Babawiin na sana niya ang kamay niya rito pero hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya at sinabayan siyang maglakad. "You look beautiful tonight. Really beautiful. The gothic look suits you."
Ngumiti siya nang tipid pero hindi siya nagtangkang salubunggin pa ang mga mata nito. Ilang sandali pa lang niya itong nakakasama, tinamaan na siya ng Alyssa Valdez Symdrome- clammy hands, trembling body and she felt as if she was about to have a fever. Nag-iinit ang katawan niya.
Sana ay magawa pa niyang mabuhay pagkatapos nang gabing iyon.
-----------
OLA!
Sorry for long overdue update. Busy lang po. At dahil sa dami nang ganap, We all deserve an update 😍😍😉 hahaha. Buhay tayo mga dudes. Never shall we sink 👌
Anyways, mag uupdate ulit ako maybe later or tomorrow morning.
Love you guys, keep reading!
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...