Four

3.1K 131 2
                                    

Habol ni Dennise ang hininga habang mahigpit na yakap si Luna. Nakauklo siya sa tabi ng bintana, malayo sa paningin ng kahit sino. Maging ang liwanag ng buwan ay hindi siya natatanglawan. "Nakita kaya niya ako,  Luna?"

Kanina pang hapon niya hinihintay ang pagdating ni Alyssa Valdez. Naghanda siya ng hapunan. Ayaw niyang mapahiya. Kahit ayaw niya itong pakasalan, tinuruan naman siya maging magiliw sa pagtanggap ng bisita. Kailangan din niyang kunin ang loob nito para maisakatuparan niya ang kanyang balak.

Pero inabot na siya nang siyam-siyam ay hindi pa rin ito dumarating. Naisip niyang baka nag- back out na ito sa pagpapakasal sa kanya. Ipinaligpit na niya ang hapunan kay Mari. Naghahanda na siya sa pagtulog nang marinig niya ang pagpasok ng sasakyan nito sa Villa Celestine.

Hindi niya ito sinalubong. Nagbilin siya kay Mari na sabihing tulog na siya. Pero may kung anong humila sa kanya palapit sa bintana at silipin ito. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito. Pero sa tulong ng liwanag ng buwan, nabuo sa isip niya ang imahe ng isang magandang makisig na babae.

Tumirik ang mga mata niya. "Makisig nga, wala namang kwenta. Sino bang matinong tao ang paghihintayin ang mapapangasawa niya nang ilang oras? Matino ba iyon?"

Kung wala siyang kailangan kay Alyssa Valdez, hindi niya ito patatapakin sa Villa Celestine. "Pero bakit ganoon? Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko?" Tanong niya kay Luna, saka hinaplos iyon. Sinulyapan lang siya ni Alyssa, parang sasabog na ang dibdib niya. Ano ba ang nangyari sa kanya?

Bumagsak ang mahabang buhok niya sa kanyang mukha. Kasabay niyon ay natakpan ng ulap ang buwan. Sa pagdating nito, nakatakdang magbago ang buhay niya. Pansamantala ay kailangan niya sa Villa Celestine, mawawala din sa buhay niya si Alyssa Valdez

"May anim na kuwarto sa second floor at mayroon ding attic. Anim ang anak ni Don Miguel, ang lolo sa tuhod ni Senyorita Dennise. Pero lumipas ang panahon, wala nang tumira sa bahay na ito dahil pinili ng mga apo niya at anak na manirahan sa ibang lugar. Ang iba ay nangibang-bansa pa nga. Si senyorita Dennise lang ang piniling manirahan dito."

Napalunok si Alyssa habang paakyat sa grand staircase. Sinamahan siya ni Mari papunta sa second floor kung saan naroon ang kuwarto na tutuluyan niya. Parang isang tourist guide ito. Mukhang kapag tinanong niya ito tungkol sa bawat parte ng bahay ay may maikukwento ito.

Pakiramdam niya ay bumalik siya noonng 1920's nang itayo ang naturang bahay. Pati ang mga muwebles ay luma rin. But the place gave her the creeps. Parang anumang oras ay may gugulong na pugot na ulo o kaya ay may ililitaw na white lady.

Natigilan siya sa kalagitnaan ng hagdan nang makita ang painting nag isang babaeng nakasuot ng puting ball gown. Sa lahat ng dekorasyon sa mansiyon, iyon ang nakakuha nang atensiyon niya. Buhay na buhay kasi ang pagkakapinta niyon. Kahit ang itim na pusa na kandong ng babae ay nakapangingilag ang matatalim na berdeng mata.

"Sino siya?" Tanong niya kay Mari

"Si Doña Celestine, asawa ni Don Migue," sagot nito. "Siya ang kamukha ni Señorita Dennise. Ang mga nakakakita sa kanya, iniisip na nabuhay sa katauhan niya si Doña Celestine. Sa kasamaanh palad, namatay sa panganganak kay Don Miguelito dito mismo. Nagdalamhati sila nang lubos dahil doon. Mahal na mahal siya ni Don Miguel."

Iniwas niya ang mga mata sa painting. Nararamdaman niya ang mga mata ni Doña Celestine sa kanya. Parang alam nito kung ano ang tunay na pakay niya sa pagtapak sa mansiyon. She felt guilty in a way. Itinayo ang bahay na iyon para sa dalawang taong nagmamahalan at sa bunga ng pagmamahalan ng mga ito. At naroon siya para pakasalan ang isang Lazaro para sa pansarili niyang interes.

Her room was simple yet elegant. Isang malaking four- poster bed ang nasa gitna ng kuwarto. May dalawang lampshade sa magkabilang gilid niyon. May replica painting din ni Van gogh sa ulunan ng kama. Halos walang modernong kagamitan doon.

"Kung gusto ninyong manood ng TV, mayroon sa entertainment room sa ibaba. Mas gusto ni Don Miguelito na sama-sama ang buong pamilya kapag manonood ng TV o kaya ay makikinig ng music. Kaya kung manonood kayo, makikisalo kayo kay Señorita Dennise."

Ngumiti siya ng tipid. "Walang problema. Nasaan pala ang kuwarto niya?"

"Nasa dulo nitong pasilyo. Pero ayaw niyang gagambalain siya."

Tumango-tango siya at umupo sa kama. Ayos! Nasa malapit lang pala ang pagkaganda-gandang babaeng pakakasalan niya. Wala siyang planong pasukin ang pakakasalan niya. Wala siyang pinilit na babae. Maliban na lang kung ito ang papasok sa kwarto niya.

Hinila agad siya ng antok. Malambot kasi ang kama at malamig din ang hangin. Naririnig din niya ang huni ng mga kuliglig. O maaring ang malamlam na ilaw mula sa makalumang silk cocoon lamp ang nagpaantok sa kanya.

Kadalasan ay itse-check pa niya kung naroon ang lahat ng pangangailangan niya pero pinili niyang sumandal sa kama at pumikit.

"Gusto ninyong ayusin ko sa kabinet ang mga damit n'yo, Señorito?"

Ipiniksi niya ang kamay habang nakapikit pa rin. "Mas gusto kong magpahinga. Maraming salamat, Mari!"

She had never been so at-home before. Nawala ang kilabot na kanina ay nararamdaman niya. She felt better in that room than her own condo unit or in any elegant hotel in the world. Kahit nga sa lumang bahay ng mga Valdez sa Batanggas ay hindi naman siya parang ipinaghehele. Basta gusto na niyang matulog.

"Sabihin na lang ninyo sa akin kung may kailangan pa kayo, Señorita."

Dumilat siya at tipid na ngumiti. "That would be all. Goodnight."

"Señorita, kung anuman ang marinig ninyong ingay sa hatinggabi, huwag na lang ninyong pansinin. Huwag din kayong lalabas ng kuwartong ito."

Marahang sumara ang pinto pag-alis nito. What did she mean by that?

Walang siyang pakialam sa ingay. Tiyak na magiging mahimbing ang tulog niya. And for the first time, she had a good-night sleep she never had for years.

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon