Thirteen

2.7K 138 8
                                    

"Kamusta na ang groomybride-to-be? Ititigil na ba ang kasal? O gusto mong tulungan ka namin para takasan siya?" Tanong kay Alyssa ni Vic nang ka-skype niya ang mga kaibigan niya sa laptop. Mabuti na lang at dinala niya iyon. Hindi kasi sapat ang cellphone lang sa kwentuhan nilang magkakaibigan.

"Ako? Tatakas kay Dennise?" Pumalatak siya at ngumiti na parang nangangarap nang gising. "No, dude! She's an angel. Dapat ay natikman niyo kung gaano siya kasarap magluto."

Pumslatak ang iba niyang kaibigan. Hinaplos ni Gretchen ang sariling baba. "You got it bad, dude! Ngayon ka lang nagsalita nang ganyan tungkol sa isang babae. A nymph? An angel?"

"I don't really mind marrying someone like her. And she has a sweet voice..." Naramdaman niya ang pamamawis ng palad niya nang maisip ang boses nito. Ang boses na iyon ang boses ng duguang babae sa pool side. "Dude, kailangan ko magsimba bukas ng umaga. Kung pwede nga lang ngayon mismo, tumakbo na ko nang simbahan. Kaya magdadasal nalang ako bago matulog."

"Ha? Naka-drugs ka, Alyssa Valdez?" Tanong ni Kim. "Bigla kang napagsimba? 'Tapos magdadasal ka pa bago matulog. Aba! Anghel nga siguro iyang si Dennise."

"O baka laking kumbento iyan. Sigurado ka na gusto ka niyang pakasalan? Baka magmamadre iyan." Itinaas pa ni A ang mga kamay at tumingin sa langit. "Tapos baka sa susunod, gusto mo na ring magpari."

"No! Dennise and I will be Binded soon. Isa pa, wala pang babaeng tumatanggi sa akin."

Hinampas ni Marge ang sari ling dibdib. "Kaya nga idol kita! Kahit nga posteng nakapalda, hindi makatanggi sayo, dude!"

Nagtawanan ang mga kaibigan niya pero nanatili siyang seryoso. She liked Dennise so badly. Hindi kasi ito katulad ng ibang babae na nagpapakita agad ng interes sa kanya kaya madali siyang magsawa. Dennise had that air of innocence around her that charmed her. She was the type of women that Alyssa wanted to protect and cherish. Hindi pa siya nag-isip ng ganoon sa isang babae kahit kailan. Kay Dennise lang.

"It is almost twelve. Kailangan ko nang matulog," sabi niya.

"Ang aga naman," angal ni Gretchen. "Ganitong oras lang nagsisimula ang gabi natin dito, 'di ba?"

"Baka mapalo siya ni Dennise. Patulugin na natin," asar ni Kim.

Ngumisi lang siya nang mapang-inis. "May date pa kami ni Dennise bukas. Itu-tour niya ako dito sa bahay." Inggit lang ang mga ito dahil walang Dennise. Tapos na siya sa papalit-palit ng girlfriend. Iyon siguro ang nagawa ni Dennise sa kanya. Baka sadyang ipinadala ito para ituwid ang buhay niya.

Nakakaidlip na siya nang makarinig siya ng iyak ng isang babae. Hindi na sana niya papansinin iyon pero patuloy pa rin ang pag-iyak. Parang kahit ang mga dingding ng bahay ay umiiyak din. Nakakabagbag.

Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Baka mamaya si Dennise ang umiiyak. Baka kailangan siya nito. Lumakas ang kaba niya paglabas ng hallway. Galing ito sa kwarto ni Dennise. Tinakbo niya ang kuwarto ni Dennise. Kinilabutan siya sa panaghoy dahil sa lamig ng sahig. Nakayapak lang kasi siya.

Pagtapat niya sa kuwarto ay tumigil ang pag-iyak. Kumato siya nang marahan. "Dennise! Den, are you okay?" Tanong niya.

Wala siyang narinig na sagot. Idinikit niya ang tainga sa pinto. Wala siyang narinig kahit na pigil na hikbi. Tahimik ang loob ng kuwarto nito. Mukhang mahimbing na ang tulog nito. Lumipas pa ang ilang sandali ay wala siyang narinig na kahit anong kaluskos. Hindi kaya imahinasyon lang niya ang mga hikbi?

Nanlamig ang katawan niya nang maisip ang babaeng duguan at ang pusa nito na nakita niya nang nakaraang gabi. It must be her. Dali-daling tumakbo siya papasok sa kuwarto niya at ini-lock ang pinto. She prayed hard for the first time in her life. The house was really haunted.

Kailangan niyang protektahan si Dennise sa kahit anong paraan.

--------

Lame! Sino kaya yung umiiyak?

Sorry, I was trying to give my best shot. Kaya lang kulang talaga. I guess, I have to make it up, next chap?

Thank you sa magandang feedback guys.

🐱🐱 keep reading ^_^

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon