Naiiyak si Dennise habang isa-isang inililigpit ang mga kalat sa kuwarto niya. Nalukot ang mga sketches niya pero wala namang nasira. Nakakalat ang mga costumes niya at nagkakalas-kalas na ang mga kalansay. She could easily fix those. Ang hindi niya mare-repair ay ang gulong nagawa niya.
Narinig niya ang padabog na pag-eempake ng damit ni Alyssa sa kabilang kuwarto. Hindi niya ito maharap. Paniniwalaan ba siya nito? Mattanggap ba nito ang pagkatao niya kahit sabihin niya ang totoo?
Sa ganoong ayos siya naabutan ni Mari pagspasok nito sa kwarto.
"O, bakit nandito ka pa, Señorita? Paalis na iyong pakakasalan mo. Hindi na raw siya babalik dito sa mansiyon. Pati nga sa akin, nagagalit. Kasabwat daw ako sa pananakot mo. Ano namang kinalaman ko roon?"
"Pasensiya na Mari, nalaman na niya ang totoo tungkol sa akin. Pero akala niya, tinatakit ko lang siya." Mahina ngunit sapat na para marinig ni Mari na paliwanag na niya.
"Sinabi ko naman sa iyo na sabihin mo na ang totoo, di'ba? Hindi ka nakinig sa akin kaya umabot sa ganitong punto."
"Parang itinaboy ko na rin siya nang direkta. Tiyak na magagalit si Lolo kapag ginawa ko iyon. Baka isipin ni Alyssa na nababaliw ako. Lalo akong mawawalan nang pag-asa na mapunta sa akin ang Villa Celestine."
"Ngayon ba hindi mawawala sa iyo ang Villa Celestine? Nandito ka lang at nagmumukmok. Parang binibilang mo ang mga huling araw mo dito. Gusto mo bang mawala sa iyo itong masiyon?"
Umiling siya. "Ayoko! Ayokong mawala ito sa atin." Hindi lang para sa kanya ang Villa Celestine kundi para kina Mari at Luna na rin iyon lang ang lugar kung saan hindi sila hinuhusgahan ng mundo. Doon sila ligtas at namumuhay nang masaya.
Ayaw na niyang danasin pa ni Mari ang pang-aalipusta, nang hindi hinuhusgahan dahil sa panlabas na anyo nito. Gusto niyang patuloy na maranasan ni Luna ang pagmamahal na hindi maibibgay ng malamig na kalye at ng mga kapwa pusa na ang tingin lamang doon ay kaagaw sa pagkain. Ayaw na niyang harapin pa ang panganib na puwedeng idulot ng mundo dahil sa kagandahan niya.
"Kung ganoon, kausapin mo si Alyssa. Bisita mo pa rin naman siya. Dapat lang na pakiharapan mo siya nang maayos hanggang huli."
Ayaw na niyang harapin at makausap pa si Alyssa. Mukhang imposible na iyon. Subalit marami itong kabutihang ipinakita sa kanya. Kahit paano siguro ay dapat niya iyong ipagpasalamat. Hindi niya ito puwedeng paalisin na lang sa mansiyon nang hindi sila nagkakalinawan. Mas gusto niyang maghiwalay sila nang maayos. Karapatan nitong malaman ang totoo.
"Magsa-shower lang ako. Pwede bang paghintayin mo siya sa sala?"
Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Mabilis siyang nag-shower para mawala ang marka ng synthentic blood sa katawan niya. Pagkatapos mag-shower ay pumili siya ng flowing white dress. Isa iyon sa mga damit na hindi pa niya naisusuot. Kahit paano ay hindi naman siya nakakatakot tignan sa dress na iyon, mukha pa rin siyang presentable. She left her face devoid of makeup. Hinayaan na lang niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok.
Nang bumaba siya sa sala ay nakita niyang nakatayo sa gitna niyon si Alyssa. May hawak itong tasa at ang luggage nito ay nasa paanan nito. Mukhang handa na ito sa pag-alis. Lumingon ito nang marinig ang mga yabag niya. Lalo lang nagdilim ang mukha nito at inisang-lagok lang ang laman ng tasa, as if she was in hurry to end everything ang get away from her as soon as possible.
"Salamat sa paghihintay mo." Napansin niyang may antiseptic na ang mga natamo nitong kalmot. Ibinilin kasi niya iyon kay Mari na kailangan magamot agad iyon kanina.
"I don't want to leave yet without thanking your hospitality." Aly said with sarcasm. "Kung ayaw mo akong pakasalan, sana, sinabi mo sa akin sa simula pa lang. You don't really have to put up a show. Pinahirapan mo lang ang sarili mo."
Inilahad niya ang kanyang kamay. "Take a seat."
"Mas gusto kong tumayo. 'di naman ako magtatagal."
Umupo siya sa malaking Sofa at pinag krus ang mga hita.
"Marami lang akong gustong linawin bago ka umalis. Baka mangawit ka sa pagtayo."
Napilitan utong umupo. "Then make it short. Malayo ang byahe ko pauwi ng manila. Ayoko rin masayang ang oras mo."
Pinagsiklop niya ang mga kamay. "For the starters i want to apologize. Nanunugod talaga si Luna sa mga lalaking ngayon lang niya nakita. Man-hater kasi siya. Siguro dahil sa kilos mo ay napagkamalan ka niyang lalaki."
"Don't give that crap!" Galit na sabi nito.
"Ganoon talaga ang pusa ko kung ayaw mong maniwala, sana, maniwala ka na lang na tinaggap kita dito nang maayos bilang bisita ko. At ginawa ko ang lahat ng inaakala kong dapat ugaliin ng isang host?"
Alyssa put up a smirk on her face. "So this is your version of hospitality. Na palalabasin mong isang haunted house ang bahay mo at ikaw mismo ang nagpapanggap na multo para magtaboy lang ng mga bisita."
"Hindi kita itinataboy." Pagtatama niya. "Hindi rin rin ako nagkukunwaring multo. Kung anuman ang nakita mo sa akin kanina. Parte iyon ng pagkatao ko. I'm a horror graphic novelist, Alyssa. At kasama sa internalization ko ang pagsusuot ng iba't ibang costume para mas maramdaman ko ang mga characters at stories ko."
Naningkit ang mga mata nito. "Try anothe one. Di ako naniniwala."
"Iyon ang totoo. Nang unang gabi mo rito, nang akal mong white lady ako, iyon ang ginagawa kong novel." Inabot niya ang ilan sa mga drawings niya. "Sa hatinggabi rin ako nagsusulat. Doon mas malaya ang isip ko. At kahut hindi ka pa dumadating I usually play piano in the middle of the night."
Nakangiwi ito habang tinitignan ang mga drawing niya. "Creepy!"
"It is the way of artist that most of the people won't understand." Dugtong niya.
"Pero iniisip ng mga tao sa bayan na mangkukulam ka, may sumpa, et cetera. Doesn't it bother you?"
"It's okay to be abnormal as long as you are not bothering the rest of the world. Kung natatakot sila sa akin, mas masaya. Di'ko hilig makisalamuha sa mga tao. Ganoon din sina Luna at Mari. Dito kami mas komportable. Na'di kami kailangan husgahan."
Ipinilig nito ang ulo. "I don't know. Everything is just.... Weird. May tao palang mas gusto na mamuhay na parang multo kaysa mamuhay nang normal. You are too pretty. Bakit kailangan mong magmukhang nakakatakot?"
Tinignan niya itong nang matalim. "Ganda? Hindi naman iyon importante sa akin. Hindi mo kailangan ng kagandahan sa ganitong klaseng lugar."
"Hindi ka naman siguro mangkukulam o myembro ng kulto?"
Ngumiti siya nang malungkot. "Sabi na nga ba't iyan ang iisipin mo. No, I am not. Wala akong planong manakit ng ibang tao. That's why you will never understand. Kaya rin siguro gusto ni Lolo na mag-asawa ako. Siguro, ayaw ng lolo ko na mag-isa ako habambuhay. Kaya kung 'di ko pakakasalan ang lalaking gusto niya para sa akin, mawawala ang mansiyon sa akin. And you are my only chance to get Villa Celestine. Oras na mawala ito sa akin, 'di ko na alam kung saan pa kami pupunta nila Luna at Mari."
"Ibig sabihin, parang nagpapanggap ka lang sa akin kapag maganda ang ayos mo katulad ngayon?"
"You won't look at me without saying a prayer if I look like a witch or ghost right?" Ayoko rin mapahiya si Lolo kapag nakita mo ang totoong ako."
"Pero ngayong alam ko na, sa palagay mo ba, pakakasalan pa kita?"
----------
hey there buddies! Kamusta? May nagbabasa pa ba? Anyway,Patapos na kasi yung The Pirate Lord. Pero di pa ko maka-isip ng magandang Finale plot. So, nananawagan ako sa mga magaling na writers, and also mga Mababait na readers . Or kung may kakilala kayo na pwede. Pa suggest naman nang magandang idea,please?
Keep reading guys! Thanks for waiting.🐱🐱
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...