Seven

2.9K 135 5
                                    

Nagdadabog na umakyat sa grand staircase si Alyssa. Wala siyang pakialam kung mabasa man ang carpet pati na rin ang makintab na sahig na kahoy na nadaraanan niya. She was pissed-off ... big time!

Mukha siyang tanga na nag-swimming sa pool sa malamig na gabi. Nabasa ang pajamas na suot niya. Nanginginig siya sa lamig dahil wala siyang suot na pang-itaas na damit. She had never been so humiliated in her life. Dahil lang sa isang duguang white lady at sa pangit nitong pusa.

Nang pumasok siya sa bahay ay walang senyales na may ibang tao roon. Patay na ang higanteng chandelier. Nakasara na ang piano at ang piano bench sa ayos. The place was really haunted.

"Is that really fair? Kinalmot ako ng pangit na pusang iyon. Paano kung mukha ko ang nakalmot?" Pag sisintir niya habang mabibigat ang hakbang naglalakad sa hallway ng mansiyon sa ikalawang palapag. Sana lang ay walang nakakita sa kanya dahil kahiya-hiya ang labas niya kila Mari at Dennise.

Ano na lang ang sasabihin ng mga ito? Na natatakot siya sa multo lang? She didn't deserve to be humiliated like this.

Balang araw ay magiging parte rin siya ng pamilya Lazaro. Dapat ay kilalanin siya ng multong iyon dahil magiging kapamilya na siya ng may-ari ng mansiyon na may hawak na titulo kung saan naninirahan ang mga ito. Habang squtters lang naman ang mga ito roon.

Matalim ang tingin na luminga-linga siya sa paligid. Nag-aabang siya kung may pangit na pusa kung may pangit na pusang lalabas. Kung may iba pa mang pusa sa bahay na iyon, titiyakin niyang sa kalye matutulog ang mga iyon habang naroon siya. Kailangang malayo ang mga iyon sa kanyang paningin.

Pabalagbag na isinara niya ang pinto ng kuwarto pagpasok niya dahil sa sobrang Inis. Tumuloy agad siya sa shower room. At least, they had a hot and cold shower. Naipagpapasalamat niya nang husto nang dumaloy ang mainit na tubig sa katawan niya. Kahit paano ay naramdaman niya ang muling pagdaloy ng dugo sa katawan niya na nagyelo yata nang makita niya ang nakaputing babae.

"Hindi! Hindi ako takot sa multo! Walang multo!" Paulit-ulit na usal niya sa sarili. Imahinasyon lang niya ang nakita niya kanina. Masamang panaginip lamang iyon.

Kinuskos niya ng tuwalya ang kanyang katawan paglabas ng banyo at ibinalot ang sarili sa robe. Nang humarap siya sa salamin ay hindi naitago ang mga kalmot sa kanya ng pusa. Ramdam pa rin niya ang hapdi hanggang nang mga sandaling iyon.

Hindi siya takot. Noon lang siya nakakita ng ganoong nilalang. Sino ba naman ang hindi magugulat? Hindi naman siya natakot. Nagulat kang siya. What she hated about the whole expirience was the cat.

Napapitlag siya nang may kumatok nang tatlong beses. Hindi agad siya nakakibo. Hindi pa ba tapos ang horror experience niya sa gabing iyon?

"Alyssa? Alyssa, gising ka pa ba?"

Lumayo siya sa pinto nang marinig ang maagang boses ng babae sa labas ng kuwarto niya. Iyon ang boses ng duguang white lady kanina. Umupo siya sa kama at dinaklot ang bedcover. "Sino ka? Ano'ng kailangan mo?"

Alam na rin nito pati ang pangalan nya. That was dangerous. Napausal siya sa dasal sa sarili. She had never prayed so hard in her life. She could handle the white lady. Kahit masamang espiritu pa, naniniwala kaya pa rin niyang i charm. Pare-pareho lang naman ang mga babae. Of course, she could charm her not to take her soul to the afterlife.

"This is Dennise."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Maniniwala ba siya rito? At nagawa pa nitong magpanggap na ito ang babaeng pakakasalan niya. "Really?"

She heard a sexy laugh. "What really? May problema ba? Narinig ko kasi na may lumagabog dito sa kuwarto mo. May basa rin dito sa sahig. Kaya nag-decide akong i-check kung okay ka lang."

Bahagyang nabawasan ang kaba niya kaya lumapit siya at idinikit ang mukha sa kahoy na pinto. Kung ganoon, pati boses ni Dennise ay ginaya ng multo para akitin siya. Kung sa boses lang, baka pakasalan agad niya si Dennise.

"N-nag-swimming ako kanina sa pool. Maalinsangan kasi." Huminga siya nang malalim at bumahing. Saka niya naalala na muntik na siyang magka-hypothermia dahil hindi agad siya nakapasok sa bahay kanina.

"Malamig sa labas. Hindi ka dapat nagsu-swimming," natatawang wika nito. "Puwede bang pumasok? I want to check if you are okay."

"N-no! I'm not decent at the moment."

Kung ibang babae siguro ang nag-imbita, hindi niya palalagpasin ang pagkakataon. But she was not in tiptop shape. Ayaw niyang humarap sa kahit sinong babae dahil mababa ang morale niya. May mukha ba siyang ihaharap sa babaeng pakakasalan niya? Sa babaeng multo at pusang multo lang kanina ay hindi siya makaporma.

"Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape o kaya gatas?"

"Thank you, Don't worry, I'm fine. I will be okay tomorrow morning. Sanay akong mag-night swimming."

Hindi lang siya sanay sa impromptu swimming ng naka pajamas at may mga multo sa paligid.

"Matulog ka na rin." Kailangan din niyang protektahan si Dennise.

"Okay, Goodnight," malambing na sabi nito.

Nabuo ang ngiti sa labi niya. Her lovely voice kept ringing in her ears. Kung ganoon kaganda ang magiging future nila. Naglaho ang ngiti sa mga labi niya. Ang boses din na iyon  ang pag-aari ng white lady. Dapat ba niyang sabihin kay Dennise ang naranasan niya?

"No!" Mariing usal niya, saka pumikit. Masamang panaginip lang ang lahat. Kung may multo pang magpapakita sa kanya, nakahanda na siya. Wala nang anuman o kahit sino na maaring sumindak sa kanya.

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon