Nakamasid si Dennise sa tatlong kaibigan ni Alyssa na nagtatalu-talo kung anong horror movie ang panonoorin. Nasa entertainment room sila. Bawat isa ay may kanya-kanyang gusto, hindi tuloy magkasundo-sundo ang mga ito.
"Pasensiya na sa gulo namin, Dennise ha," sabi sa kanya ni A. "Okay lang ba na mag-overnight kami? kahit dito lang kami sa entertainment room. Nami-miss kasi nila si Alyssa."
"Ikaw rin naman namimis mo rin siya, ah," kantiyaw ni Amy.
"Sure. Ano'ng gusto ninyong kainin habang nanonood?"
Inabot ni Amy ang box ng taco shell sa kanya. "Tacos are Alyssa's favorite. Iyong sa amin, ikaw na ang bahala."
"Sige ipapahanda ko ito kay Mari."
Magaan ang loob niya sa mga kaibigan ni Alyssa. Tinanggap siya nang maayos ng mga ito. Ayon kay Alyssa, kung ibang babae raw ay grabeng pang-i scrutinize muna ang dinadaanan, lalo na kay A na siyang pinaka matanda sa grupo. Any girl would do. Pero para sa babaeng pakakasalan ng magkakaibigan, kailangan daw ay salaing mabuti. They didn't even mind if she dressed weird. Naaliw pa nga ang mga ito.
Pagdating niya sa kusina ay nagluluto na ng popcorn at prawn crackers si Mari. Iniabot niya rito ang Taco shell. "Paborito ni Alyssa ang taco. Bahala ka na."
"Napapadalas ata ang ngiti mo, Señorita."
"Usapan namin ni Alyssa iyon. Gusto raw niya, lagi akong nakangiti."
"Bagay iyan sa iyo. Maganda ka kasi kapag nakangiti." Bigla nitong natutop ang bibig. "Oops, sorry!"
"Okay lang iyon. Tayong dalawa lang naman." Puwede naman siguro siyang maging maganda sa mga taong pinagkakatiwalaan niya katulad ni Mari at Alyssa.
Pinuntahan niya si Alyssa sa verandah. Mukhang seryoso ang pag-uusap nito at ni Marge. "Are you sure you want to marry her? She's out of your league, Ate Ly. Kung pera lang ang kailangan mo, papahiramin kita."
Natigilan siya sa paglapit sa dalawa nang marinig ang boses ni Marge. Hindi siya nito gusto para sa kaibigan nito. Napansin nga niya a hindi ito masalita kanina. Parang nag-oobserba lang ito.
"Noong nakaraan lang, sabi mo tutulungan mo ako para magkasundo kami. Di ba? Tumawag ako at kinamusta mo ako. Yun iyong mga panahon na galit pa sa akin si Dennise?"
"This is Not what I expected. Paano magiging normal ang buhay mo? Hindi tama ang ginagawa sa iyo ng Lolo mo. Gawin mo na lang akong silent partner sa business mo. Bayaran mo na lang ako kapag may pera ka na. Hindi mo kailangang pakasalan 'di mo gusto
You don't deserve to suffer for a lifetime."Nakagat niya ang ibabang labi dahil parang sinaksak ang puso niya. Noon, hindi mahalaga sa kanya ang opinyon ng ibang tao sa pagiging kakaiba niya. Layuan man siya o laitin ay ayos lang sa kanya. Pero kung lalayuan din siya ni Alyssa, hindi na niya kaya ngayon.
Naglakad siya palayo. Ayaw na niyang marinig pa ang sagot ni Alyssa. Kung tatanggapin nito ang alok ni Marge, saka siya lalayo. Pero hanggang kaya pa niyang manatili sa tabi nito, hindi siya magtatanong ng kahit na ano.
She was selfish, she knew. Pero hindi niya kayang pakawalan ang taong tumanggap sa kanya kung sino siya. Kaunting panahon lang ang hinihingi niya.
-----
🐱🐱🐱
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...