Nine

3.1K 136 6
                                    

Pasimpleng sinulyanpan ni Dennise ang repleksiyon niya sa malaking salamin sa bungad ng hallway sa second floor. Maaliwalas ang mukha niya. Her hair was in place. Walang naliligaw sa mukha niya. Maging ang dress na suot niya ay simple lang pero disente naman. Wala ang bakas ng white lady na nakita ni Alyssa noong isang gabi. Maari na nga siyang humarap dito.

Marahang kumatok siya nang tatlong beses. "Alyssa!" Tawag niya dito.

Iniipit niya sa likod ng tainga niya ang buhok na tumatakip sa mukha niya. Hindi niya alam kung naaninag ni Alyssa ang mukha niya. Sana ay hindi siya nito makilala. Ayaw niyang katakutan siya nito. Tiyak na palalayasin siya ni Lolo Miguelito niya sa mansiyon oras na malaman nitong tinakot niya si Alyssa.

Walang sagot mula sa loob. Baka bumalik ito sa pagtulog dahil sa masamang pakiramdam. Pinihit niya ang antique na pinto. Hindi iyon naka-lock. Baka tulog pa ito kaya hindi siya narinig.

Binuksan niya ang pinto at pumasok. Kailangan niya itong gisingin para makakain at makainom ng gamot. Ayaw niyang lumala ang kondisyon nito. Madadagdagan pa ang pasanin niya sa kanyang konsesiya.

Walang tao sa kama. Eksaktong lumabas si Alyssa sa banyo na naka sports bra at boxer shorts lang ang suot. Naka roba din ito ngunit bukas naman ang harapan. Natulala siya sa maganadang katawan nito. Arstist siya at masasabi niyang perpekto ang katawan nito.

Bumabagsak ang ilang hibla ng buhok nito sa noo at tumutulo ang tubig pababa sa leeg patungo sa dibdib at sikmura nito. Abs! She was a sensual demigoddess. Parang nilikha ito upang akitin ang nga babae at lalaki.

She was sensual enough the other night. Hindi nga mawala sa isip niya ang imahe ng katawan nito nang nakaraang gabi. Pajamas lang at sports bra ang suot nito na nasisinagan ng liwanag ng buwan ang balat nito, as if moonlight was gloriflying her skin.

Pero mas doble pa pala ang karisma nito sa liwanag ng araw. She could visibly see her handsome face. Magandang guwapo ito sa picture na ipinadala ng lolo niya. The pictures didn't do her justice. Mas attractive at magandang gwapo ito sa personal. At doble ang kakisigan sa umaga kapag nasisikatan ng araw. Hindi ba pwedeng pangit nalang ito?

"Good morning!" Bati niya.

Namutla ito at mabilis na napaatras. "S-sino ka? Anong ginagawa mo rito?"

Na-trauma ata ito sa nangyari kagabi. Mukha pa rin ba siyang multo kahit maayos na ang hitsura niya? Hindi niya alam kung maiinsulto o matutuwa siya na mukha pa rin siyang nakakatakot kahit hindi na siya naka costume.

"I'm Dennise," pagpapakilala niya, sabay abot ng kamay rito. "Hindi pa tayo formally nagkakakilala."

Hinawakan nito ang kamay niya pero mabilis din nitong binitwan. Saka ulit nito hinwakan, parang tinitignan nito kung tatagos ba ang kamay niya rito.

Bigla niyang inangat ang tingin niya dito nang hawakan nito ang dalawang kamay niya. "Nice! Your hand is warm. That feels good," she said with an appreciative smile. "Mabuti na lang, umaga na ngayon."

Parang wala iyong koneksyon sa pormal na pagpapakilala nila sa isa't isa. Pero naiintindihan niya ito. Umaga na kaya natitiyak nitong hindi siya multo. Tuluyan nang naalis ang takot sa mukha nito.

"Ipinagdala kita ng pagkain. Para makainom ka na ng gamot," wika niya at dali-daling binawi ang kamay mula rito.

"Pababa na rin ako. Hindi mo na sana ako dinalhan ng pagkain." Bigla itong tumalikod nang bumahing. "Damn!"

"Natuluyan ang sakit mo. You don't have to hide it. Napansin ni Mari na masama ang pakiramdam mo."

"Masyado kayong nag-aalala sa akin. Mamaya, wala na ito." Sabi nitong itinaas ang dalawang kamay. Pilit itong ngumiti. She didn't look any better. Bukod sa sipon nito palagay niya ay masakit din ang ulo nito.

"Sabi mo, magaling ka na pagdating ng umaga. Umaga na."

"Ang umaga ay, hanggang..." tinignan nito ang relo. "Eleven-fifty nine."

Pumalatak siya. "Basta kumain ka na. Huwag mong sabihin na wala ka namang planong kainin ang iniluto ko para sa iyo."

Umupo ito sa kama at inilagay sa kandungan ang tray. "Kakain na." Marahil ay napahiya ito dahil hindi niya itinago ang disappointment sa hindi nito pagsipot sa hapunan nang nakaraang araw. "Nasaan ang pagkain mo?"

Tumango siya. "Sabay na kami ni Mari pagkatapos. Gusto ko, magpahinga ka muna buong maghapon hanggang natitiyak ko na gagaling ka."

Sumubo ito at ngumiti agad. "For now, I won't argue with that." Pumikit ito. "Hmm... ganito ka pala kasarap magluto." Sunod-sunod ang subo nito. Sa palagay niya ay mabilis itong gagaling dahil hindi naman ito maselansa pagkain. "Matagal na akong hindi nakakatikim ng pagkain. "Matagal na akong hindi nakakatikim ng lutong bahay. Madalas kasi, sa labas ako kumakain."

"Kailangan kong matuto." Sa klase ng pamumuhay niya na laging nag-iisa, kailangan niyang pag-aralan ang lahat ng bagay. Sa pagdating ni Mari, natutulungan siya na magluto. Pagdating naman sa paglilinis nang bahay ay ang ang mag-asawang Sonya at Lito ang nakakatulong niya.

Bumubuka ang robe nito sa bawat paggalaw nito, She could get a glimpse of her sexy body. Umagang-umaga pero pakiramdam niya ay sinisilaban siya. Having a sexy, and hot raw body inside the house was more nervous wrecking that any horror story she had written. Parang nag-aanyaya kasi na tanggalin niya ang robe nito at paglalakbayin ang kamay niya sa katawan nito. Bad! Magkakasala siya.

Iniiwas niya ang mga mata nang may mahagip ang paningin niya. May mga marka ito sa leeg at dibdib. Nang pakatitigan niya ito ay napansin niyang meron din ito sa braso.

"Tapos na ako!" Deklara nitong tangkang aabuti ang baso ng Mango Smoothie.

Hinwakan niya ang braso nito at pinakatitigan mabuti ang mga marka. Mga kalmot iyon ni Luna. "Ano'ng nangyari dito?"

"Di ko alam kung saan ko nakuha," inosenteng sabi nito.

"Teka, kukuha ako ng gamot sa medicine cabinet." Dali-daling kinuha niya ang kit sa bathroom at kumuha ng panggamot sa sugat.

Hindi man nito aminin kung saan nito nakuha iyon, alam naman niya. It was Luna's fault. Pero dahil siya ang may-ari, responsibilidad niyang gamutin iyon. Parami nang parami ang kasalanan na pagbabayaran niya. Kung pwede nga lang sana na si Luna na lang ang gumamot sa mga kalmot nito, pero hindi nan pwede.

Bitbit na niya ang povidine iodine at bulak paglabas ng banyo. "Gamutin na natin at baka maimpeksiyon pa iyan."

Ayon sa kakilala niyang doktor, may rabies din ang mga pusa. Minsan ay nakukuha iyon kahit sa kalmot lang dahil may laway rin ang kuko ng mga ito. Mabuti na ang sigurado.

"Hindi na! Ako na ang gagamot sa sarili ko," sabi nitong tinangkang agawin ang paggagamot sa kanya. Ayaw nitong magpagamot sa kanya.

Maagap na itinulak niya ito sa balikat pasandal sa headboard ng kama. "Huwag ka ngang malikot!"

Natigilan siya ng makita ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. Saka lang niya nakita kung ano ang pwesto nila. Nakasandal ito sa kama habang sobrang lapit ng katawan niya rito. Kahit ang mukha nila ay halos magdikit na. Her robe was agape. At sa isang anggulo, parang ginagahasa niya ito.

Sumipol ito. "Aren't we aggressive here?"

-

Good evening guys!

Wait for my next update, that would be on Sunday morning!

LOVE, LOVE 🐱🐱

thank you for reading!

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon