Pauwi na sila Dennise at Alyssa galing sa underground cemetery. Nakatuwaan sila ng mga turista kaya hindi agad sila pinauwi. Nagsunod-sunod ang dating ng mga bisita kaya natagalan pa silang umuwi. Nangako pa ang mga ito na babalik basta siya parin ang magga-guide.
"Pwede ka pa lang mag-tourist guide parang walking history book ka. Ngayon ko lang naintindihan ang significance ng lugar na iyon. Wala kasi akong hilig sa mga historical landmarks. Mas gusto ko ang mga modern na lugar," sabi ni Alyssa.
"Kabisado ko na ang bawat istorya ng mga taong nakalibing sa underground cemetery pati na ang mga nakakatakot na kwento sa dito sa aming lugar. Siguro parte iyon ng pagiging writer ko. Dapat, may alam ako sa history ng isang lugar para mas magamit ko sa istorya ko kasama na pati ang mga namatay. That's why I'm down to creepy places. At alam ni father na nageenjoy ako tungkol sa history at mga katatakutan."
Tumango ito. "You look great. Mas maganda ka pa kanina kaysa noong ipa-salon kita. Mas komportable ka sa sarili mo. Just stay that way."
"Thank you." Hindi na siya nag-aalinglangan na makasama ito. Tanggap na nito ngayon kung sino siya. And that made her feel so good.
"May DVD collection ako ng mga bagong Horror Movies. Manood tayo."
Pumalakpak siya. "Sige. Matagal na akong di nakakapanood ng horror movie."
Sa palagay niya ay babalik na rin ang gana niyang magtrabaho pagkatapos niyon. Wala na siyang alalahanin tungkol kay Alyssa.
Habang papasok sila sa Villa Celestine ay may napansin silang dalawang sasakyan na nakaparada sa harapan niyon. Itinigil ni Alyssa ang sasakyan at lumapit. Lumabas ang Anim na mga magandang gwapong nilalang at tinapik ang balikat ni Alyssa.
"Dude, kanina ka pa namin hinihintay. Di matawagan ang cellphone mo," angal ng isang cleaned-cut hair at may kaputian na babae.
"Galing ako sa underground cemetery kasama si Dennise. Walang signal doon."
"Tiningala ng babaeng kasing tangkad ni Alyssa at singkit ang mataas na gate. "Ito ang Villa Celestine? Mas mukhang haunted house, Ly. Tumagal ka rito?" Anang babae.
"Kanina pa kami nagdo-doorbell. Walang tao," anang pinakaseryoso sa lahat.
"Nasan ang future bride mo Ly?" sabi ng babaeng mukhang foreigner.
"Oo nga Aly. Asan na si Dennise?" Tanong naman ng babaeng cleaned-cut din ngunit morena ang kulay.
"Gusto ka nilang makilala," sabi sa kanya ni Alyssa.
"Sigurado ka?" Hindi agad siya natinag sa pagkakaupo nang buksan nito ang pinto at inalalayan siyang bumaba. Ipapakilala siya nito sa mga kaibigan nang ganoon ang kanyang hitsura? Hindi niya inaasahan ang pagdalaw ng mga ito. Sana ay nag-ayos siya.
Tumango ito. Hinawakan nito ang balikat niya upang marahil ay hindi siya makatakas. Naramdaman siguro nito na naiilang siya. "Guys, this is Dennise." Hindi nito tinanggal ang belo niya. "This is Vic." Itinuro nito ang babaeng gupit lalaki at maputi. Pagakatapos ay ipinakilala din ang mga sumunod pa. Si Gretchen ang singkit at kasing tangkad ni Alyssa. Si Marge ang pinaka bata. Si A ang seryoso sa Anim. Si Amy ang foreigner. At si Kim ang isa pang guput lalaki na morena at palangiti ngunit ng mga sandaling iyon ay namumutla na.
Kinamayan at binati siya ng Anim bagaman may bakas ng pagtataka sa mukha ng mga ito. Nang si Kim na ang kamayan niya, nanlamig ang kamay nito
"Adios patria adorada." Nakangiting sabi nito ngunit nanginginig ang boses. "Di na kami mag-aabala pa at mahirap gabihin." Binitawan agad nito ang kamay at bumaling ito kay Alyssa. "Aalis rin kami."
Ikinawit ni Alyssa ang braso nito sa leeg ni Kim. At iginiya papasok sa likod ng kotseng ginagamit nila. "Mamaya na. Dito na kayo maghapunan. Masarap magluto si Dennise."
"Ayos! Kanina pa ako gutom eh," sabi ni A na mukhang walang pakialam kung mukha siyang white lady at haunted house ang bahay niya.
Nagkanya-kanya ng sakay ang Lima sa kotse ng mga ito.
Si Kim naman ay panay ang pagkalampag sa bintanasa tabi nito. "Guys, magsimba muna tayo. Balik na lang tayo rito mamaya. Baka mamatanda tayo."
Natawa siya mukhang hindi mahilig sa katatakutan si Kim.
Pati si Alyssa ay humalakhak. "Don't worry, nakapagsimba na kami ni Dennise kanina. Kaya parang naisimba na rin kita dude."
Tinanggal niya ang belo at nilingon siya ni Kim. "Welcome to Villa Celestine."
---
🐱🐱🐱
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...