Twelve

3.2K 149 10
                                    

Sunod-sunod ang subo ni Dennise ng pagkain. Dahil hindi siya pwedeng mag-isip ng gross at nakakatakot na bagay habang naghahapunan para kontrahin ang mga mapang-akit na ngiti ni Alyssa sa kanya, itinuon na lang niya sa pagkain nang marami ang matinding frustration niya.

"Hmm... masisira diet ko sa sarap ng pagkain dito. Mapapagalitan ako ng gym instructor ko," sabi ni Alyssa na sunod-sunod din ang subo.

"Si Mari ang nagluto niyan."

Nang kupkupin niya si Mari, nakitaan niya ito ng potensiyal na galing sa pagluluto. Kaya nitong pasarapin kahit simplrng luto lang ng gulay. Kaya naman siguro itinuro niya rito ang lahat ng nalalaman niya sa pagluluto.

"She's good. Ilang taon na rito si Mari?"

"Two years."

"Bakit siya ang kinuha mong katulong?" Kaswal na tanong nito.

"Hindi ko siya katulong. Kaibigan ko siya. Sinamahan lang niya ako dito."

"Really?" She asked in disbelief.

Hinawakan niya nang mahigpit ang steak knife kasabay ng pagtikom ng labi niya. Ano ang gustong palabasin nito? Na walang karapatan si Mari na maging kaibigan niya dahil isa itong kuba?

Wala pala itong kaibahan sa mga malulupit na tao sa labas. Hinuhusgahan nito ang tao at inilalagay sa dapat na estado dahil lang sa anyo o kabuhayan nito. Galit siya sa mga taong katulad nito. Mabuting tao si Mari. Bakit huhusgahan ito dahil sa panlabas na anyo?

Sayang ang akala pa man din ni Mari ay mabait si Alyssa.

Tila naalarma si Alyssa nang mapansin hindi naguatuhan ni Dennise ang sinabi nito. "Hey! Don't get me wrong. Hindi ko hinuhusgahan ang pagkakaibigan ninyo ni Mari. Pero kayong dalawa lang dito sa bahay. Hindi lahat kaya niyang gawin. Paano kung may masasamang-loob na pumasok dito?"

"Thanks for concern . Pero walang magtatangkang pumasok dito."

Nakatulong ang storya ng mga multo para iwasan ng tao ang lugar kahit pa ng mga magnanakaw. Mahihirapan ang mga ito na bitbitin ang malalaking antique na muwebles sa mansiyon. Hindi iyon madaling nakawin. Wala rin namang mamahaling heirloom o pera doon. Ang lahat ng pangangailangan niya ay ibinibilin at ipinapadala ng lolo niya. Alam din niya na nagtatalaga ng bantay ang lolo niya na nagmamasid sa mansiyon. She was okay with that.

It was comforting to know she was nit judging Mari. Kaibigan niya si Mari. Ang sinumang manakit dito ay makakalaban siya.

"Sabi ni Lolo Miguelito mo, halos hindi ka raw lumalabas ng masiyon. Ano'ng ginagawa mo kapag nandito ka?" Tanong nito.

"I have online classes. I'm taking up Creative Writing. Gusto ko kasing gumagawa ng mga graphic novels. The old books in the library help me enrich my imagination. I'm also working on several novels. Kaya marami akong gagawin.

Hindi nalang niya sasabihin dito na isa na siyang sumisikat na horror graphic novels niya lang sa pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Philipine based lang ang publisher niya pero nagagawa na niyang makakuha ng atensiyon. Thanks to the internet.

Pero pen name niya ang gamit niya. Tanging publisher niya ang nakakakita sa kanya; she was a confidential item to the rest of the world.

"Ano bang isinusulat mo? Romance? Fiction? Political satire?"

She smiled sheepishly. "Saka na siguro kapag nai-publish na." Hindi siya komportable na ipakita sa ibang tao ang mga gawa niya habang raw material pa. Kahit nga kay Mari ay hindi niya iyon ipinapakita. Kasama iyon sa eccentricities niya bilang isang artist. "How about? Sa Valdez Coco Industries ka, hindi ba?"

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon