Thirty Six

978 49 2
                                    

Dennise was ready for a new day. Gagawin niya ang bagong chapter ng novel niya at ng bagong character na in-introduce niya ang 'The Priest' na tungkol sa kulam at kulto, that was why she was wearing a black silk gown. Itim din ang lipstick at nail polish niya.

Mamayang gabi tutulungan niya si Alyssa sa interior design ng pirate cruise ship nito. Business ito ng magkakaibigan at may kanya-kanyang concept ang mga ito sa iba't ibang facilities ng hotel at mga kwarto. Alyssa wanted Her's to be rustic and eerie. At doon siya expert kaya tutulungan niya ito.

Natanaw niya sa poolside si Alyssa na nakahiga sa lounging chair at naka sport bra at bikini. Damn! Those abs and biceps. She looked like she was ready for a dip. Gamit na gamit nito ang pool at ine-enjoy ang araw. Perhaps one day she would also enjoy the sun. Nasasanay na nga siyang lumabas sa garden kahit pa umaga o tanghaling-tapat. Nasasanay na siya sa liwanag.

Pumasok si Mang Lito bitbit ang isang kaing ng mga prutas. "Saan po galing yan?"

"Padala ni konsehala sa inyo ni Señorita Alyssa."

Humalukipkip siya. "Mang Lito alam ninyong hindi ako nasusuhulan. Hindi ko gagaanan ang trabaho ng anak niya. Magtrabaho siyang mabuti.

One hundred hours community service ang hinihiling niya kay Luis at sa mga kagrupo nito. Bukod sa paglilinis ng mga kalye, tutulong din ang mga ito sa proyekto ng foundation ng pinsan niyang si Fille. Na namamahala sa mga feeding programs para sa mahihirap.

"Ano po ang gagawin ko rito?"

Ipapadala niyo sa foundation ni Ate Fille para sa feeding program.

May inabot si Mang Lito na isang bouquet ng rosas. "Ipinabibigay po ni Miss Pauline. Para daw kay Señorita Alyssa."

Halos umabot hanggang hairline ang pagkakataas ng kilay niya. "Ah, kay Pauline...." Nagmartsa siya papunta sa poolside. Nasa tubig na noon si Alyssa at nagpofloating. Parang sinasadya talaga ipakita ang katawan. No wonder baliw na baliw dito si Pauline.

"May nagpapabigay sa iyo." Pagkatapos ay inihagis niya sa tubig ang bouquet.

Nilangoy ni Alyssa ang mga bulaklak. "Galing sa iyo? Thank you!"

"Hindi sa akin. Sa Pauline mo. Ilaga mo."

Nakangiting sumampa ito sa pool. "Nagseselos ka naman?"

"Hindi ako nagseselos," aniya saka itinulak ito.

Nakakainis! Sino ang hindi mai-insecure kahit paano sa katulad ni Pauline? Alam nito kung paano mag express ng narardaman. Maging sa panliligaw ng lalaki o mapa babae man ay bihasa na ito. Samantalang siya hindi niya alam kung paano niya sasabihing gusto niya si Alyssa.
 
Alyssa was within her reach but she couldn't tell him what was inside her heart. Kahit binuksan niya ang puso niya para dito. Hindi niya lubusan na maipakilala ang sarili rito.

Suminghap ito nang ilitaw ang ulo sa tubig. "Dalawang beses mo na akong hinuhulog sa pool."

"Hindi ko kasalanan iyon dati, kusa kang nalaglag sa pool."

"Nagdilim ang mukha nito. "Siguro tawa ka ng tawa noon noh?"

"Hindi. Pero ngayon tawang tawa ako," aniya at humalakhak ng malakas.

Umahon ito sa pool. "Hindi ako nakaganti sa iyo noon pero ngayon, puwede na akong bumawi."

Naalarma siya nang maglakad ito palapit sa kanya. There was something dangerous about him. Hindi siya puwedeng magpahuli rito. Napahiya ito noonng unang beses silang magkita at hindi niya alam kung paano niya babawiin ang pride nito.

"Alyssa, subukan mo lang—"

Tatakbo sana siya subalit nanigas na ang katawan niya sa sobrang kaba. Mahaba't Mabibilis ang mga braso ni Alyssa at naabot siya sa baywang. Napahiyaw siya nang tumagos ang tubig sa katawan niya mula sa katawan nito. Sinubukan niyang magpumiglas pero mas malakas ito kaysa sa kanya. Unti-unti siyang naghihina.

"Now let me see. Ano kaya'ng ipaparusa ko sa iyo?" Tanong nito habang lumalapit ang mukha sa kanya. Fear left her and excitement rushed in her veins. Kung hahalikan siya nito bilang parusa, hindi siya tututol. She had been dreaming about it every minute of the day. And she wanted to taste her again.

"Sino ka at ano'ng ginagawa mo sa pinsan ko?"

Bigla silang naghiwalay ni Alyssa. Nagulat siya nang makita kung sino ang istorbo sa buhay niya. "Kuya Deive!"

Sa isang iglap ay hinablit nito si Alyssa at isinalya sa pader. Nagulat din si Alyssa kaya hindi agad ito nakagalaw. Magkasingkatawan at magkasintaas ang dalawa pero isang mabangis na tigre ang pinsan niya at si Alyssa ang biktima.

"Kuya, magpapaliwanag kami," aniya nang matagpuan ang boses.

"Huwag kang lalapit sa kanila," anang Kuya Lee niya. Nadagdagan ang sakit ng ulo niya. Ang akala niya ay isang pinsan lang ang haharapin niya. Dalawa pa pala.

Ano ba ang ginagawa ng mga ito sa Villa Celestine? Nasa abroad ang trabaho ng mga ito. Bakit biglang nagsulputan ang mga ito na parang kabute? Ni hindi manlang niya naramdaman ang pagdating ng mga ito.

"I'm Alyssa Valdez. Apo ako ni Don Antonio Valdez. Matalik siyang kaibigan ng lolo ninyo. At malapit na kaming ikasal ni Dennise."

----

🐱🐱🐱

I'm sorry for slow update guys. Love lots.

My Nyctophilic WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon