"Shoo! Shoo! Lumayo ka nga sa akin! Napipikon na ako sa iyo, Luna!"
Napatakbo si Dennise nang marinig niya ang pagsigaw ni Alyssa. Nasa puno ito ng Mangga sa garden at tila kanina pa naghihintay sa kanya. Mukhang may giyera nanaman sa pagitan nito at ng kanyang pusa. Unang beses pa lang na nagkita ang dalawa ay magkaaway na ang mga ito. Madalas ay si Alyssa ang nadidisgrasya.
"Luna! Alyssa! Ano ba iyan?" Nakapamaywang na tanong niya. Umalon papunta sa kanya si Luna. Maagap naman niyang sinalo iyon. Parang humihingi ng saklolo.
"Hindi ko inaapi ang pusa mo. Siya nga itong magulo," iritadong wika ni Alyssa, saka pinagpag ang mga balahibong kumapit sa damit.
"Akala ko nga, magkasundo na kayong dalawa "
"Mabait ako sa pusa mo basta huwag sitang lalapit sa akin. Kinikilabutan ako kapag kinikiskis niya ang katawan niya sa balat ko. I don't really like cats. Mas sanay akong mga girls ang—"
"Mga girls ang ano?" Nagdilim ang mukha niya.
"Wala," anito, saka tumawa.
"Sige. Ituloy mo. Mga babae ang dumidikit sa iyo?" Subukan lang nitong banggitin ang tungkol sa mga babae nito, ipapakalmot niya ito kay Luna. Kahit siya ang pinakaespesiyal na babae sa buhay ni Alyssa, hindi pa rin maiiwasang ma-insecure siya sa mga babaeng hayagang nagpapakita ng Affection dito.
"Wala. Ang sabi ko, hindi ako makapag- concentrate dito sa binabasa ko," anito at iwinagayway ang cellphone.
Sinulyapan niya ang nakasulat sa Screen. "Ano yan?"
"Rules and regulation ng Kuya Deive mo."
Inilahad niya ang kanyang kamay. "Pabasa nga."
Napaawang ang bibig niya nang isa-isahin ang mga batas ng Kuya Deive niya. "Puwedeng halikan, pero sa kamay at noo lang. " ang iba pang rules ay dinaig pa ang panahon ni Maria Clara. "Daig pa ako ng teenager!"
Sadyang protective sa kanya ang mga pinsan niya. Napakadali sa mga ito noon itaboy ang mga manliligaw niya. Intimidating ang Kuya Deive niya. Pero hindi natatakot dito si Alyssa. Alyssa was able to sneak off her cousin's back ang into her heart.
"Your cousin doesn't trust me. Hindi maganda ang reputasyon ko. But I'm willing to show him the new Alyssa. Sabi niya, mawawala lang ang rules na iyan kapag engaged na tayo o kaya kasal na tayo."
Niyakap niya ang kanyang mga tuhod. "Nakasalubong ko ang Lolo Anton mo kanina. He apologized for judging me right away."
"Nag-usap na rin kaming dalawa. Sabi niya, kung nakabuti ka naman sa akin, sino raw siya para kumontra?" Humiling ito sa balikat niya. "They thought we were a perfect match at first. 'tapos, dismayado sila dahil mismatched tayo. But we are working things out, right?"
Kung pagbabasehan ang mga una nilang pagkikita, walang mag-iisip na magkakasundo sila. Sa track record nito sa naggagandaham, sopistikada at sexy na babae, malamang ay maninirahan na lang ito sa South pole kasama ang mga penguin kaysa makasama siya.
Funny how she got used to her horrific taste. Parang normal na lang dito na makita siyang duguan minsan habang nagpi-piano. Nasanay na rin siya na sabihan nitong maganda kapag hindi sinasadyang nakita siya nitong walang make-up.
"Nag-offer na sa iyo ang lolo mo. 'di mo na ako kailangan pakasalan. Why did you decide to stay with me?"
"At bakit pipiliin mo pa rin ako kahit tumutol ang Kuya Deive mo?"
She didn't expect Alyssa would throw the question back. Pinagdugtong niya ang duli ng hintuturo niya at saka tumingin sa langit. "Well.... Una akong nagtanong sa iyo."
"I think you are In love with me."
Nang lumingon siya ay halos magdikit na ang mga mukha nila. Hindi siya makagalaw at hindi rin niya maialis ang tingin dito. Siguro ay dahil sa huli nitong sinabi na in love siya rito. Hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon. At hindi rin niya alam kung ano ang isasagot. Hindi niya kayang alisin ang tingin dito dahil parang inamin na rin niya rito na in love nga siya.
O hindi niya kayang gumalaw dahil alam na niya kung ano ang susunod. She was about to kiss her and she couldn't say "no" to her. She couldn't stay away. Pagkatapos mag-roller coaster ang emosyon niya sa buong araw na iyon, tanging gusto niya ay yakapin at halikan siya nito.
Pumikit siya habang pigil ang hininga. She could feel her heart beating wildly. Maybe if she would kiss her, she would admit she was in love with her. Just one kiss and she could forget about the rest of the world. Even her cousin's ridiculous rules.
Alyssa smoothed her lower lip with her thumb. She opened her lips when air rushed into her lungs. Alyssa leaned close and brushed her lips over Dennise's.
Nagsisimula nang lumalim ang halik nang bigla silang maghiwalay. "What's wrong?" Tanong niya.
"Five seconds lang ang binigay sa akin ng Kuya Deive mo para halikan ka. Iyong susunod daw, sa engagement party na."
"Sa engagement party pa? Kailan pa iyon?" Tanong niya sa mataas na tono.
Ni hindi pa nga nila napag-usapan ni Alyssa ang engagement party. Higit sa pagpapakasal gusto nilang i-enjoy ang relasyon nila nang normal. Na parang hinid sila damaan sa kasunduan. Kung kailan naman gusto niya ng mahabang panahon para sa kanila. Tsaka naman maghihigpit ang pinsan niya.
Nagkibit-balikat ito at tumayo. "Wala akong magagawa. Siya ang batas. Babantayan daw niya ang kilos natin habang nandito tayo sa Villa Celestine."
Nanayo ang mga balahibo niya. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya kahit wala naman. Nang silipin niya ang kuwarto ng Kuya Deive niya sa second floor na nasa pagitan ng kuwarto nila ni Alyssa ay bukas ang ilaw roon. Nakabantay nga ito sa kanila at hindi siya magtataka kung tumatagos man ang mga mata nito sa higanteng puno ng Mangga.
Kung nasa isang horror story sila marahil ay puwedeng maging panginoon ng Villa Celestine ang Kuya Deive niya at may mga mata ang lahat ng bagay sa paligid para magsilbing espiya nito. Magandang material iyon para sa isang istorya pero hindi iyon nakakatuwa nang mga sandaling iyon.
"May time limit na kiss. And what else is in that nonsensical list of rules?"
Tumayo si Alyssa at inaabot ang kamay sa kanya. "Our time is almost up. Malapit nang mag-ten O' clock kaya kailangan na kitang ihatid sa kuwarto mo."
Humawak siya sa kamay nito at tumayo. Nakadama siya nang lungkot dahil tapos na ang masasayang araw nila ni Alyssa. She hated those rules.
"Mas madali ang buhay mo kung makikipag-date ka sa isang normal na babae. Walang rules, walang time limit, walang curfew and you don't have to put up with weirdness."
Alyssa laced her finger with hers and smiled dreamily. "I intend to have you despite odds. Gusto kong hawakan ang kamay mo dahil ayokong mag-isa ka lang sa dilim. And if you decide to step into the light, I still want to hold your hand. Para masilaw ka man sa liwanag. I'm here to tell you it's okay."
"That is an immense task, you know. Hindi normal ang mga pinagdadaanan ko sa buhay. I have so many fears that I can't confide in you yet."
They were so dreadful, she didn't want to rehash them yet. Hindi pa siya malakas para harapin ang mga takot niya.
"It's okay." Pinisil nito ang baba niya. "Kahit daw kay Mari, marami ka pang hindi sinasabi. Hindi ko naman hinihingi sa iyo na magkuwento. I will patiently wait for that day when you will trust me enough."
"Thank you." She would work on her fear. Ayaw niyang habambuhay na manatili sa dilim. Ang pasensiya lang ni Alyssa ang kailangan niya.
-----
Sinisipag gumawa ng drafts. 🐱🐱🐱
BINABASA MO ANG
My Nyctophilic Wife
FanfictionNyctophilic a person who find relaxation and comfort through darkness. This story is inspired by the Yamato Nadeshiko. Dennise is nyctophilic, at ang Villa Celestine ang kanyang comfort zone. It was 1920s mansion that her family owned. pero dahil s...