Chapter 1

2.8K 44 47
                                    


Elaine's Point Of View

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang paboritong kanta na ginawa kong alarm. Grabe parang kakapikit ko lang kanina ah!

'Yan puyat pa.

Tamad na tamad akong bumangon at nag-ayos ng higaan bago bumaba.

Actually nakaka-miss ang ingay ni mama ng ganitong oras, mostly kasi ay bunganga niya ang gumigising sa akin eh.  Lalo na kapag anong oras na at hindi pa ako bumabangon, talagang inaalmusal ko ang sermon niya.

Pero siyempre iba na ngayon, senior high school na 'ko. Grabe naman 'ata 'yon kung hanggang ngayon ay ganoon pa rin si mama, malaki na 'ko pero hindi ko pa kaya ang buhay ko. Hindi pa 'ko nakakahanap ng sugar daddy.

Haha.

Pero puwede naman ah? Sugar daddy na umiigting ang panga! Pero kung hindi papalarin okay na ako sa apat na M - Matandang Mayamang Madaling Mamatay.

Siyempre sa una ay act fool muna ako, kunwari mahal na mahal ko siya. Ta's kunwari pa ay nag-aalala talaga ako sa kaniya kapag inuubo na siya, pero deep in side ang saya-saya ko na kasi makukuha ko na ang yaman! Oh 'di ba? Easy money? Siyempre kapag nafi-feel ko nang nanghihina na siya ay papapirmahan ko na 'yong mga hinanda kong papeles na naglalaman ng mga ari-arian niya para solve na ang aking problema.

Pero naisip ko lang, ba't parang ang sama-sama ng dating? Nagmukha tuloy akong pera.

"Elaine gising na, hindi ka prinsesa!" napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Kuya, sa ingay niya ay puwede na siyang pang-alarm.

Pagbaba ko sa kusina nakita ko si mama na busy sa paghahanda ng almusal pero dahil nasanay na 'kong hindi nag-aalmusal ay nilagpasan ko na lang siya.

"'Nak, hindi ka kakain?" tanong ni mama, huminto naman ako sa tapat ng C.R. at umiling sa kaniya.

"Good morning ma, hindi po. Sa school na lang siguro," tumawa ako ng mahina para hindi na mangulit sa 'kin si mama. Nasusuka kasi ako minsan kapag nag-aalmusal ng ganito kaaga. Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko minsan.

Or maybe nasanay na ang mga bulate sa tiyan ko.

Hays, baka nga.

Tinanguan na lang ako nito kaya dumiretso na 'ko sa CR para maligo, mabilis lang din ang naging pagkilos ko dahil ayokong ma-late sa klase lalo pa't first day ngayon!

Nakakahiya naman 'ata 'yon.

Dahil hindi naman kami mayaman ay nagko-commute lang ako, pabor naman sa 'kin 'yon kasi malapit lang naman ang pinapasukan ko sa bahay namin. Hindi puwede ang arte-arte rito. Kung gusto mong makapagtapos ng pag-aaral, magtiyaga ka!

"Ate paabot ng bayad," nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Inabot ko ang barya at ibinigay ito sa drayber.

"Kuya bayad daw po," tamad na sabi ko kay manong driver. Kaya ayokong umupo sa harap eh, nagiging taga-abot ng bayad nang wala sa oras.

Puwede naman kasing umusog 'te, papaabot mo pa hmp! Tamad.

Jokings! Tamad din kaya ako.

Maya-maya pa ay naaninag ko na ang aking munting paaralan, pumara ako at nag-abot ng sampong piso bago bumaba at tumungo sa loob.

Ngayon ang unang araw ng pasukan kaya medyo marami ang mga estudyanteng naglalakad-lakad, maaga pa naman kasi. Siguro 'yong iba naghahanap na ng room nila at ang iba naman ay trip lang talaga.

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now