Elaine's Point Of View“You're five minutes late Ms. Alcantara and Mr. Gonzales.”
Salubong sa amin ni Josh nang makarating kami sa room, lumipad agad ang tingin sa amin ng aming mga kaklase.Kasalanan 'to ni Josh! Ang daming pinakain sa 'kin.
“I'm sorry Sir, we won't do it again” malamig na sabi ng katabi ko bago pumasok at umupo sa upuan niya malapit sa pintuan.
Tse! Pa'no naman ako na nasa gitna pa 'yong upuan?!
Yumuko ako at dahan-dahang pumasok ngunit napahinto rin dahil sa malalim na boses ni Sir.
“Won't say anything?” Tanong siya sa maliit na boses.
Pilit akong ngumiti na nauwi rin sa ngiwi, sa huli ay humingi nalang din ako ng paumanhin at sinabing hindi na namin uulitin kahit hindi ko naman talaga sure kung mauulit ba 'yon o hindi na.
Tumuloy na sa discussion si Sir, nag-a-attendance pala siya kanina nang um-eksena kami ni Josh. As usual puro discuss lang naman ang naganap pati na rin 'yong dalawang sumunod na subject, discussion lang din.
Dalawa ang hawak ni Sir Abrientos na subject sa 'min, since adviser namin siya so hindi na rin nakakapagtaka. Pareho pang first period, first period namin siya sa umaga and first period namin siya sa hapon.
✎ᝰ. ‧₊˚ ☁️⋅♡𓂃 ࣪ ִֶָ☾。
“By next week PE na tayo right?” Maya-maya'y wikal ni Sir. Tamad namang tumango ang iba habang nagpipigil naman ng antok ang iba, at siyempre kasama ako sa pangawalang nagpipigil ng antok. Nakaka-antok talaga ang ganitong oras, idagdag pa na mahangin sa puwesto ko na 'to… sarap matulog.
Tapos na ang klase pero heto't naka-upo pa rin kami kasi may in-announce si Sir, nakakapagod kayang maupo! Gusto ko nalang kumain o kaya matulog. Ewan ko ba kung bakit nasingit pa rin ni Sir ang tungkol sa PE na 'yan.
Hindi ko alam kung anong in-announce ni Sir kanina, tulala kasi ako kanina pa. 'Yong ‘by next week PE na tayo right?’ lang yata ang narinig kong lumabas sa bibig ni Sir. Sumabay pang inaantok na 'ko kasi kagabi nagpuyat ako.
“You can go now” sabi ni Sir at lahat kami ay biglang nabuhayan nang marinig ang sinabi ni niya. Yey! Makakakain na rin sa wakas! Gutom na 'ko.
Oo, pati gutom naramdaman ko na rin.
Pasado alas-kuwatro trenta na rin kasi. Dapat ay kanina pa kami uwian pero humingi si Sir ng kaunting oras sa amin para sa kaniyang announcement na wala naman akong naintindihan.
Ngunit mukhang nananadya talaga 'ata ang tadhana. Nang papalabas na kasi kami nina Chealsy, Marian, at Josh ay biglang nagsalita si Sir…
“Ms. Alcantara, maiwan ka.”
Oh diba!? Oh diba!? Nakakaputragis lang! Ano na naman kayang kailangan nito.
“Kawawa ka naman” asar na saad ni Marian.
“Hays, sarap mag-street food 'no? Tara Marian, yayain natin si Mels.” Dagdag pa ni Chealsy na mas lalong ikina-inis ko.
“That's a good idea! Then hmm…” umaktong nag-iisip naman si Marian habang nakalagay ang isang kamay sa baba niya at nakatingala ng bahagya, nang may maisip na si gaga ay bigla nalang niyang sinuntok ang kamao sa ere at excited na bumaling sa akin “… BJ tayo Chels. Byebye Elaine!” Sigaw pa niya na mas lalong ikina-inis ko.

YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomanceThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...