Elaine's Point Of View"Nasa'n sila?" Tanong ko kay Naithan nang mapansin kong kami na lang pala ang narito sa dalampasigan.
"Pumasok na sa loob, medyo late na rin kasi."
"Ah gano'n ba? Tayo?"
"Ha?" Takang tanong niya.
"Ha?" Tanong ko rin sa kaniya habang nakakunot ang noo.
"What do you mean by that?"
Lalo akong nagtaka. Pinagsasabi ba nito?
"Anong — "
"By…" huminto siya, para bang nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya o hindi.
"By?" Naguguluhang lintaya ko. Sinilip ko ang mukha niya dahil medyo nakayuko siya pero nakakunot lang ang noo niya.
Ano ba 'to?
"By us… by tayo" nahihiyang aniya. Wow cute.
Bihira ko kasing makita ang side niyang 'to eh. Sometimes ay 'yong cold and serious side niya ang nakikita ko. Siguro nga ay once in a blue moon lang siyang mahiya, tapos sa 'kin pa? Grabe, ganda ko talaga.
Pero…
Ano nga bang ibig sabihin ng — OH. MY. GOD.
Did he just mentioned the word "tayo?"
Ano nga ba kami? Baka chance na 'to? Baka nga ito na ang right time para linawin ang bagay na 'to. Ika nga nila, "grab the chance."
"Ano nga ba tayo?" Tanong ko na ikinagulat niya. 'Di ba ito naman ang gusto niyang pag-usapan? So what's the point? Bakit parang gulat na gulat pa rin siya?
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan Joy" sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Ako? Bakit ako?
"Bakit ako Naithan?" Sumbat ko. Konti na lang talaga ay maiinis na 'ko rito sa lalaking kaharap ko eh.
Ako ba ang lalaki?
Ako ba dapat ang mag-first move?
Ako ba dapat ang manligaw?
Eh??
Ligaw? Bakit pumasok 'yon sa kokote ko? Sabagay, kapag naman talaga ginawa niya 'yon ay papayagan ko naman siya.
Ang shunga ko na lang siguro kapag tinanggihan ko siya, 'di ba?
"I like you Elaine, I really am" mabilis na pag-amin niya habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.
I know.
May luhang tumulo sa kabilang mata ko. Matagal ko na 'tong gustong marinig sa mga labi niya pero bakit ganito? Bakit parang ang hirap tanggapin? Bakit parang ang sakit?
Hinawakan niya ang mga kamay ko at iginiya ito sa kaniyang pisngi. Wala siyang eye glasses ngayon kaya kitang-kita ko ang halo-halong emosyon sa kaniyang mga mata.
The longing.
The love.
The happiness.
How can't I love this man?
Hindi ko alam kung pareho ba kami ng nararamdaman ngayon, pero isa lang ang alam ko. Katulad nga ng sinabi ko kanina, handa akong sumuong sa matarik na bangin para sa kaniya. Handa akong payagan siyang manligaw kahit na alam kong ang kapalit nito ay malaki, handa akong tanggapin siya ulit ngunit hindi na upang kaibigan lang. I don't wanna be his friend anymore, I want more than that.
Yes. Inaamin kong malabo pa sa maruming ilog ang set-up namin noon. Basta ang alam lang namin ay gusto namin ang isa't isa. Ni wala ngang kasiguraduhan kung may kami ba. 'Yon bang basta-basta lang at hindi pinag-isipan. I know, we're just young back then, bata pa kami para sa ganoong bagay, lalo na ako.

YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomanceThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...