Elaine's Point Of ViewPUSO! HUMINAHON KA PLEASE LANG!
Nakita ko pa ang bahagyang pag-ngisi niya ng makita ang naging reaksiyon ko, habang para namang sirang plaka ang mga sinabi niya at umulit-ulit pa ito sa aking isip na naging dahilan ng aking pananahimik.
Pati 'yong mga tatanungin ko pa sana sa kaniya ay biglang naglaho.
“None. I didn't try to be in a relationship after I left my childhood best friend back then who is very special to me.”
“None. I didn't try to be in a relationship after I left my childhood best friend back then who is very special to me.”
“None. I didn't try to be in a relationship after I left my childhood best friend back then who is very special to me.”
“None. I didn't try to be in a relationship after I left my childhood best friend back then who is very special to me.”
Nahinto lamang iyon nang marinig ko ang pag-unlocked ng kotse. Tumingin ako sa paligid at nakita kong narito na pala kami.
“Do you live here?” Nagtatakang tanong niya.
“Hindi. May bibilhin lang ako” sagot ko naman at akmang lalabas na nang pigilan niya ako.
Napahinto naman ako dahil sa panandaliang kuryente na naramdaman nang magtama ang aming mga balat.
“Pa'no ka uuwi?” Tanong niya, ang boses ay puno ng pag-aalala.
Ngumiti ako at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.
“'Wag kang mag-alala, ayon lang naman ang bahay namin oh” ani ko sabay turo sa bahay namin malapit sa convenience store.
Sa huli ay tumango na lang siya at nang makababa ako ay tuluyan nang umalis. Hinintay ko munang maglaho ito sa aking paningin bago pumasok sa store para bumili ng pagkain. Nagugutom na kasi ako.
**/ END OF THE FLASHBACK
Wala sa sariling napahawak ako sa aking pisngi na ngayon ay namumula dahil sa naalalang nangyari kanina. Pero malaking palaisipan pa rin sa akin ang sinabi niya na…
“None. I didn't try to be in a relationship after I left my childhood best friend back then who is very special to me.”
Hindi naman sa panghihimasok pero gusto kong malaman kung sino ang tinutukoy niya. Aaminin ko na nagkaroon talaga ako ng malaking pag-asa matapos marinig ang sinabi ni Sir Naithan pero nawala rin agad 'yon bigla nang ma-realized ko ang ilang bagay-bagay.
So, all this time pala ay inlove siya sa kaniyang childhood best friend? Kaya ba wala siyang girlfriend? Pero sabi ni Hazel ay may kasama raw ito noon na pumunta sa probinsiya. Posible kayang siya na 'yon?
Sayang naman. Akala ko may chance na kami e'. Ang hirap ng ganito, 'yong naka-asa ka lang sa kakarampot na pag-asa na nasa puso mo. Hindi ko alam kung makakayanan ko ba ang sakit once na mahanap niya na ang child hood best friend niya. Bakit ba kasi sa isang teacher pa 'ko nahulog at hindi na lang sa kapwa ko estudiyante o kaya naman sa taong puwede kong isigaw sa buong mundo. Imposible naman kasi ang hinagangad ko talaga. Sa una pa lang ay alam ko nang hindi kami puwede dahil teacher ko siya at estudiyante niya ako. Sa mata siguro ng Diyos ay puwede iyon. Pero sa mata ng mga tao, sa mata ng batas at sa mundo ay bawal ang ganoong set up.
Hindi ko namalayan na sa sobrang pag-iisip ay nakatulog na ako. Hindi ko man lang naayos ang posisyon ko kagabi bago matulog. Nanakit tuloy ang katawan ko.
YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
عاطفيةThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...