Chapter 20

809 11 0
                                    


Elaine's Point Of View

“Gagi ang ganda!” Sigaw ni Hazel habang nakatanaw sa malawak na karagatan. “Aaaahh it feels heaven!” Sigaw niyang muli habang dinadama ang malamig na hangin na dumadampi sa aming mga balat.

February 12 na. It means bukas na ang fiesta sa baranggay na ito.

Narito kami ngayon sa dalampasigan. Naisipan nila mama na magdagat para raw makalimutan ko muna ang problema. Aaminin ko na hindi pa rin ako okay dahil pilit pa rin akong hina-hunting ng nakaraan.

Ngunit malaking tulong na rin ito. Isa ang dagat sa nagpapakalma sa aking sistema. Sa tuwing naririnig ko ang hampas ng alon sa dalampasigan ay tila ba nawawala ang aking mga isipin.

“Pupunta bukas si Gab?” Dinig kong tanong ni mama kung kanino. Nakuha nito ang atensiyon ko kaya bahagya akong bumaling sa puwesto nila.

Si lola pala ang kausap niya.

“Oo raw sabi ni kumare — Ay! Mamayang gabi 'ata ay narito na ang batang 'yon” sagot ni lola

Kumabog naman ng malakas ang dibdib ko.

Mamayang gabi?!

Parang hindi pa 'ko handang makita siya.

“Huy Joy! Nakikinig ka ba?” Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Hazel.

Napatanga naman ako. May sinasabi pala siya.

“H-ha? A-ano nga ulit 'yon? Hehe” sagot ko at nag-peace sign sa harap niya. Pumalatak naman ang babae.

“Hay naku! Sabi na nga ba eh! Si Kuya Gab na naman 'yan ano?! Suss 'di mo pa amining nami-miss m —”

“Ang tabil mo ghorl, patahimikin na kaya kita?”

Naningkit naman ang mga mata niya at maya-maya lang ay inirapan ako nito.

Tse!

“Pero totoo! Ang guwa —”

“Apo! Hazel, kumain muna kayo” sigaw ni lola na nasa likuran pala namin.

“Ahh sige la, susunod na po!” Sigaw ko naman pabalik.

Halos mapaigtad ako sa gulat dahil sa nakangusong si Hazel. Luh, anyare rito?

“Ang unfair!” Maya-maya'y sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko.

Unfair saan?

“Ha?”

Lalo siyang napanguso. Putulin ko kaya nguso niya?

“Ba't sa 'yo ang tawag ni lola apo? Samantalang akin ay Hazel lang!” Aniya.

Tumawa naman ako. Suss 'yon pala ang ipinuputok ng buchi nitong babaknit na 'to.

“Maganda raw kasi ako” sagot ko at inirapan siya.

Tumakbo ako papunta sa cottage. Naroon sina mama, lola, kuya Enzo at mga pinsan ko.

Hanggang bukas pa raw kami rito. Ewan, pero pabor 'yon sa 'kin. Ayaw ko muna sa bahay.

“Oh 'nak kain na” yaya ni mama at inabutan ako ng plato.

Pasado alas tres na ng hapon nang maisipan kong magbihis na. Kanina kasi pagkatapos naming kumain ng lunch ay naligo na kami nila Hazel. Sina lola at mama ay nasa cottage lang nanonood sa 'min.

Pagbalik ko sa Manila magko-kojic na lang ulit ako.

Napailing ako dahil sa sariling naisip. Pa'no kasi'y namula ang balat ko dahil sa pagbababad sa araw. Halos tatlong oras din pala ako sa dagat, hindi ko man lang napansin.

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now