Chapter 18

655 10 13
                                    


Elaine's Point Of View

Sinong mag-aakala na mami-miss ko pala 'yong mga gabing katawagan at ka-text ko siya? 'Yong mga araw na palagi niya 'kong hinahatid kapag uwian. 'Yong mga araw na kapag uwian na at wala nang estudiyante ay saka lang kami nakakapag-bonding. Patago man lahat ng iyon pero aaminin ko na naging masaya ako.

Halos magtu-two weeks na simula noong mag-usap-usap kami nina Marian at Chealsy sa rooftop. Simula no'n ay naging ilag muna ako kay Sir Abrientos. Tama naman ang desisyon ko 'di ba? At least alam kong ako lang ang nasasaktan sa sitwasyon namin. Maging sina Marian ay medyo ilag din kay Melisa. Ilang beses ko na ngang pinagsabihan ang dalawang 'yon ngunit para sa kanila ay mali raw ang babae at ako raw ang tama.

Aaminin ko na gusto kong maging selfish kahit minsan. Gusto kong nasa akin ang atensiyon ni Sir, gusto ko akin lang siya. Wala mang kaliwanagan kung ano nga ba ang namamagitan sa amin pero naramdaman ko namang totoo ang lahat at walang pagkukunwari kaya kahit papaano ay umaasa pa rin ako… umaasa pa rin ako na sana ay bumalik kami sa dati.

Ilang beses niya 'kong tinangkang kausapin pero ilag talaga ako. Palagi kong sinasabi na busy ako o minsan naman ay masama ang pakiramdam ko. Alam ko namang napaka-selfish ko kasi hindi ko man lang siya binigyan ng paliwanag, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Para 'to sa kaniya at sa mga kaibigan ko.

“Ele, anong gagawin mo bukas?” Napabalik ako sa ulirat dahil sa tanong ni Chealsy.

This past few days ay mas lalong naging clingy ang dalawa sa 'kin habang ako naman ay palaging tulala lang. Hindi nila ako iniiwan kahit sa uwian.

“Ha?” Takang tanong ko.

“Okay ka lang ba talaga?” Ani Marian na ngayon ay nakunot-noong nakatitig sa akin. Umiwas naman ako.

“O-oo, okay lang ako.”

“Talaga lang ah?” Sarkastikong sabi niya. “Labas tayo bukas?”

Tatango na sana ako nang may maalala. Bukas pala ang alis namin.

“Hindi puwede eh. Nga pala mawawala ako ng tatlong araw.”

Tila naguluhan naman ang dalawa. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila na a-absent ako ng tatlong araw.

“BAKIT?!”

Wow. Kailangan ba talagang sabay?

“Hinaan niyo boses niyo, gaga” nasa room kasi kami. Walang teacher kaya wala kaming ginagawa. “Pupunta kami kina lola eh.”

“Pa'no kung may ma-miss kang mga lesson?”

“Nandiyan naman kayo 'di ba?” Lumingon ako sa kanila at nag-pilit ng ngiti. “At magpapatulong na lang ako kay Josh kung sakali.”

Narinig kong tumalima si Marian.

“Kay Josh ba kamo?” Tanong niya kaya tumango ako.

“Eh palagi rin 'ata 'yang sabog e', pa'no ka diyan magpapatulong?” Dagdag niya pa.

Nawala bigla ang ngiti ko. Tama siya. Palagi ngang praning o kaya naman minsan ay tulala si Josh. Hindi ko naman magawang kausapin siya lately kasi parang wala rin ako sa sarili. Baka imbis na mabawasan ang dinadala niya eh madagdagan pa kasi baka bigla akong mag-open up sa kaniya ng problema ko.

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now