Chapter 36

673 11 0
                                    


Elaine's Point Of View.

"We're here! Wake up now sleepy head" napasimangot ako dahil sa naging pahayag ni Marian. Bruha talaga! She knew that Naithan used to call me 'sleepy head'. Asar talaga.

"Joke lang eh" tumawa siya ng malakas at pinagbuksan ako ng pinto. Wow, anyare? Bait naman ata ng bruhildang 'to.

Tumambad sa akin ang malaking hotel. Ang ganda pero ano namang gagawin namin dito?

"What are —"

"Sshh, wag kang assuming bebe gurl. Dito muna tayo magpapahinga." Aniya.

Natawa ako dahil sa naging sagot niya. "Wala naman akong sinasabi ah" anas ko.

Napatawa siya ng pagak sabay irap sa akin. "I know you very well, alam ko ang takbo ng bituka mong babae ka."

"Bituka lang hindi isip?" Tanong ko upang mas lalo siyang inisin.

"Ay may isip ka pala? Hindi ako informed eh, sorry" napasimangot ako. Aba! Naisahan ako do'n ah.

Inirapan ko siya at nilampasan. "Okay, you've won" ani ko at tumuloy na sa loob.

Sumunod naman siya sa akin pero hindi na 'ko lumingon pa. Kapagod ang byahe, gusto ko na lang matulog.

"Room 104" biglang sabi ni Marian sa likod ko kaya napalingon ako.

"Ha?" Takang tanong ko.

"Room 104 kako" ilang minuto bago ko na-gets ang nais niyang iparating. Oo nga pala, siya ang nagbayad ng room kaya siya ang may alam kung anong room kami.

Napahawak ako sa batok at kunyari nag-inat. Act fool ba. "Sige thanks."

Nang maglalakad na sana ako patungo sa room 104 ay pinigilan niya ako sanhi ng paghinto ko. "Bakit?" Takang tanong ko.

"Gaga ka! Antayin mo ako" aniya.

"Tangina nito, akala ko kung ano."

"Share tayo ng bed, wag kang maarte ha? Hindi ka mayaman."

"Ano?! Ang likot mo matulog!"

"Isang gabi lang naman ah! Apaka-arte tss."

"Kas—"

"Just get your own room Ele, if you want."

Pareho kaming napaigtad sa gulat ni Marian nang biglang may sumulpot na lalaki sa aming tabi.

Who is he?

Is he… Josh?

Oh my God! Si Josh nga.

"J-Josh?" Bulong ko.

"It's been a while Ele, di ka pa rin nagbabago" komento nito pero nakatanga pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon. Damn! I missed my best friend.

"Pareng Josh! Anong ginagawa mo rito?" Epal na tanong sa kaniya ni Marian. Grabe 'tong bruha na 'to. Hindi mo aakaling professor sa mga galawan eh.

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now