Chapter 25

675 8 0
                                    


Elaine's Point Of View

Nadatnan ko sina mama na naka-upo sa buhanginan habang nakapalibot sa bonfire. Naghanap ako ng puwedeng mapi-puwestuhan pero ang available na lang na space ay napapagitnaan nila Hazel at Naithan.

Jusme.

"Oh apo maupo ka na" ani lola at inabutan ako ng isang hotdog na nakatuhog sa stick with matching marshmallow pa.

"Salamat 'la" sabi ko at inabot 'yon bago umupo sa gitna no'ng dalawa.

Siniko naman ako ni Hazel.

"Bakit?" Inosenteng tanong ko habang iniihaw 'yong hotdog. Gano'n din ang ginagawa ng iba.

"Anong ginawa niyo ro'n?" Ngumuso siya kaya tinignan ko ang tinutukoy niya. 'Yong puwesto namin kanina ni Naithan habang katawagan ko si Josh.

Inirapan ko siya. Yey! Luto na.

"Wala. Tumawag si Josh eh."

Tumango-tango si Hazel pero mukhang hindi pa rin kumbinsido.

"Bakit magkasama kayo?" Sabi na eh.

Naiinis na 'ko ah. "Sumunod siya."

"Ahh, I see" ani niya at tumahimik na. Mabuti naman. Baka kasi hindi na 'ko makapagpigil at bigla ko na lang siyang masapak or worse ay baka isalampak ko ng buo sa bungaga niya 'yong hotdog.

"What happened?" Halos tumalon ang puso ko sa gulat ng maramdaman ang mainit na hininga malapit sa tenga ko.

"Ay hotdog!"

Ehh??

Hotdog? WTF!

"Hotdog?" Kunot-noong tanong ni Naithan.

"Oo, hotdog mo." Wala sa sariling tugon ko.

"The fuck?!"

"Tangina!"

"Joy!"

"Elaine!"

"Pota!"

Halos sabay-sabay nilang sigaw kaya napabalik ako sa ulirat. Hala bakit nagsisimurahan sila? Anyare?

"B-bakit kayo nakatingin?" Utal na tanong ko nang mapagtanto na nakatingin pala silang lahat sa akin!

Pero walang sumagot ni isa sa kanila. As in nakatingin lang sila na para bang may sinabi akong hindi karapat-dapat.

Sinabi?

Meron nga ba?

Nag-isip ako.

Hays.

Hala meron nga! OH NO! I'm doomed again.

Dahan-dahan akong tumayo para sana umalis na pero nahawakan agad ni Naithan ang kamay ko. Jusko naman. 'Eto na naman 'yong kuryente na hindi ko alam kung sa'n galing!

"Where do you think your going?"

'Wag ngayon please!

"Magba-banyo?" Hindi siguradong sagot ko habang nakayuko pa rin.

Tangina. Hindi ko kayang harapin ang kahit na sino sa kanila lalo na sina mama, kuya, at lola!

"Samahan na kita."

"Ha?!"

Sabay naming sigaw ni Hazel.

Hazel?

Oo, ni Hazel. Epal, bakit nga ba nakikisigaw ang babaeng 'to?

Pero samahan?!

"Baliw ka na ba?!"

Parang nagulat naman siya sa inasta ko kaya nakonsensiya ako. Nakalimutan kong nasa harap pala ako ng pamilya ko. Si Naithan kasi!

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now