Chapter 15

794 18 27
                                    


Elaine's Point Of View

"Bakit ba hindi mo kami pinapansin?" Tanong ni Chealsy. Actually kanina pa 'yan.

Simula kasi no'ng pumasok ako sa room ay 'yan na ang tanong niya sa 'kin. Aminado naman ako na hindi ko talaga sila pinapansin ni Marian kasi nagtatampo pa rin ako.

Kahit sino naman e' magtatampo talaga. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nila sinasagot ang tanong ko kung bakit nandoon silang lahat sa mall. Malaking palaisipan 'yon sa 'kin kasi pati si Sir ay nandoon.

"Andiyan na si ma'am, quiet na." Sagot ko.

Nanlulumong bumalik naman siya sa upuan niya at tumahimik. Si Marian naman ay tahimik lang din na tulala.

Dahil sa lumulutang ngayon ang buong sistema ko ay hindi ko na namalayan na natapos na pala ang klase. Lunch na naman, siguro kakausapin ko na sila 'no? Baka sabihin na nila sa 'kin.

Nang makita kong akmang lalabas na si Chealsy ay hinawakan ko ang braso niya dahilan para mapahinto siya at tumingin sa 'kin.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ng babae.

"Wala, usap tayo? Do'n tayo sa cafeteria kumain."

"Hindi ka na galit?"

Nakita kong parang may kuminang sandali sa mga mata niya kaya pinigilan ko ang sariling ngumiti. Ganito pala ang epekto ko sa kaniya. Sa tagal kasi naming nagsasama-sama ay ngayon lang ako nagtampo sa kanila, usually kasi ako ang bridge para magkaayos ang kung sino man sa kanila ang hindi nagkakasundo.

"Let's see" sagot ko at hinatak ang dalawa.

Umupo kami sa bandang dulo ng cafeteria kung saan hindi masiyadong kita ng mga estudiyante. Wala si Melisa ngayon. Napansin ko nga na medyo ilag sa amin ang babaeng 'yon.

"Sasabihin niyo na?"

"A-ang alin?" Si Chealsy.

Tumingin ako kay Marian na tulala pa rin. Malapit na 'kong mag-alala sa bruha na 'to ah.

"Kung bakit kayo nandoon sa mall."

"'Di ba nagsabi kami sa 'yo na pupunta kami ni Marian? Inaya ka pa nga namin eh."

"Not that. Bakit pati sina Melisa at Sir ay nandoon?"

"Aba'y malay ko, basta nakita namin siya... ay sila pala." Sagot ni Chealsy.

Tumingin ulit ako kay Marian. Ano kayang iniisip nito?

"Marian" tawag ko sa atensiyon ng babae pero hindi niya 'ata narinig.

"Marian!" Medyo may kalasakasan kong sigaw.

Si Chealsy naman ay nakatitig lang sa 'min.

"Si Jeffrie!" Ani ko.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Marian at natatarantang nagpalinga-linga. Halos humagalpak ako sa tawa dahil sa nakita habang si Chealsy naman ay humahagalpak na talaga.

Grabe, 'yon lang pala ang magic word.

"N-nasaan?" Tanong niya.

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now