Chapter 19

636 9 14
                                    


TRIGGER WARNING!!

Elaine's Point Of View

Halos takbuhin ko na ang kusina nang magising ako kinabukasan. Hindi ko na naalala pa kung paano ako nakarating sa kuwarto. Paggising ko kasi kanina ay nakahiga na 'ko sa malambot na kama ng kuwartong tinutuluyan namin ni mama.

Basta ang naalala ko lang ay nawalan ako ng malay kahapon bago pa 'ko makapasok sa loob ng bahay. Pero hindi ko alam kung totoo ba 'yong narinig kong boses na tumawag sa 'king Joy, para kasing boses ni Sir Abrientos.

Pero ano namang gagawin niya rito 'di ba? Siguro miss na miss ko lang talaga siya kaya naririnig ko ang boses niya.

Pagkababa ko sa hagdanan ay nadatnan kong nag-u-usap-usap sina mama sa sala ngunit nahinto rin 'yon no'ng nakita nila ako. Wala si Hazel, hindi ko alam kung nasa'n.

“Oh anak, gising ka na pala” bati ni mama. “Gusto mo bang kumain? Ipaghahain kita.”

Tumango naman ako ng marahan at nagpilit ng ngiti na sinuklian naman ng pilit na ngiti ni mama.

“'Lika apo, upo ka rito” anyaya ni lola kaya umupo ako sa tabi niya.

Hinaplos niya ang aking buhok ngunit kita sa mga mata niya na nag-aalala siya sa 'kin.

“S-si kuya po?” Tanong ko. Pinilit kong ngumiti ulit para hindi na sila mag-alala sa 'kin.

“U-umalis apo, nasa bayan siguro” sagot naman sa 'kin ni lola ngunit umiwas siya ng tingin.

Sumandal ako sa sandalan ng sofa at pilit inaalala ang nangyari kahapon. Totoo bang nakalaya na si papa?

“'La…” huminga ako ng malalim bago ko hinawakan ang mga kamay ni lola. “T-totoo po bang nakalaya na si p-papa?”

Napansin kong tila natuod si lola sa tanong ko. Napadako naman ang aking mga mata sa likod ni lola, naroon si mama. Maging siya ay napahinto sa paglalakad at mariing napatitig sa 'kin.

“'Nak…”

“Ma. T-totoo po ba?”

“Kasi anak… uh.”

“Totoo po ba?” Ulit ko.

Bumuntonghininga siya ng malalim bago nilagay 'yong pagkaing hinanda niya para sa 'kin sa center table. Umupo siya sa tabi ko at marahang hinaplos ang pisngi ko.

“Oo. Nakalaya na ang… ang papa mo.”

Para akong tinakasan ng lakas ng loob.

“Ma…” tanging nasambit ko na lang.

Naramdaman kong niyakap ako ni mama. Kumawala sa 'kin ang kanina ko pa pinipigilang hikbi, nanginginig din ako dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdanan.

Hinaplos naman ni lola ang kulot kong buhok habang marahang pinapatahan ako.

“Mama…”

“Sssshh, narito kami anak.”

“M-mama… s-si papa” ani ko na patuloy pa rin sa paghikbi.

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now