Chapter 10

907 20 34
                                    


Elaine's Point Of View

Gabi na at nasa hapag na kaming tatlo, wala pang kumakain. Sadyang nakatitig lang talaga kami sa kawalan, kahit nga ako na gutom na gutom na ay hindi makagalaw para magsandok ng pagkain ko.

Hanggang kailan ba kami ganito?

Nakakalungkot lang na tatatlo na nga lang kami tapos ganito pa.

Napansin kong tumayo si kuya, pupunta na yata sa kuwarto niya pero bigla siyang pinigilan ni mama.

"Saan ka pupunta?" Si mama.

"Sa kuwarto ko po" sagot ni kuya habang nakatalikod pa rin sa amin at nakatayo sa kung sa'n siya huminto kanina.

"Hindi ka pa kumakain." My mom said seriously.

"Oo nga, maupo ka muna kuya" sabat ko sa kanila.

"Busog pa 'ko ma."

"Kumain ka muna."

"Pero buso-"

"Kakain ka rito o hahatiran kita mamaya ng pagkain sa kuwarto mo?" Walang pag-aatubiling sambit ni mama na siyang ikinatigil ni Kuya sa pagsasalita.

'Yan lagot ka! Umupo ka nalang kasi, dami pang satsat, tse!

Sa huli ay wala na itong nagawa kundi ang umupo, sa wakas makakain na kami!

Ako ang nakatoka ngayon sa hugasan kaya pagkatapos kumain ay nakabusangot ako. Tinulungan naman akong magligpit ni mama kaya mas madali akong natapos. Pagkatapos kong maghugas ay umakyat na 'ko sa kuwarto ko para mag-cell phone. Plano kong i-chat 'yong dalawa at tanungin. Na-guilty rin ako ng kaunti dahil sa inasta ko kanina, nagmuni-muni kasi ako habang naghuhugas tapos biglang sumagi sa isip ko 'yon.

Good thing kasi online naman 'yong dalawa, pati nga si Melisa ay online eh. Sa gc ko sana balak magtanong kaso 'wag nalang.

Oo, may gc kami. 'The four motherfuckers'' 'yong gc name.

Hulaan niyo kung sino 'yong nag-name...

TAMA!!!

Ako nga. Hehe.

Nakita kong nawala 'yong green dot sa tabi ng profile ni Chealsy, hayuff! Nag-turn off si gaga.

Pero nakita ko namang active pa rin si Marian kaya siya nalang ang kukulitin ko.

Elaine Alcantara:
Psst!

Ilang segundo muna ang lumipas bago niya 'ko sineen.

Marufok na bestie:
oh?

Ayy cold.

Elaine Alcantara:
Anong pnag-uuspan nyo knina ni Chels?

Marufok na bestie:
Wala.

Tengene, yelo ba 'to?

Elaine Alcantara:
Tnginamo! Ano nga?!

Marufok na bestie:
Eh bat ka nang-mumura?!😠

Elaine Alcantara:
Sbihin mona!

Marufok na bestie:
Ayaw ko!

Ahh matigas ulo mo ah.

Elaine Alcantara:
Ayw mo sbihin?

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now