Elaine's Point Of View"Can I court you?" Pag-uulit niya sa tanong kanina.
Tinignan ko lamang siya sa mga mata, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Lord panaginip ba 'to? Kung oo, puwede bang tumira na 'ko rito? Ayoko nang gumising Lord, please.
"Joy" napabalik ako sa realidad matapos marinig ang tinig ni Naithan.
"P-panaginip ba 'to?" Maang na tanong ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya tanda na naguguluhan o kaya naman ay nawi-weirduhan siya sa 'kin.
Hindi mo naman ako masisisi kung bakit ganito ang reaksiyon ko. Para kasing hindi ito totoo, parang imagination ko lang tulad ng dati, at para kasing napaka-imposible pa ring mangyari.
You can't really blame me! Sino ba naman kasi ang matinong lalaki na bigla-bigla na lang manghahalik matapos kong mang-rant sa kaniya?! May paiyak-iyak pa 'kong nalalaman tapos hindi naman pala niya sasagutin ang mga isinumbat ko kanina. Sayang lang 'yong laway ko.
"No it's not. So? Yes or no? Nangangalay na ang future boyfie mo rito oh."
Napaismid ako dahil sa sinabi niya. Future boyfie? Grabe naman ang confident ng lalaking 'to.
"Sige na nga! Tayo na!"
"A-ano?" He asked like a stupid man. Minsan talaga ang sarap niyang sakalin — sa kama.
Agad kong pinilig ang ulo dahil sa naisip.
Ayan ka na naman sa kabastusan na 'yan Elaine!
Sasagot na sana ako ng bigla siyang tumayo at niyakap ako ng napakahigpit. Papatayin 'ata ako nito eh.
"Thank you!" Sigaw niya na ikinakunot ng noo ko.
Thank you para sa'n?
"Para saan naman ang thank you mo?"
Bigla siyang napabitiw dahil sa tanong ko. Tila ba gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"You said yes! Joy you said yes." Aniya sabay pout.
Ang cute naman ng baby na 'yan.
"May sinabi ba 'kong yes, Naithan?" Maang na tanong kong muli para mas lalo siyang inisin.
Nagdilim ang kaniyang aura at umigting ang kaniyang panga. "But you said tayo na. Stop messing with me Alcantara." Baritonong saad niya.
Matatakot na ba 'ko? Mamaya na lang siguro, ano?
I chuckled. "Sabi ko tumayo ka na! As in stand up Naithan" sagot ko naman na mas lalong nagpakunot ng noo niya. Feeling ko nga ay may tendency na magdikit ang dalawang kilay niya eh, salubong na salubong. Angry birds yan? "Sabi mo kasi kanina eh nangangalay ka nang lumuhod kaya pinatayo kita." Dagdag ko.
Nakita kong inis na siya dahil sa ginawa niyang pagtalikod sa 'kin. Habang ako naman ay todo pigil ng tawa kanina pa. Mukha na nga akong natatae rito kakapigil ng tawa. Mabuti na lang at umalis siya kaya nailabas ko, kasi kung hindi ay baka tuluyang na 'kong mapahalakhak sa harap niya. Ang priceless pa naman ng mga reaksiyon niya kanina pa.
"Hoy teka! Joke lang yun uyyy—aaaahhhh!" Napasigaw ako kasabay ng pagbagsak ko sa lupa. Shutanginamers! Bwisit na bato 'yon. Hindi agad ako nakatayo dahil sa lakas ng impact ng pagbagsak ko sa buhanginan, wala pa naman si Naithan. Nagalit siguro talaga siya kasi hindi bumalik.
At dahil sa no choice ako at wala namang ibang tutulong sa akin ay pinilit kong itayo ang sarili ko. Naramdaman kong mahapdi ng kaunti ang bandang tuhod ko kaya agad ko itong tinignan. "Aww!" Ani ko matapos mahawakan ang kaunting galos rito.

YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomansaThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...