TRIGGER WARNING!
SUICIDE ATTEMPT!
STRONG AND VIOLENT WORDS CAN ALSO BE SEEN AT THIS PART OF THE STORY! YOUNG READERS ARE NOT ALLOWED.
PS: Sorry for interrupting! You can now proceed, thank you:)
Elaine's Point Of View.
"Anong nangyari? Bakit nag-left si Mels sa gc?"
"Ha? Ah…"
"Ewan namin."
Kanina pa kami sa cafeteria. Break time na at sakto dahil wala kaming pasok sa susunod na subject kaya mahaba ang oras namin sa recess.
Kanina pa rin hindi makatingin sa akin ang dalawa. Hindi ko alam kung tungkol ba 'to sa kahihiyan ko kaninang umaga o sa tanong ko tungkol kay Melisa.
By the way, Naithan saved me earlier. Natahimik ang lahat lalo na yung dalawa kong kaibigan. Tila ba biglang may pumasok na anghel kanina sa room namin sa sobrang tahimik.
Halos huminto rin ang mundo ko nang bigla inilagay ni Naithan at pinulupot sa akin ang black polo niya. Marahil ay iyon ang laging nakalagay sa may uluhan ng swivel chair niya.
Hindi nga ako makatingin sa mga kaklase ko kanina eh, even kila Chealsy at Marian. Nahihiya ako at natatakot. What if malaman nila? And worse what if alam nila?
Tangina! Ang hirap naman.
Alam kong makakabuo na sila ng kongklusyon sa mga nangyayari pero pilit ko pa ring itinatanggi ito. Ayoko pa, hindi pa ako handa.
"Talaga? Eh kayo ang magkakasama-sama rito eh." Sagot ko sa kanila bago kinagatan ang burger na hawak ko.
Napalunok ng mariin si Chealsy at umiwas na naman ng tingin. "N-nag-usap kami."
Halos maibuga ko ang juice na iniinom ko ngayon lang. Ano raw?! Nag-usap? "Talaga?" Namamanghang tanong ko. Isa lang kasi ang ibig sabihin no'n! Hindi na sila magkagalit.
Pero bakit nga nag-left? Haysss.
"Oo" si Marian ang sumagot. "Pero ayun nga, nagalit, nag-left sa gc."
Sabay na bumagsak ang balikat ko at ang kaunting pag-asa na namumuo kanina.
"Bakit naman nagalit?"
"Hindi ko rin alam. Pati nga ako ay iniiwasan niya na, hindi ko naman alam ang kasalanan ko. May mali ba akong nagawa? Bakit hindi niya sabihin sa akin? At bakit…" Huminto si Marian. Humikbi siya, nagulat ako dahil sa biglaan niyang paghagulhol. Matagal na ba niya itong kinikimkim? "… bakit niya tayo kailangang iwasan?"
Melisa is her first best friend. She's her first buddy before we came to her life so I understand her pain. Masakit nga naman talaga ang pakiramdam na may umiiwas sa 'yo nang hindi mo alam ang dahilan ng taong 'yon at kung ba't ka niya iniiwasan.
"Husshh, nandito naman kami" pang-aalo ni Chealsy ngunit tanging paghikbi lamang ang naisagot sa amin ni Marian.
I understand her pain. Kung ako ang nasa posisyon niya ay malamang na masasaktan din ako. Melisa is like a sister to her —— well ganoon din naman kami sa kaniya pero iba kasi talaga ang bonding niyo ng isang taong mas nauna mong nakilala.
YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomansaThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...