Elaine's Point Of View"Let's go, Ms. Alcantara." Sir Abrientos firmly said, tinitigan ko si sir nang marinig ang malalim niyang boses.
Tinanguan ko ng isang beses ang tatlong kaibigan na lito sa nangyayari habang si Melisa ay takang-taka nakatitig sa akin bago ko sila iwan at sumunod sa guro.
Sasabihan ko sana siya na sa dalawa na lang magtanong pero mukhang atat na si Sir kaya sumunod na lang ako. Ako na lang ang magi-explain kung sakali...But I'm sure that Marian and Chealsy will do that for me. Ito na muna siguro ang iisipin ko bago iyon.
✎ᝰ. ‧₊˚ ☁️⋅♡𓂃 ࣪ ִֶָ☾。
Kanina pa ako nakasunod sa likuran ni Sir na parang tuta na sumusunod sa amo, 'yong tipong nag-aantay lang sa amo kung anong ipapagawa sa 'yo - gano'n ang feeling ko right now. Sayang nga eh 'yong lunch na sana ay masaya... nauwi pa sa pagpunta ko sa Office.Lintek lang.
Naalala kong may meeting pala ang mga teacher ngayon kaya halos lahat ng nakakasalubong namin na mga estudyante ay pauwi na, habang ako 'eto at magla-lunch pa 'ata ng sermon ni Sir.
Sa kabutihang palad ay nakarating naman kami sa Office ng matiwasay, huminto ako saglit kasi inaantay kong pumasok si Sir pero mukhang wala siyang balak. Nakataas ang kilay niya nang tumingin ito sa akin habang hawak ang doorknob ng pintuan na ngayon ay nakaawang na ng kaunti, nagtataka kong sinalubong ang seryosong tingin nito na tila ba'y hinihintay akong pumasok sa loob.
Mukhang shunga lang si Sir, hindi ko naman siya pinipigilang pumasok sa loob. Ano kayang hinihintay nito? Ang pagputi ng uwak? Hindi na 'yon mangyayari, huy!
"Come in" iritadong saad niya nang hindi tumitingin sa akin. Problema na naman nito? At tsaka bakit ba hinihintay niya 'kong pumasok sa loob? Hindi niya ba napapansin na kaya ako nakatayo rito sa likod niya kasi hinihintay ko rin siyang pumasok sa loob!
Ugh! Nakakainis! Bakit ba ang malas-malas ko sa araw na 'to?!
Alam niyo 'yong tingin na bobong-bobo ka na sa kausap mo pero wala kang magawa kasi bawal manakit - gano'n ang ekspresiyon ngayon ni Sir with matching pagkunot pa ng noo.
Anak ng!
Sa huli ay sumuko at yumuko na lang ako ng bahagya para makapasok sa loob kagaya ng kagustuhan ng pesteng lalaking 'to sa harap ko - ay joke lang, hindi peste si Sir, ah. Wala namang peste na gan'to kaguwapo.
"Nagtataka ka ba kung bakit walang tao?" biglang sabi ni Sir na para bang nababasa niya ang naiisip ko, inayos niya ang salamin at bahagyang yumuko sa mukha ko na siya namang ikinagulat ko.
Tangina.
Bakit may paganon?! Tangina! Naghi-hirestiya na ang puso ko sa sobrang pagkalabog nito. Nanghina ang dalawang tuhod ko dahilan para mawalan ng kulay ang aking mukha.
"They're all at the faculty" sambit niya na parang wala siyang ginawa na hindi dapat. Tumayo na para bang walang nangyari si Sir Abrientos bago siya marahang umupo sa swivel chair at pina-ikot-ikot ito ng kaunti.
Habang ako? Tangina halos hindi na 'ko huminga sa loob ng opisinang 'to!
Tumikhim ako bago magsalita, nakaka-awkward naman. "S-sir, hindi po talaga ka-"
"I know..." sagot niya na ikinagulat ko. Muntikan pa 'kong mahulog sa upuan, mabuti na lang at nakahawak ako ng maigi sa bag ko kaya nakapag-balanse ako kahit papaano.
YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomantizmThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...