Elaine's Point Of ViewIlang weeks na rin ang lumipas simula noong magsimula ang pasukan, and as usual puro lesson na ang naganap. Nakakatamad makinig minsan kaya kapag may quiz ay si Josh ang source namin nina Chealsy, siya lang naman kasi ang nagre-review kapag may exam.
He's a standard, indeed.
“Psst, sa number 6?” I whispered, medyo may kalakasan ang boses. Nakayuko ako ngayon ng kaunti habang tinatawag si Josh pero mukhang busy siya kaya hindi ako marinig, 10 minutes na.lang at magche-check na!
Damn! Anong gagawin ko?!
Kinalabit ko si Chealsy na ngayon ay nakakunot noong nakatitig sa papel, “uy anong answer sa number 6?” pabulong na tanong ko ngunit nabigo ko nang umiling ito kaya sinilip ko ang papel niya, pucha halos kalahati pa ang blanko!
Ganoon rin ang ginawa ko kay Marian na masamang-masama ang titig sa papel niya na tila ba ay may utang ito sa kaniya, dahil sa nakitang reaksiyon ko sa kaniya ay alam ko agad na wala akong mapapala sa isang 'to. No choice, kay Josh talaga.
Dapat pala sa tabi ako ni Josh naupo noon, sayang.
Nakita kong lumabas si Sir kaya kinuha ko na ang pagkakataon, binato ko ng maliit na papel si Josh at agad naman itong napalingon sa akin.
Yehey! Success!
“Number six” I mouthed, mukhang nakuha naman niya kasi bumaling siya sa kaniyang papel at pagkatapos ay bumaling sa akin ulit. ‘B’ he mouthed, agad naman akong nag-thank sa kaniya at ngumiti ng malapad bago bumalik na sa pagsa-sagot.
Eh, pa'no naman kasi! Nakakalito ang number six, hindi ko sure kung B or A ang answer. Sayang kaya ng one point. Recorded pa naman ang quiz na 'to at isa pa ay nakakahiya kay Sir kung makakuha ako ng mababang marka.
Short quiz lang naman 'to pero recorded. Malaki pa naman ang hatak sa grade ng mga quizzes kaya bawal ang peteks-peteks. Graduating pa naman ako, nakakahiyang magkaroon ng patok sa card. I just can't.... uh no, my family will be disappointed at me.
“Time's up, pass your paper and we'll check” sakto namang pumasok si Sir, bumaling ako sa dalawang kaibigan at ngumiti ng malapad. Natapos ko!
Inirapan ako ni Chealsy bago ipinasa ang papel sa unahan, “sus sigurado ka bang tama 'yon lahat? Ha?” inis niyang sumbat.
Nag-ngising aso ako sa harap niya. “I don't care, at least tapos.” I said and quickly turned my gaze in front.
Inismiran niya ako bago itinutok ang atensiyon sa unahan, twenty minutes ang itinagal ng pagche-check namin. Pa'no kasi ay may kaunting discussion na naganap, nang ibalik ang papel ay agad akong lumingon kay Chealsy na ngayo'y parang binagsakan ng langit at lupa.
Tumawa ako ng malakas bago kuhanin ang papel nito, 28/50. Kaya pala parang inutangan ang mukha kasi wala sa 3/4 ang nakuhang score, mabuti at nag-review ako kagabi kahit papaano.
“Yabang” inis na sabi ni Chealsy na inismiran ko lang.
After checking ay nagsimula na si Sir mag-record ng scores, karamihan ay matataas naman ang nakuha pero hindi talaga mawala-wala ang 10, 5, 15 at higit sa lahat ay ang 0. Mabuti na lang at hindi ako kasali sa kanila, nakakahiya.
“ Lastigma”
“35 po Sir” sagot ni Marian na lalong ikina-inis ni Chealsy, tangina nakakatuwa talaga ang mukha nito kapag naiinis.
Hindi ko naman kasi ikakaila na matalino si Marian, ang kaso nga lang ay tamad talaga siya. Kahit nga 'ata hindi siya mag-review ay kaya niyang magkaroon ng mataas na score sa mga quizzes. Samantalang ako ay hirap talaga lalo na kung tungkol sa memorization, auto pass agad ako riyan. Si Chealsy naman ay tama lang, sinabayan niya pa ng pagkatamad kaya ang ending ay mabababa ang scores niya kaysa sa 'min. Pero thankful pa rin ako kasi hindi ako katulad ng ibang matatalinong kabataan ngayon na napi-pressure dahil ayaw nilang ma-disappoint 'yong mga taong mayroong matataas na expectation sa kanila. Ang hirap kaya no'n.

YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomanceThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...