Elaine's Point Of View“Apoooo!!”
Bigla akong napahinto nang marinig ang sigaw ni lola, hindi pa nga kami nakakababa sa tricycle ay rinig na agad iyon. Bigla namang natawa si mama na nasa tabi ko.
“Na-miss ka ng lola mo” ani niya. Tumango naman ako at ngumiti ng malapag nang makalapit sa amin si lola. Agad naman ang pagmano ko rito.
“Na-miss kita apo! Ang laki mo na” komento niya pa, parang maiiyak na nga siya eh. Biruin mo naman kasi ang limang taon? Limang taon kasi kaming hindi bumisita rito dahil sa nangyari noon, buti nga at pumayag na si kuya ngayon.
Niyakap ko si lola at sinabing miss na miss ko rin siya. Nauna naman sina mama sa loob kasama ang iba kong pinsan. Maya-maya lang ay may biglang nangbatok sa 'kin na naging sanhi ng paglingon ko sa likod. Nakita ko si Hazel — pinaka-close ko sa lahat kong pinsan.
“Uyy gago nandito ka na pala!” Eksahederang sigaw niya.
“Wala pa ghorl, wala pa. Ang totoo kaluluwa ko lang talaga 'to” pamimilosopo kong sagot.
“Hazel ang bibig mo!” Sigaw sa kaniya ni lola, tumawa ako ng malakas ng kurutin siya nito habang todo iwas naman ang babae.
“Sorry na la, tama n—araaayyyy” sigaw niya nang magablot siya ni lola. 'Yan kasi, gago-gago ka pa ah.
“Oh siya pumasok na kayo sa loob at mainit dito” sabi ni lola at nauna nang maglakad palayo. Habang kami naman ni Hazel ay naiwan sa kinatatayuan namin.
Maya-maya pa ay inusisa niya na 'ko. As expected from her.
“Uy ghorl, sure ka ba talaga?” Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
Luh pinagsasabi nito?
Inirapan ko siya bago sumagit, “sure saan?”
“Na kaluluwa mo lang 'to” sagot niya sabay hawak sa pisngi ko at pinisil iyon.
“Aray! Takte an— ouch! Bitiw na! Ang shakit!” Pagmamakaawa ko habang tinatanggal ang kamay niya sa pisngi ko.
Pero teka. Seryoso ba siya sa tanong niya? Grabe, hindi talaga siya nagbago.
Nang bitiwan niya ang pisngi ko ay agad ko siyang hinampas ng malakas, sumigaw pa nga siya. Nang akmang hahampasin niya rin ako ay agad akong tumakbo papunta sa bahay habang sumisigaw.
“MAMAAAAAAAA” sigaw ko kaya nagulat sila. “NANGHAHAMPAS SI HAZE—OUCCCHHH!!!”
“Oh 'yan kasi, magsusumbong ka pa ah” sabi ni Hazel na hinabol pala ako. Inangyan, ang sakit niyang manghampas!
Magka-edad lang naman kami ni Hazel pero mas matanda ako ng dalawang buwan sa kaniya. Grade 12 na rin siya pero kung mag-asaran kami para talagang bata.
“Tama na nga kayong dalawa” saway ni lola. “At ikaw Hazel, tigilan mo 'yang si Joy dahil pagod 'yan sa byahe.”
Joy.
Wala lang. Naalala ko kasi si Gab, 'yan kasi ang tinatawag niya sa 'kin eh. Actually ‘Joy’ talaga ang tawag nila sa 'kin dito sa probinsiya, ewan ko ba, mas bet nila ang second name ko kaysa sa ‘Elaine.’
“Nandoon si mama mo sa taas apo, magpahinga ka muna” bumaling ako kay lola at ngumiti ng tipid.
“Sige la” sagot ko at inirapan si Hazel na nasa tabi ko lang kanina pero biglang nawala ang gaga. Nang hanapin ko siya ay namataan kong nandoon sa may sofa kasama ang ibang pinsan namin, nakiki-agaw pa sa mga pagkain na pasalubong ni mama. Tsk, parang bata.

YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomanceThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...