Chapter 30

695 12 0
                                    


Elaine's Point Of View.

"Joy tulungan mo si mama" utos sa akin ni kuya Enzo. Kasalukuyan naming nilalagay ang mga bagahe sa likod ng Van nila Tito, uuwi na kasi kami sa probinsiya.

"Ma, ako na niyan — teka, nasa'n si Naithan?" Tanong ko nang mapansin na halos lahat na ay narito maliban sa kaniya. Naipasok na rin ang lahat ng mga bagahe sa likod.

Nagmano ako kay lola at humalik sa pisnge ng mga pinsan ko. "Bye la! Bye Hazel! Babalik po kami rito sa susunod na taon."

"Mag-iingat kayo apo — oh sya, nandiyan na pala si Gabrielle."

Hinalikan ako Naithan sa pisnge pagkarating niya bago isakay ang kaniyang bagahe sa likod.

By the way pala ay alam na ng pamilya ko ang nagaganap na panliligaw sa akin ni Naithan. Hindi naman sila tumutol o kaya'y nagbigay n negatibong ekspresiyon bukod kay kuya Enzo na talagang kinusap si Naithan nang masinsinan.

"Let's go" sigaw ni tito mula sa driver seat. "Bye ma! Babalik kami sa susunod" paalam niya at nagsilbato.

Kasalukuyang umaandar ngayon ang Van. Magi-isang oras na rin kaming bumabyahe mula pag-alis namin kanina sa probinsiya nila lola.

"Won't sleep?" Tanong ng katabi ko na obvious naman na si Naithan.

Actually nasa pinakalikod ulit kami ng Van, ma-presko kasi dito at masarap matulog kapag bumabyahe.

"Nope" sagot ko habang busy sa pagkalikot sa aking sariling cell phone.

Sumilip siya rito, marahil ay kanina niya pa napapansin ang kabusy-han ko sa telepono.

"What are you doing?"

"Ha? Wala, nagbabasa ng Wattpad" sagot ko sa kaniya at ipinakita ang binabasa ko.

Matipid siyang tumango at humilig muli sa aking balikat.

Hindi kasi ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong magbasa ng wattpad. Ang one and only libangan ko tuwing bored na bored na 'ko sa buhay.

Actually si Hazel ang nagpakilala nito sa akin, dati rin kasi siyang wattpad adik pero dahil may pasok na ay tumigil na muna siya sa pagbabasa.

"Naithan" inalog ko siya ng kaunti pero hindi man lang siya gumalaw. Marahil ay napagod ito at antok na antok talaga.

Sayang, iki-kuwento ko sana sa kaniya ang nabasa ko.

Dahil sa natapos ko naman na ang isang story ay tinamad na 'kong magbasa ulit. Hindi pa ako nakakamoved-on kasi sa ginawa ni boy kay girl.

Pa'no ba naman kasi ay mas pinii nito ang ex niyang may cancer kaysa sa current girlfriend niyang hindi makalakad. Ang unfair naman ata no'n sa jowa. Mga lalaki nga naman.

In-open ko ang social media account ko. Sinubukan kong umidlip pero hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok kaya makikipag-chika na lang ako sa mga kaibigan ko.

Pero malas talaga kasi naka-off sila. Saka ko lang naalala na may pasok pala dapat kami ngayon. Marahil ay busy ang mga ito, defense pa naman next month.

Speaking of defense, nabalitaan kong manunuod ang principal ng school namin ng final defense. Puro istrikta at istrikto rin pala ang magiging pannel namin kaya nakakakaba talaga. Ewan ko lang kung pati si Naithan ay manonood din.

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now